"Honey, I'm so sorry." himalang kinakausap na ako ulit ng mga kaklase ko. Hindi na rin nila ako binabalewala. Nakakasabay ko na rin sila sa lahat ng klase. Parang may himalang nangyari, biglaan. Nagugulat ako sa kanila.
"Natakot lang kasi ako na baka madamay rin ako," sabi ni Anika. Ngayon ay lunch break namin kakatapos rin lang ng morning classes namin. Mabuti na nga lang ay late si mama nakauwi kagabi kaya hindi niya ako naabutang ganon ang itsura. Nagawa ko pang malabhan agad ang uniform ko at... t-shirt niya.
"I mean we all are." kumunot naman ang noo ko tapos naalala ang mga babaeng 'yon at bakit tumigil lang sila nang dumating si Wren. Samantalang ako na sigaw ng sigaw ay parang wala silang naririnig.
Natatakot sila bakit sino ba ang mga 'yon? Kahit manlang tumulong o magsumbong ay hindi nila nagawa. Hinayaan lang nila ako.
"Kilala mo ba sila?" tanong ko.
"Yeah, their are Trishia's allies." walang gana niyang sagot sa'kin. Sino bang Trishia parang narinig ko na rin ang pangalan na yan kahapon.
"Trishia's squad are spoiled and mean, that's why everyone here is avoiding them. One wrong move and they will bully you forever."
Napaisip ako ulit dahil bigla lang naman nila ako inaway. Alam ko kasing wala akong nagawa. Hindi ko ugaling makipagaway ng ganon kalala.
"Ano ba nagawa ko at sino ba sila anak ng makapangyarihang nilalang?" inis kong tanong.
"Remember when you accidentally hit Wren?" tanong niya at napaisip kung bakit nasali si Wren? Pero sinong Wren naman.
"Natamaan mo siya ng bola, isa 'yon sa pinaka wrong move sa lahat," sabi niya. Napaawang naman ang labi ko. Si Wren nga. Dahil lang sa natamaan ko siya ng bola? Pero hindi ko naman siya nasugatan o kahit ano, oo nadumihan ko nag uniporme niya pero hindi naman sapat na rason 'yon.
"I know it's childish but Wren rules this school. Lalo na sa batch natin."
"Ha? hindi ko maintindihan," sagot ko.
"Apo si Trishia ng principal natin, and Wren. gained more fans because besides of him being handsome. Trishia likes him since elementary," aniya.
Apo ng principal? Nakakatakot ba 'yon, kasi kung hindi naman tama. ginagawa ng apo niya eh dapat maparusahan rin. Ayoko lang talaga mag-alala pa sa'kin si mama at ipatawag pa siya dito.
"Trishia is spoiled eh, kaya nga nilang baliktarin every situations. West Gold is a good University, a lot of benefits kapag dito ka grumaduate dahil sikat but very unfair... Pero hindi ka naman nila gagalawin kung wala ka ring gagawin na hindi nila ikakatuwa kaya it's best na you stay away from them."
Napairap ako at nawalan ng ganang kumain. Ganito pala dito, eh di sana hindi ako nag-enroll. Wala naman kasi akong naririnig na masama. tungkol sa University na 'to.
"Trishia is a bully since elementary lalo na kapag may lumalapit kay Wren, but Wren doesn't seem to care at all kahit anong gawin ni Trishia maliban kahapon?" Tumingin ako ulit kay Anika dahil sa tono ng pagkasabi niya.
"Well, baka nagmature na si Wren lahat tayo 16 and 17 na. Sana same for Trishia."
Naalala ko tuloy na si Wren ang nag-iwas sa'kin sa mga bullies na 'yon. Ngayon medyo alam ko na ang baho ng University na 'to. Sna alang hindi na maulit 'yon. Gusto ko lang makapagtapos at isa pa sobrang natuwa si mama nang makapasa ako dito.
Napalingon ako sa entrance ng cafeteria nang may mga pumasok na students. Hindi ko na sana bibigyan ng pansin kaso nakita ko si Wren, tumatawa habang kausap ang mga kasama niya.
BINABASA MO ANG
Mr. Sneezy
Romance"Honey, you don't want me mad!" - Mr. Wren Kyle Almazan MISTER SERIES II photos (Canva's free photos/ elements) used are not mine. Credits to the rightful owners.