"Honey!"
Napalingon ako kay Anika at iba pa naming mga kaklase. Ang gaganda nilang lahat. Pakiramdam ko nga rin may fashion show dito sa loob ng campus. Sa gate palang ay maririnig na ang malalakas na awitin. Parang mararamdaman mo na talagang papalapit na ang pasko.
Pinaayos ni mama itong red dress kay ate Cecil ang ganda tapos soot ko ang sapatos na bigay ni mama. Si mama nga rin nagtali ng buhok ko simpleng bun lang naman.
"Ang simple talaga at natural ng ganda mo, tipong hindi nakakasawa," komento naman ni Rose at pakiramdam ko namula agad ako. Mas magaganda nga sila kesa sa'kin.
"Tara humanap na tayo ng pwesto!" sigaw ni Anika tapos sumunod ako sa kanila. Halo-halo lahat at walang by class o by year o by grade level. Bawal siguro dito ang mahiyain.
Marami ngang kilala sila Anika at hindi ako makasabay dahil nahihiya ako. Nang makahanap kami ng pwesto dito sa maluwag na field ay agad kaming umupo. Sana nagdala ako ng jacket ang lamig dito. Maganda ang lightings at mga designs.
"Ano balak niyo this Christmas break?" tanong ni Rose.
"Sa bahay nga lang ako, kayo?" tanong ko.
"Hmm we're going to Australia this Christmas break," sagot ni Anika. Wow.
"Ako hindi ko alam saan kami pupunta ngayon nila daddy." lahat sila ay nag-usap usap na kung saan sila ngayong christmas break. Basta usapang mayaman hindi ako makakarelate.
"Magkasabay ba kayong dumating dito ni Wren?" tanong naman ni Anika. Umiling naman ako.
"Nauna siya dito," sagot ko. Nakakatampo nga pero kailangan niyang pumunta dito dahil isa siya sa kasama sa program ng party.
"Gaano na ba kayo kaclose ngayon?" nakangising tanong naman ng isa naming kaklase.
"Anong ibig niyong sabihin?" tanong ko at tinignan ko ulit ang program. Kasama rin si Trishia. Napanguso ako at hindi ko alam sa President ng University na 'to kung bakit may hinahayaan o napapabayaan silang mga bullies o principal na kinukunsinti ang ugali ng apo niya.
"Minsan kasi kapag nagkukulitan kayo o nag-aaway parang magjowa haha." natatawang sabi ni Rose. Nailang naman ako bigla, ayokong tinutukso nila kami, minsan, dahil pakiramdam ko mas lalo lang akong nahuhulog kay Wren.
Tinignan ko naman ang phone ko at nakita ko agad sa album ko ang litrato namin ni Wren sa peryahan. Pumunta talaga kami doon at marami kaming selfie. Pinilit ko siya dahil gusto ko tignan ang litrato namin kung may chemistry. Wala raw kasi kami non.
Ilang minuto ang lumipas ay mas lalong lumamig dito sa field dahil siguro rin gabi na. Nag-umpisa na ang program tapos sa wakas ay pwede na rin kaming kumuha ng pagkain. Nagugutom na kasi ako.
"Ang lakas mong kumain pero hindi ka tumataba," sabi naman ni Anika. Natawa naman ako sandali.
"May bilbil kaya ako," sagot ko.
Namangha naman ako nang sumayaw si Trishia at ang grupo niya sa malaking stage. Maraming boys rin ang naghiyawan dahil ang sexy rin ng sayaw nila o dahil sa soot rin nila? Tapos ang cute ng christmas hats nila.
jingle bell jingle bell
jingle bell rock
jingle bell swing
and jingle bell ring
Natuwa naman ako nang makisayaw ang mga kaklase ko. Kailangan mag-enjoy lang ako.
"Excited na akong kumanta ulit si Wren!" kinikilig na sabi ni Rose hindi pa nga tapos sila Trishia. Tapos yumakap siya sa braso ko.
"Naalala niyo ba 'yong nag-viral siya nong junior high tayo dahil may nag-upload ng video niya, grabe may mga ibang Universitites pumupunta dito kaya di na tayo magugulat sa dami ng followers niya," sabi ng isa naming kaklase. Hindi ko alam na may viral video pala siya.

BINABASA MO ANG
Mr. Sneezy
Romance"Honey, you don't want me mad!" - Mr. Wren Kyle Almazan MISTER SERIES II photos (Canva's free photos/ elements) used are not mine. Credits to the rightful owners.