27

37 1 0
                                    

Ang tangi kong naririnig ngayon ay ang pagtawa ni Wren sa reaksyon ko tapos sa mga sigaw ng mga kawawang bida na hinahabol ng mga kung anong multo sa isang bahay. Talagang napapikit nalang ako minsan at tinatakpan ang tenga ko. Mas nakakatakot ngayon dahil nandito pa kami sa University. 

"Wala ka talagang awa sa'kin." inis kong sabi nang matapos ang movie. Tumatawa pa rin siya tapos tumayo at ginulo ang buhok ko.

"Marami pa akong horror dito o action, horror ulit?" tanong niya. 

"Ayoko na," sabi ko. Parang mapupunit ang puso ko sa ginagawa niya. Tumayo naman ako tapos inilibot ko ang tingin sa paligid.

"Wren." pagtawag ko sa pangalan niya lumingon naman siya sa'kin sandali habang naghahanap pa ng pweden panoorin. 

"Naiihi ako," sabi ko. Kahit ayokong sabihin pero dapat dahil hindi ko alam saan ako magbabanyo rito. 

"Oh? sa labas," sagot niya kaya nilapitan ko siya tapos pinalo palo sa likuran. 

"Aray! haha oo na!" sigaw niya tapos tumayo at may kinuha sa bag niya isang flashlight. 

"Ayoko sa labas sinasabi ko sayo!" sigaw ko. Bakit hindi ko naisip 'to kanina. Hindi ko kayang pigilan 'to at tiisin 'no. 

"Oo na wag kang sumigaw," sabi niya tapos naunang lumakad at binuksan ang flashlight. Sumunod naman ako sa kanya palabas. Kinuha ko ang bag ko tapos yumakap sa braso niya pagkalabas namin. Napakadilim na talaga dito sa labas. 

"Saan tayo pupunta?" tanong ko. 

"Saan pa? eh di sa mga comfort rooms," sagot niya. Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Ngayong gabi? 

"Baka may mga guards na naglilibot," sabi ko.

"Eh di mag-iingat." 

Yumakap lang ako sa braso niya habang sinasabayan siyang maglakad. Isang flashlight lang ang meron kami ngayon kaya mahirap na kung mawalay ako sa kanya. Mas malapit ang building ng senior high sa kung saan kami galing. Kaya doon kami pumasok, may mga banyo naman sa first floor.

"Bilisan mo lang," sabi mo.

"Saan ka pupunta?" tanong ko nang mukhang aalis pa 'yata siya.

"Dito lang," sagot niya kaya hinanap ko ang cellphone ko sa bag tapos 'yon ang ginamit kong ilaw.

"Kapag ikaw mawala," inis kong sabi. Tapos pumasok na ako sa banyo. Kahit takot ako ay dito nalang ako kesa doon o kesa sa labas. Kumuha ako ng tissue na nandito sa loob ng cubicle tapos binilisan ko lang ang pagkilos ko. Lumabas ako dahan-dahan tapos wala pa siya. Hindi naman dito kalayuan ang banyo ng mga boys. 

Naglakad ako sa hallway kahit malamig at madilim. Pero kumpara roon ay may mga ilaw dito. 

Tumili naman ako nang may biglang humila sa'kin papunta sa ilalim ng hagdan at tinakpan agad ang bibig ko. Akala ko ay mahihimatay na ako dahil sa takot si Wren lang pala. Hinigpitan ko naman ang pagkahawak ko sa aking cellphone.

"Tinignan mo na ba sa taas!" kumunot ang noo ko nang may narinig akong mga boses sa hallway. Tinatakpan pa rin ni Wren ang bibig ko. 

"Oo okay na!"  mga guards siguro. Kinabahan tuloy ako, dahil mas delikado kung mahuli kaming dalawa na nandito pa sa University.

"Tara na!" 

Ibinaba naman ni Wren ang kamay niya tapos ngumiti sa'kin kung nakapatay ang cellphone ko ay hindi ko talagang makikita na si Wren ito. Huminga ako ng malalim tapos napasapo sa noo. Ngayon lang ako nahirapang magbanyo sa buong buhay ko. 

"Bumalik na tayo," sabi niya tapos hinawakan ang kamay ko.

"Teka, baka nandiyan pa sila." Pabulong kong sabi at hinawakan ng mahigpit ang kamay niya.

Mr. SneezyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon