13

43 2 0
                                    

Tumikim ako ng isang kwek-kwek tapos hindi ko alam kung bakit inabot ko rin sa kanya. Tumitig lang siya sa isang kwek-kwek na kinagatan ko na. Para namang nanigas ang kamay ko. Dumaan kasi itong si kuya nagbebenta siya ng street foods.

"Kinagatan mo na." nakangiti niyang sabi tapos  doon ko na ibinaba ang kamay ko. Nakakahiya. Bumili pa ako ng ilang piraso tapos dumiretcho na kami sa paglalakad. Bumili rin siya ng sa kanya.

"Meron pa!" nakangiti kong sabi. Mabuti naman bukas pa sila Ate Nena, kung saan kami bumibili ni mama kapag hindi siya nakakapagluto. Masarap rin kasi mga luto niya.

"Oh kumusta ka na Honey, ang mama mo?" tanong ni Ate Nena. Matanda na rin siya pero malakas pa. May tindahan siya dito maliit lang tapos dito rin siya nagtitinda ng mga ulam.

"Maayos naman po kami," sagot ko. Matagal rin akong hindi nakabalik dito. May mga ulam pa. Marami pa akong mapipilian.

"Sino naman itong kasama mo?" nakangiting tanong ni Ate at napansin niya pala si Wren na nasa malayo ang tingin.

"Kaklase ko po," sagot ko.

"Naku dalaga ka na  Honey pasensya ka na kung hindi ako nakapunta sainyo sumakit kasi likod ko non nong birthday mo," sabi ni ate. Matagal na rin ang birthday ko at napansin kong ang bilis talaga maglakad ng oras.

"Mag-aral ng mabuti ah wag muna magboyfriend." tapos bigla niyang tinignan si Wren kaya pati ako ay napalingon kay Wren. Tumingin naman siya sa'kin muntik naman akong napasigaw nang bigla niya akong hinila palapit sa kanya.

"Pabili nga ako nito!" napalingon naman ako sa lalaking sumigaw. Tumingin naman ako kay Wren at ngumiti lang siya tapos binitawan ang kamay ko. Tumingin ako sa lalaki at hindi ako sigurado kung tumitingin ba o tumititig ito sa'kin.

"May napili ka?" tanong niya at tumingin ulit ako sa ulam at napansin kong lumipat siya sa kung saan nandoon ang lalaki. Pakiramdam ko ay matutunaw siguro ang puso ko sa ginagawa niya, hindi ako sigurado pero parang ligtas ako at kamapante kapag nandiyan siya.

Nang makabili ako ay agad rin kaming umalis.

"Palagi ka bang bumibili sa labas?" tanong niya.

"Hindi, ngayon nga lang ulit naging busy kasi si mama, hindi rin kasi ako mapapagkatiwalaan sa kusina," sagot ko. Nakita ko namang tumango lang siya.

"Sorry," sabi ko nang bigla akong mawalan ng balanse mabuti nalang ay nahila niya agad ako. "Salamat."

Pagkarating namin ay nakita kong bukas na ang pinto. Nandito na si mama. Dahan-dahan naman niyang kinuha ang bike at sumakay dito.  Napatingin naman ako sa daan madilim pa at 'yong kamay niya.

"Salamat Wren," sabi ko.

"Pumasok ka na." nakangiti niyang sabi tapos ginulo ang buhok ko na parang bata agad ko naman itong inayos.

"Sa tingin ko babagay sayo ang maiksi na buhok." natulala naman ako sa sinabi niya habang sinusuklay ko ang buhok ko gamit ang isa kong kamay.

"Mag-ingat ka sa daan," sabi ko.

"Oo naman," sabi niya.

"Talaga ayaw ko bang magpasundo nalang, hindi naman magagalit si mama kung maghintay ka sa loob."

"Hindi na, wag kang mag-alala sa'kin."

Paano namang hindi at wag? Magsasalita pa sana ako nang nagsimula na siyang magpedal at ang bilis pa niyang magpatakbo.

"Honey?" napalingon naman ako kay mama na kakalabas lang ng bahay.

"Sorry ma, kakabili ko lang ng ulam." nakangiti kong sabi.

Mr. SneezyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon