"Anak! ito oh, ang ganda!" biglang sigaw ni mama kaya lahat tuloy ng tao dito sa ukay-ukay ay napapatingin sa kanya. Lumapit agad ako sa kanya at nakita kong may nahanap ng asiyang magandang dress. Mabibilang palang ang araw na pumupunta kami dito sa ukay-ukay. Si papa kasi ayaw dito minsan nilalagnat raw siya kapag dito kami namimili. Pero mas bet dito ni mama dahil maraming mura at maraming designs napagpipilian.
"Ipaayos lang natin kay Cecil tapos mas gaganda pa 'to," sabi ni mama. Tinutulungan niya akong maghanap ng sosootin para sa Christmas ball. Malapit na rin at katatapos lang rin ng mga exams namin. Sobrang nakakapagod.
"Tapos may regalo ako sayo pagkauwi natin alam kong babagay dito." masaya naman akong nakikitang masaya si mama. Siguro ayokong naglilihim siya sa'kin. Mas lalo akong naiinis sa kanya.
"Kunin namin 'to Miss, anak sa susunod idadala kita sa mga mamahaling stores, pangako 'yan." pumunta na kaming counter para makapagbayad na kami mas dumadami na rin kasi ang tao.
"Ma, okay na po ako sa kahit ano basta galing po sainyo," sagot ko. Tapos binigyan ko siya ng isang ngiti.
"Alam kong mabait talaga ang anak ko," sabi niya at hinalikan ako sa noo. Namiss ko rin pala si mama. Pagkatapos naming mamili ay pumunta kami sa isang kainan na sikat dito sa West.
Mura at masasarap ang mga pagkain. May mga snacks at desserts pa.
"Ano gusto mo anak?" tanong ni mama habang nasa counter kami at tumitingin sa menu.
"Ikaw na po bahala ma," sagot ko. "Maghahanap po ako ng pwesto."
Tapos mabuti naman ay may isang lamesa na hindi pa naman nalilinisan pero at least may vacant na kasi kanina punuan eh, ang haba nga ng pila.
"Salamat po," sabi ko sa waiter nila at umupo na rin ako. Sakto ring dumating na si mama agad ko siyang tinulungan at inalalayan.
"Salamat po dito ma." nakangiti kong sabi. Ngayon lang ulit kami nakalabas ni mama. Nakita ko namang kinuha niya ang cellphone niya tapos nakita ko ulit ang ngiti niya.
Naiinis ako. Dahil hindi ko pa siya nakita ng ngumiti ng ganyan. Iba ang ngiti niya ngayon at hindi ko alam kung bakit 'yon ang nakikita ko.
"Kumusta ka naman pala sa school?" tanong ni mama at ibinaba niya ang cellphone niya.
"Maayos naman po," sagot ko at kumain na ako. Gusto ko ng umuwi. Biglang tumunog ang cellphone ni mama tapos tumingin siya sa'kin sandali.
"Kailangan kong sagotin 'to," sabi ni mama tapos bigla siyang tumayo at nakita ko siyang pumasok sa banyo. Huminga ako ng malalim, kailangan ba niyang lumayo sa'kin?
Tumayo ako at sinundan ko si mama. Pero hindi ako nagpahalata. Hanggang labas lang ako dahil kung pumasok ako makikita agad ako ni mama.
"Gwen, nahihirapan ako ano na naman 'to? Kanina maayos lang tayo tapos ngayon iiwan mo na naman ako?"
Kumunot ang noo ko tapos sumilip ako sa loob kung si mama nga ang nagsasalita pero hindi ako nagkakamali sa boses ni mama.
"Maintindihan nalang tayo ng mga bata, lalo na ang anak ko alam kong maintindihan niya ako. Mahal kita Gwen."
Napaatras ako pagkarinig ko sa mga salitang 'yon. Umiling-iling ako tapos bumalik na sa pwesto namin. Tama nga ako, may ibang mahal na si mama. Dapat intindihin ko rin siya hindi ko naman alam ang buong kwento at wala akong alam sa tunay na nararamdaman ni mama pagkatapos mawala ni papa.
Alam kong kailangan niyang lumaya at makakasama. Pero hindi ko kaya, hindi ko kaya sa ngayon. Gusto ko ring sabihan niya ako ayokong lumalayo siya at sinusubukang ilihim ang lahat.
BINABASA MO ANG
Mr. Sneezy
Romance"Honey, you don't want me mad!" - Mr. Wren Kyle Almazan MISTER SERIES II photos (Canva's free photos/ elements) used are not mine. Credits to the rightful owners.