Nawala ang inis at irita ko nong nanood na kami ng movie tapos kulitan lang at kwentuhan. Wala namang Trishia na istorbo sa'min. Pero dapat hindi ko pinag-iisipan ng masama si Trishia pero hindi ko maiwasan. Pagkatapos naming manood ay ako na naman ang talo dahil alam kong hindi ako makakatulog ng maayos.
"Sa susunod 'yong nakakakilig o drama naman panoorin natin," sabi ko tapos kinuha ang bag ko.
"Action naman," sabi niya. Inirapan ko siya. Hindi kami minsan magkasundo sa mga maliliit na bagay na magkasalungat kami.
"Ako naman ang pipili palagi nalang ikaw," sabi ko.
"Minsan lang kaya, hala ka mamaya may tatabi sayo..." pananakot niya habang natatawa.
"Sana sayo tumabi 'yong multo sa movie!" sigaw ko. Hindi ko alam paano ko nakakayang kausapin siya habang bumibigat at sumiskip ang dibdib ko.
"Pero alam mo ang tahimik mong kasamang manood ng horror movies, si Trishia kasi haha sigaw ng sigaw na 'yon." natatawa niyang sabi at nawala naman ang ngiti ko bigla. Nanonood rin sila? Sabagay since elementary magkakilala na sila. "Namiss ko 'yon kaso nag-iba siya bigla."
"Ahh sige matutulog na ako," sabi ko tapos lumabas na agad ako ng kwarto niya. Dumiretcho ako sa silid kung saan ako natutulong kapag nandito ako sa kanila. Pinaayos 'to ni tita, ang babait talaga nila sobra. Kaso, nakakatakot matulog mag-isa lalo na kung kakanood lang namin ng nakakatakot na movie. Nasa harapan lang naman ng silid na ito ang kwarto ni Wren.
Hindi ko alam kung makakatulog ba ako ng maayos ngayon. Ganito kasi okay pa ako habang nanonood pero kapag tapos na ang movie at kailangan ng matulog, naku. Nakakatakot baka may biglang humablot sa paa ko.
Mama:
good night anak. wag kang pasaway diyan ah.
Natigilan naman ako nang biglang magtext si mama. Nalungkot tuloy ako dahil iniwan ko siya sa bahay. Sabi pa naman ni papa kahit anong mangyari ay dapat hindi ko siya iwan at isa pa, siya nalang ang meron ako ngayon. Siya nalang ang pamilya ko simula nang mawala si papa. Kinuha ko sa bag ko ang picture ni papa.
"Pa, magagalit ka ba kung ipagpalit ka na ni mama?" tanong ko habang nakangiti. Kahit kailan hindi talaga ako dinadalaw ni papa siguro kasi alam niyang takot ako sa mga multo. Pero kung si papa naman magpapakita sa'kin yayakapin ko talaga siya ng mahigpit.
"Papa..I miss you," bulong ko tapos pinunasan ko ang luha ko. Nagalit rin ako kay mama dahil hindi ko siya kasama nong magdadasal kami sana para kay papa last month. Mag-isa akong nagdasal, mag-isa kong sinamahan si papa tapos pagkabalik niya parang wala siyang maalala. Parang kinalimutan na niya.
"Satingin mo ba papa, baka nag-iisip lang ako ng sobra tapos inaaway ko lang si mama," sabi ko.
"Nga pala papa wag kayong magagalit kay Wren ah? magkaibigan lang po kami." sana nga pati ang nararamdaman ko ay hanggang kaibigan lang rin. Marami na rin akong nadiskubre kay Wren. Sa family niya hanggang sa talent niya at sa mga gusto niya minsan nga paulit-ulilt lang mga kwinekwento namin sa isa't isa.
"Good night papa," sabi ko at hinalikan ang picture ni papa tapos itinago ko na sa bag. Nagpalit rin ako ng damit pantulog at inayos ko na ang higaan. Hindi ko nalang pinapansin ang mga ingay sa labas o ano paman diyan dahil naiisip ko lang ang pinanood namin.
Nakailang palit na ako ng posisyon sa pagtulog at kanina pa ako cellphone ng cellphone pero hindi ako makatulog. Natigilan naman ako at umupo ako ng maayos nang ngayon ko lang napansin ang group chat na kung saan isinali ako ni Anika. Group chat ng mga magaganda sa University with ranks. Hindi ko alam bakit nila ako isinali dito.
BINABASA MO ANG
Mr. Sneezy
Romance"Honey, you don't want me mad!" - Mr. Wren Kyle Almazan MISTER SERIES II photos (Canva's free photos/ elements) used are not mine. Credits to the rightful owners.