31

40 1 0
                                    

Hindi kami sabay ni Wren at siya nga ang hinihintay namin ngayon dito sa mall. Sumabay na nga lang ako kay Georgina na kumain ng breakfast kanina dahil ang aga namin sa piang-usapan na oras. Nandito na rin ang tatalong boys at si Wren nalang ang wala. Dito lang kami sa labas ng game zone naghintay. Kasama ko si Georgina tapos ang tatlo naman ay naglalaro sa loob. 

Wala namang may nagreklamo sa tagal ni Wren, nahihiya nga ako kanina dahil tanong sila ng tanong kung padating na ba. Chat lang ako ng chat tapos wala siyang reply. Naiilang tuloy ako baka pagkapunta niya dito ay mailang lang ako. Hindi ko alam kung may nagawa ba ako o may nangyari sa kanila. 

"Parating na raw siya, tawagin ko lang sina Harry," sabi ni Georgina tapos tumango lang ako bilang sagot. Tinignan ko naman ang cellphone ko wala siyang reply. Pumikit ako ng mariin tapos napasapo sa noo. Parang pinupunit ang puso ko sa ginagawa niya. 

"Brad!" Nakita kong lumabas na si Goergina kasama sula Bubby tapos lumingon naman ako sa kinawayan nila si Wren. Napansin ko ring natigilan siya nang magtama ang aming mga mata. Iniwas ko nalang agad ang aking tingin. Pero gusto ko talaga siyang kurutin at hilain ang tenga niya kaso baka may problema sa kanila at wala siya sa mood. 

"Let's go na?" 

Tapos sumunod naman kami kay Goergina, isang backpack lang ang dala ko. Sumakto naman ang mga kailangan kong dalhin for two days. Nanatili akong tahimik nang lumakad siya sa tabi ko. Hindi naman niya ako pinapansin kaya hindi ko rin siya papansinin.

"Sa likod kayong lahat!" sigaw ni Georgina nang makarating kami sa parking lot tapos sa harapan ng sasakyan niya. Katabi niya ang kanyang driver tapos hinintay ko na mauna sila Harry na pumasok tapos sumunod ako, si Wren naman ay sumunod lang sa likuran ko. Kami 'yong nasa pinakahulihan, magkatabi. 

Niyakap ko lang ang bag ko tapos pinagmasdan ang daan. 

"Bee..." Napatulala naman ako sandali nang marinig kong tawagin niya ako. Hindi pa rin ako lumingon sa kanya. "Bakit ang tahimik mo?" tapos ay hinawakan niya ang isang kamay ko. 

"Sorry," sabi niya at lumingon na ako sa kanya. Bakit lahat ay parang madali lang sa kanya at parang walang nangyari. Ngumiti siya sa'kin tapos hinalik halikan ang kamay ko. Binawi ko naman ang kamay ko.

"Hindi ko alam ang ginawa ko Wren," sabi ko at bilang ako naiyakin ay hindi ko nagawang pigilan ang mga luha ko na tumulo. Baka kasi may nagawa ako at nagalit na talaga siya sa'kin o hindi ako ganoon kaimportante para mangealam sa buhay niya. Hindi ko alam ano dapat isipin ko. Si Goergina pa ang may alam kanina na darating na siya tapos ako kagabi ko pa hinihintay ang tawag at messages niya, wala.

"Ikaw kaya ang tahimik," sambit ko. Bigla kong naramdaman ang pagdampi ng labi niya sa balikat ko. Naka-off shoulder lang ako ngayon, kaya hindi ko naiwasang mapasinghap, ito rin ang unang beses na hinalikan niya ako sa balikat ko. Hanggang kamay lang kasi siya. Hinalikan niya ako ulit roon tapos hinalikan ako sa ulo.

"Wala kang ginawa Laine, sorry na. Ang sakit lang ng ulo ko." tapos tumingin ako sa kanya nakasandal na siya sa upuan tapos nakapikit. Kinagat ko ang labi ko tapos yinakap ulit ang bag ko. Dapat masaya ako ngayong summer. Kinuha ko ang phone ko tapos nakita namang may message si mama.

Mama:
Mag-ingat kayo ah, i love you anak.

Honey:
i love you too ma. thank you po!

Ilang oras ang lumipas ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako at nakayakap na pala ako tapos nakasandal kay Wren. Umayos agad ako ng upo nang marinig ko ang boses nila Georgina. Sumilip naman ako sa labas nandito na nga kami. Dito palang ay nakikita ko na ang magandang kulay ng dagat. 

Mr. SneezyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon