Hindi ko alam ang gagawin ko. Kung ngingiti ba ako pabalik. Ako ba talaga ang tinitignan niya ngayon? Nang ibabalik ko na sana ang aking ngiti ay may biglang humila sa kanya. Umiwas ako ng tingin at saktong dumating ang ibang mga kaklase namin.
"Late ka na naman Lily, siguro dinamay mo 'tong si Honey." natatawang sabi ng isa naming kaklase. Kaya siguro ako isinabay dahil wala siyang ibang makita na pwedeng kasabay. Sana nandito sila Anika. Humanap na kami agad ng pwesto, sa sobrang luwag ng venue ay ewan ko lang, baka mawala ako. Balak yata nilang pasabugin itong hotel sa sobrang dami ng invited.
"Why are you here?" napaangat naman ako ng tingin sa nagsalita si Trishia pero 'yon lang naman ang sinabi niya tapos nagtawanan sila ng mga kasama niya. Hindi ko nalang rin sila pinansin, pero ang tanong niya bakit ako nandito. Gusto ko ng lumabas.
Hindi ko rin alam kung bakit pakiramdam ko ay pinag-uusapan ako ng lahat. Dahil ba sa ayos at sa soot ko? Parang hindi ako dapat nandito. Hindi ako makahinga ano ba ginagawa ko dito? Tumayo ako at napatingin ang mga kaklase ko sa'kin?
"Ayos ka lang?" tanong ng isa kong kaklase. Hinawi ko ang buhok ko na nakaharang sa mga mata ko. Sumasakit lang lalo ang tiyan ko dahil sa lamig. Napahawak ako sa tiyan ko at napangiwi.
"Honey?"
"Excuse me," sabi ko tapos tumalikod ako at lumakad ng mabilis. Napasapo rin ako sa noo ko. Hindi ko alam pero parang sumisikip ako ang puso ko sa daming tao. Hindi lang ba ako sanay o pakiramdam ko lang na pinag-uusapan ako hindi naman pala? Para hindi ko sila mapansin ay yumuko ako tapos naglakad.
"Sorry!" sabi ko agad nang may bigla akong nabangga. Napahawak ako sa noo ko tapos inangat ko ang tingin ko.
"Wren.." pagtawag ko sa pangalan niya.
"Ayos ka lang?" tanong niya tapos ibinaba ang kamay ko. Bakit ba tuwing ngumingiti siya ay parang ayos lang ang lahat. Parang walang nangyari.
"Oo," sagot ko. Hindi ko alam kung bakit ako nailang bigla. Hinawakan niya bigla ang braso ko at naalala ko ulit ang gabing 'yon. Pero bakit hindi ako natatakot ngayon o naiinis? Bumaba ang kamay niya hanggang sa kamay ko. Hinila niya ako bigla kaya napasunod lang ako sa kanya.
"Uuwi na ako," sabi ko nang huminto kami sa isang bakanteng lamesa at malapit ito sa isang malaking stage. Lalayo sana ako nang humigpit ang pagkahawak niya sa kamay ko.
"Dito ka lang," sabi niya.
"Nahihiya ako Wren," sagot ko. Tumawa siya ng mahina tapos pinaupo niya ako at sumunod rin siya sa tabi ko.
"Nagtatampo ka 'no?" tanong niya bigla. Hindi ako lumingon sa kanya.
"Sorry na, hindi kita nahatid o nasundo masakit pa kasi katawan ko. Hindi rin ako nakapagreply dahil nawala ang phone ko at pinakahuli grounded ako." lumingon na ako sa kanya. Ayos lang naman sa'kin lahat ng 'yon nalungkot lang ako. Pero hindi niya ba babanggitin ang birong ginawa niya na hindi ko nagustuhan?
"Kumusta 'yang kamay mo?" tanong ko.
"Nagtatampo ka eh," sabi niya. Tapos kinurot niya bigla ang pisngi ko.
"Masakit Wren," inis kong sabi. Lumibot naman ang tingin ko sa paligid. "Nasaan pala sila tito at tita?" tanong ko.
"Si mama may inaasikaso lang," sagot niya.
"Eh si tito?" tanong ko at hindi ko alam kung bakit biglang nawala ang ngiti sa mga mata niya at seryoso siyang tumingin sa'kin.
"Sorry may..nasabi ba ako?" tanong ko kahit naguguluhan ako sa tingin niya. Bigla siyang ngumiti tapos ginulo ang buhok ko.
BINABASA MO ANG
Mr. Sneezy
Romance"Honey, you don't want me mad!" - Mr. Wren Kyle Almazan MISTER SERIES II photos (Canva's free photos/ elements) used are not mine. Credits to the rightful owners.