Pagkababa ko ng hagdan ay agad akong sinalubong ni mama. Inalalayan niya pa akong makababa ng tuluyan.
"Ma kaya ko na po," sabi ko.
"Anak wag ka lang munang pumasok isa pa ilang araw nalang bakasyon niyo na rin at magpapasko na. Hayaan mo na, ipahinga mo lang muna."
Napahawak ako sa noo ko, dalawang araw ang lumipas simula nang christmas break at wala pa akong balita kay Wren. Hindi ko alam kung kumusta siya pero sabi nila nasa hospital siya ngayon at baka matagal pang makalabas.
"Sabi ng doctor mo--"
"Ma. sabi ng doctor ay maayos na po ako."
Hindi ko rin alam kung bakit mas naiinis ako kay mama. Sila tita ang nakasama ko sa hospital dalawang araw, wala siya.
"Pupunta ako sa University niyo kailangan kong malaman kong pinagbayad ba ang mga estyudyanteng gumawa sainyo nito."
"Ma, wag na nating pahabain pa, aalis na po ako."
Hindi ko na hinayaang magsalita pa si mama. Hindi ko alam kung paano naayos ng West Gold ang issue na 'yon at hindi ko alam anong mangyayari kay Wren, dahil alam ng lahat siya ang unang sumugod.
Pagkalabas ko ng bahay ay hindi ko naiwasang malungkot dahil wala siya. Naalala ko ring hindi maganda ang huli naming pag-uusap. Nagsimula na akong maglakad at baka mahuli pa ako sa klase.
"Hindi ko talaga alam kung bakit pinapasok pa tayo," sabi ni Rose. Pagkapasok ko ay normal naman lahat.
"Hindi ko nga alam baka bigyan tayo ng maraming tasks para di natin ma-enjoy ang christmas break natin, excited na kayo. Bukas na magsisimula!" kinikilig na sabi ni Anika. Habang sila nagtatawanan at nag-uusap usap ay ako naman lumilipad ang isipan ko.
"Kumusta ka na pala Honey?" tanong naman ng isa kong kaklase.
"Maayos lang ako," sagot ko.
"Iniisip mo si Wren 'no?" tanong ni Anika bigla. Hindi ako agad nakasagot dahil totoo. Iniisip ko siya, siya lang nasa isip ko pagkatapos ng gabing 'yon.
Hindi rin ako makapaniwala na magagalit siya ng ganon. Wala rin akong naintindihan sa kung ano ang mga sinabi ni Dexter sa kanya.
"Hindi pala namin nasabi sayo na pinsan ni Dexter si Wren. Mas matanda si Dexter ng isang taon lang naman. Hindi sila masiyado magkasundo dahil sa family siguro," sabi ni Anika.
"Naku alam na alam yan ni Anika dahil crush niya dati si Wren, haha." natatawang sabi ni Rose pinalo naman siya ni Anika ng pabiro sa braso.
"Don't mind her," sabi ni Anika.
"Hala, magalit sayo si Honey," sagot ni Rose. Ngumiti lang ako sa kanila.
Lumabas lang muna ako nang wala namang guro ang dumadating. Dumiretcho ako sa vending machine para bumili ng cookies dahil nagutom ako bigla.
"Hi Honey." napalingon naman ako sa nagsalita si Trishia at may dalawa siyang kasama na nakangisi sa'kin. Parang naalala ko tuloy ang unang araw na nilapitan niya ako.
"Im so shocked of your family background at sa lahi na meron ang mommy mo." maarte niyang sabi.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.
"Ooops, patay pala ako kay Wren, nevermind that. Dadaan lang sana kami." natatawa niyang sabi tapos lumakad na siya palayo sa'kin tapos nakita ko naman ang pagtaas ng kilay ng mga kasama niya na sumunod sa kanya. Napairap nalang rin ako at itinuon ang pansin sa Vending machine, wala siguro silang magawa sa mga buhay nila.
BINABASA MO ANG
Mr. Sneezy
Romance"Honey, you don't want me mad!" - Mr. Wren Kyle Almazan MISTER SERIES II photos (Canva's free photos/ elements) used are not mine. Credits to the rightful owners.