Pinabalik ako ni mama at inasikaso na ni tita si Wren. Sana ay hindi lumala ang lagnat niya, narinig ko pa naman kay tito na madali lang siyang magkalagnat.
"Happy birthday,
Happy birthday,
Happy birthday to you."Pagkatapos ng kanta ay hinipan ko na ang mga kandila. Sakto kasing dumating na ang cake. Nahuli pa ang hihilingin ko sana dahil nakalutang kasi ang isipan ko parang naiwan ko sa sala namin.
"Happy birthday!"
Nakisabay akong pumalakpak sa kanila. Seventeen na ako, ang bilis ng panahon sana nandito pa rin si papa.
"Syempre kay celebrant muna ang una, ikalawa at ikatlong slice. Ibibigay niya 'to sa tatlong tao na malapit sa kanyang puso!" natutuwang sabi ni tita. Ginawa pa ni mama ang kapatid niya na emcee sa birthday ko pero dahil kay tita sa kanilang lahat naging mas makulay ang birthday ko.
"Lumapit muna kayong lahat!" sigaw ni tita tapos lahat naman ay lumapit pati rin sa likuran ko nararamdaman kong may mga tao. Hindi ko mapigilan ang tawa ko dahil nahihiya ako sa kanila.
"So first slice!" sigaw ni tita tapos inabutan naman ako ni mama ng kutsilyo at isang maliit na plato. Mukhang masarap ang cake. Kulay white siya at may mga bulaklak sobrang simple lang pero ang ganda at medyo mataas rin siya. Tatlong layers.
"Syempre po ang una ay para kay mama," sabi ko at inabot kay mama. Tapos yinakap niya ako at hinalikan sa pisngi. Syempre bago sa lahat si mama, siya nalang ang meron ako ngayon. Kung pwede nga silang una ni papa.
Wala ng mas hihigit pa sa pagmamahal ni mama. Syempre wala ring mas hihigit sa kanya, sana ay palagi kaming ganito. Masaya.
"Ang ikalawa..." hindi ko na alam kung sino ang pipiliin ko dahil ang nasa isipan ko lang ay si mama. Bakit kasi may pa ganito pa. Nagslice muna ako ulit at tumingin sa kanilang lahat. Para kanino ba?
Inilagay ko na sa plato at pagkalingon ko sa gilid ay muntik kong mahulog ang plato dahil nabangga ang braso ko sa kanya.
"Ah...." magsasalita pa sana ako nang hawakan niya ang plato bigla. Si Wren! Teka, hindi para sa kanya ang cake hindi ko naman sinasadyang mapalingon at itutok sa kanya ang plato.
Ngumiti siya bigla. Nasaan na si tita ang alam ko nasa sala siya dahil nilalagnat siya. Huminga ako ng malalim at dahan-dahang binitawan ang plato. Teka, ibig sabihin ay tuluyan ko ng binibigay sa kanya ang cake.
"Third!" sigaw naman ni tita at dahan-dahan akong umiwas ng tingin sa kanya. Baka ano isipin ng mga kaibigan ko at ni mama. Nakikita ko pa naman ngayon ang mga nakakalokong ngiti ng mga kaklase ko.
"Akin yan Honey!" sigaw ng mga kaibigan ko.
"Para kay tita!" sigaw ko tapos binigay ko sa kapatid ni mama.
"Ang sweet naman thank you!" sabi ni tita. Tapos ay patuloy ang party at nakita ko si Wren na kinakausap ng mommy niya. Habang kumakain ng cake. Maayos na ba siya para lumabas nakikita ko ring parang pinagsasabihan siya ng mama niya at ayaw lang niya makinig.
"Hindi mo sinabi na may mga gwapo ka palang bisita," sabi ni Roxane nang makalapit ako sa mesa nila.
"Sino sila?" kinikilig na tanong ni Ana.
"Mga anak ng kaibigan ni mama," sagot ko tapos kinuha naman nila ang mga cellphone nila.
"Ano pangalan nila sa social media?" tanong ni Kate tapos lumapit pa talaga sa'kin.
"Hindi ko alam," sagot ko.
"Ay? ano nga pangalan nalang," sabi niya.
"Ano ka ba Kate, tanungin nalang natin sila mismo." natatawamg sabi ni Ana.
![](https://img.wattpad.com/cover/283743337-288-k523319.jpg)
BINABASA MO ANG
Mr. Sneezy
Romance"Honey, you don't want me mad!" - Mr. Wren Kyle Almazan MISTER SERIES II photos (Canva's free photos/ elements) used are not mine. Credits to the rightful owners.