"Ahh--aray Laine!" hindi ko pinakinggan ang mga sigaw niya basta kailangan kong kurutin ang tenga niya. "Masakit!"
"Naghahanap ka na naman raw ng away!" sigaw ko sa kanya saktong kakalabas lang namin ng University. Patagal ng patagal ay mas lalo na akong nasasanay na mag-boyfriend at girlfriend na kami. Nasasanay na rin ako sa kakulitan ng boyfriend ko. Pero ang hindi ko magets ay ang ugali ko.
"Kailan pa ako naghanap ng away, masakit na.." binitawan ko ang kamay niya at naalala ang gabing nag-away sila ni Dexter tapos ngayon si Dexter na naman ang gustong awayin niya. Lahat ng halos galaw niya dito sa University ay nalalaman ko dahil sa tulong ng mga kaklase at schoolmates ko. Lahat ay naging kaibigan ko bigla.
Nakita ko namang pamumula ng tenga niya kaya nakonsensya naman ako agad. Ayoko lang naman makipag-away siya ulit. Natatakot ako sa mga pwede niyang gawin.
"Ano, kailan ako nakipag-away?" inis niyang tanong sa'kin at hinaplos niya ang tainga niya. Inayos ko naman ang buhok ko na maiksi na ulit. Gusto niya kasing maiksi ang buhok ko.Kaya tuwing hahaba na ito niyaya ko na si mama na magpagupit.
"Sorry na, patingin..." sabi ko tapos inabot ang tenga niya.
"Mapanakit ka na baka gusto mo ikaw ang awayin ko," sabi niya kaya tinitigan ko siya ng masama tapos sinuntok ko ang braso niya.
"Oh sige, papatol ka sa'kin?" inis kong tanong. Minsan talaga ay nagiging parang aso't pusa kami. Mas malala kesa dati. Hindi ko alam at may mga ugali pala akong hindi ko alam na meron pala ako.
"Mahilig ka kasi makinig sa mga sinasabi ng iba," sabi niya na parang bata. Inirapan ko lang siya tapos tinalikuran siya. Kinabahan lang naman ako nang may biglang nagsabi sa'kin, baka nga ay pinagtripan lang ako. Naramdaman ko namang bigla niya akong niyakap.
"Wag ka ng mag-isip masiyado, bee." tapos ang paghalik niya sa ulo ko.
"Ano 'yan nag-away na naman kayo 'no?" napalingon kami sa nagtanong, nandito na sila Georgina. Niyaya na naman nila kaming pumunta ng Arcade. Simula nang naging kami ni Wren palagi na akong late makauwi pero ayos lang dahil kasama ko naman siya at palagi niya akong hinahatid. Wala pa ring alam si mama tungkol sa'min at alam kong pati sila tito at tita.
"Ito o kabuwanan niya 'ata." rinig kong sabi ni Wren. Inirapan ko lang siya at lumayo ako ng kaonti sa kanya.
"Hay, nako hali na nga kayo!" tapos sumunod kami kay Goergina, sasakyan niya kasi ginagamit namin papunta doon. Papunta sa East para maglaro sa arcade. Paborito nilang maglaro don kahit ang mahal mahal pati nga mga pagkain. Hindi naman ako hinahayaang magbigay ng pera ni Wren kaya nahihiya ako. Isa pa si Wren lang ang may kasamang girlfriend pero gusto ko talagang magkasama kami palagi.
"Ano hindi pa ba tayo aalis Goergii?" tanong ni Wren tapos sumandal siya sa balikat ko. Malaki naman ang sasakyan ni Goergina kaya sumasakto lang kami.
"Ay, nakalimutan ko kasing may kasama pala tayo ngayon," sabi niya tapos saktong bumukas ang pinto at nakita ko si Trishia kaya napahawak ako agad sa kamay ni Wren.
"Hi everyone!" nakangiti niyang sabi tapos napatingin siya sa'kin. Ngumiti lang siya ng pilit at halatang plastik.
"Hi Goergina, hi Bubby...Hello Wren.." malandi talaga ang tono ng boses niya hindi ba niya pwedeng ayusin? Hindi ko nalang siya pinansin.
"Gusto mo bang bumaba tayo?" tanong ni Wren tapos napatingin ako sa mga kaibigan niya at kasabay non ay ang pag-andar ng sasakyan. Umiling ako bilang sagot tapos yumakap nalang sa braso niya.
Medyo malayo papunta roon kaya hindi ko maiwasang makatulog sa balikat ni Wren.
"Sa dancing machine tayo!" sigaw ni Georgina tapos sumunod lang kami sa kanya pagkapasok namin sa Arcade. Nakikita kong natutuwa sa lugar na 'to si Wren, simula nang naging kami ay mas nakikilala ko pa siya. Talagang makulit nga siya tapos madaldal. Kaya minsan nag-aaway kami dahil mapang-asar siya. Marami namang pwedeng malaro dito pero hinahayaan ko lang si Wren at pinagmamasdan lang siya ng mga kaibigan niya.
BINABASA MO ANG
Mr. Sneezy
Romance"Honey, you don't want me mad!" - Mr. Wren Kyle Almazan MISTER SERIES II photos (Canva's free photos/ elements) used are not mine. Credits to the rightful owners.