50

61 2 0
                                    

Habang sinusuklayan ko ang buhok ni Kaye ay wala pa rin akong tigil na pagsabihan siya. Hanggang sa makauwi kami kanina at ngayon na patulog na kami. Malapit na lumamig ang pagkain namin kanina dahil bigla siyang nawala. Hindi rin naman niya sinasabi kung ano ang ginawa sa kanya na natakot siya.

"Kapag sinabi ni ate na wag kang aalis, wag ka talagang umalis, sa susunod papagalitan na kita," sabi ko tapos yumakap lang siya sa'kin at humiga na ng maayos. Gusto niya ulit dito matulog sa tabi ko. Humiga ako sa tabi niya at gusto ko na rin sana matulog pero marami na naman akong iniisip.

Hinintay ko lang na makatulog si Kaye tapos bumangon ako at dinala ang jacket niya. Nalabhan ko na rin 'to kaya pwede ko ng maibalik sa kanya ulit ng maayos, nang mahulog kasi ako nagkadumi 'to eh. Dahan-dahan akong bumaba at muntik pa akong mapasigaw nang paakyat rin si Edward, mabuti nalang ay hindi ko talaga kinakalimutang mag-lock ng pinto sa kwarto ko.

Pero himalang tinitigan lang niya ako tapos nilampasan lang ako. Mabuti naman. Umirap ako at tuluyan na akong bumaba at lumabas ng bahay. Hindi ko akalaing susunod talaga ako sa sinabi niya. Gusto niyang magkita ulit kami sa peryahan. Sasaktan ko na naman siguro ang sarili ko.

Nang makarating ako ay agad akong umakyat sa gate tapos dumiretcho sa ferris wheel. Dito niya gustong makipagkita eh. Tinignan ko lang muna ang cellphone ko at halos chat lang ni Rea ang nakikita ko.

"Honey?" Lumingon ako sa nagsalita. Kung hindi kami magkikita ngayon iisipin ko na baka minumulto na ako dito. Lumakad naman ako palapit sa kanya tapos inabot ang jacket niya.

"Malinis na 'yan ulit," sabi ko.

"You know how to apply make up now," sabi niya bigla at nakaramdam naman ako ng hiya sa sinabi niya. Pinilit kong ngumiti tapos tumango. "You look fake."

Huminga lang ako ng malalim at hindi pinansin ang sinabi niya. Masakit pero mas masakit pa dito ang pinagdaanan ko. Kaya wala lang naman 'to.

"Kukunin mo pa ba wala naman akong kahit anong nilagay," sabi ko nang hindi pa niya kinukuha ang jacket. Umirap lang siya tapos hinablot ang jacket, natulala ako sandali dahil pinasuot niya sa'kin.

"It's cold here," sabi niya.

"Ikaw naman 'yong lamigin at sakitin," sabi ko pero sinamaan niya ako ng tingin. "Dati."

"Let's play a game," sabi niya. Kumunot naman ang noo ko.

"Pinapunta mo ako dito para maglaro lang?" tanong ko. Ngumisi siya tapos may bigla siyang itinuro. Nagulat naman ako sandali dahil may tatlong tent na nagbukas. Paano nagkaroon ng palaruan dito?

"Binayaran ko na sila, three games."

"Bakit?"

"Unang laro kapag manalo ako may isa akong kahilingan na susundin mo, kung matalo kita." isang kahilingan? napakabaduy.

"Sa pangalawa at pangatlo?"

"Same."

Napabuntong hininga ako tapos tumango. Nandito na ako eh. Sasayangin ko pa ba oras ko eh nasayang na.

"Game?" tanong niya.

"Sige," sagot ko.

"Wala ng atrasan." habang nagsasalita siya ngayon para siyang si Wren, si Wren nong senior high. Pero alam ko namang ibang-iba na siya ngayon.

Unang laro ay baril-barilan. Dapat isa samin ay maka-shoot ng marami at makatumba ng mga bote. Hindi pa naman ako dito magaling. Bahala na. Habang naglalaro kami ay natutuwa lang naman sa'min ang mga taong nandito.

"Paano ba 'yan I won!" nakangisi niyang sabi. Umirap ako tapos tumango. Expected naman eh.

"Ano ba hihilingin mo mahirap ba 'yan? 'yong kaya ko lang sana tapos walang pera na dapat masali, mahirap lang kami," sabi ko.

Mr. SneezyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon