"Ma! Aalis po pala kami tapos dito makikitulog sila Honey at Lyn!" sigaw ni Rea pagkapasok palang mismo namin sa bahay nila. Malapit lang naman ang bahay nila sa University kaya isang sakayan lang ng tricycle ay nandito na kami agad. Hindi ko maiwasang maalala ang dati, isang sakayan rin lang ako ng tricycle papuntang West Gold.
"Oh, matagal rin ah bago kayo bumalik ulit dito." Nakangiting sabi ni tita Ross sa'min. Gustong gusto ko talaga dito matulog sa bahay nila, nakakatawang isipin na mas nararamdaman mo pa ang ang isang tahanan kesa sa sarili niyong bahay. Bumati kami kay tita Ross bago kami pumunta sa kwarto ni Rea.
Nagdesisyon kaming pumunta ng Primston University dahil boy hunting o maghahanap ng gwapo? Hindi ko alam. Basta nakikisabay lang ako sa alon ng buhay para sa'kin ngayon. Masaya rin naman mag boy hunting kasama sila. Marami talaga siyang damit dito sa kwarto niya pero hindi makalat tignan. Ang ganda nga ng kwarto niya.
"Pumili lang kayo diyan sa drawers ko," sabi ni Rea. Pumili naman ako agad ng isa sa pinakamaganda niyang mga damit, wala rin kasi kaming dala ni Lyn. Dahil biglaan lang ang desisyon na 'to.
"Oy, Evelyn!" pagtawag ko kay Lyn tapos tinawanan siya dahil ayaw niya talaga sa pangalan niya kahit ang ganda naman.
"Bago yan hindi ko pa nagagamit dahil parang malaki siya sa'kin," sabi ni Rea sa binigay niyang sapatos kay Lyn.
Pagkatapos ay inayos ko ang make up ko tapos si Rea naman ay nagpaayos rin sa'kin. Ako naman talaga ang mahilig sa kanila ng mga make up. Marami akong alam sa mga gagamitin at pangkulay. Pero nahirapan muna ako aralin ito lahat.
Sumakay lang rin kami ulit ng trycle para makarating sa Primston East University. Dahil hindi rin ito kalayuan sa University of East. Ito 'ata ang sinasabi nilang mayamang University, mayaman sa mayaman. Pero parang normal rin lang naman sila tignan. Hindi ko alam sa ugali, ang alam ko lang kasi basta mayayaman ang sasama ng ugali. Katulad sa West Gold.
"Waah pogi!" sigaw ko bigla dahil sa isang lalaki na dumaan sa harapan namin. Lumingon ito tapos ngumiti. Natawa naman kami ni Rea at nakita kong si Lyn ay nahiya sa pagsigaw ko. Hindi ko mapigilan sarili ko eh. Ang gwapo ng mga estudyante dito!
"Pwede na akong mahimatay," pabulong na sabi ko kay Lyn.
"Ticket niyo oh," sabi ni Rea tapos inabot niya ang mga ticket namin.
"Boy hunting." paulit-ulit na sabi namin ni Rea habang naglalakad kami papasok ng University. Ipinakita lang namin ang ticket sa guard tapos pinapasok na kami. Ganoon lang kadali, sa University namin ang daming bawal. Bawal nga outsiders eh dito okay lang? basta may ticket ka lang na sobrang mahal naman. Hindi ko nga alam paano nagastos 'to ni Rea.
Sobrang ingay dito sa loob, at maraming ilaw. Kaya dito palang ay masasabi mong may party talaga.
"Teka." huminto si Rea tapos tumingin sa'kin. Nanlaki naman ang mga mata ko pagkalingon sa likuran ay wala na si Lyn!
"Chat lang natin baka naglibot 'yon," sabi ni Rea.
"Huh? first time natin lahat makapasok dito, baka mawala 'yon," sagot ko.
"Tatawagan ko nalang maya-maya, saan ba pumunta 'yon!" parang batang sabi ni Rea. Pero kasi naman tuwing naglalakad kami minsan palaging nasa likuran lang namin si Lyn. Napakatahimik rin kasi non. Bigla namang sumigaw si Rea tapos hinila ako bigla pasabay sa mga taong pumipila.
"May concert ba?" natatawa kong tanong.
"Ano ka ba, diba nga may bandang tutugtog dito," sabi ni Rea. Napangiti naman ako. Kahit ang pait ng sinapit ko, hindi nawala sa'kin ang hilig ko sa musika. Ngayon lang siguro lumakas ulit ang pagtibok ng puso ko. Gustong gusto ko talagang makarinig ng musika.
Nakakalungkot nga lang dahil tuwing matutulog ako sa gabi, kapag nasa bahay ako hindi pwedeng walang tugtog na maririnig. Maliban lang kung gustong tumabi sa'kin ni Kaye. Minsan nga hindi ko alam kung nakakatulog pa ba ako. Kaya kapag nasa ibang bahay ako ay sinusulit ko talaga ang pagtulog ko.
Pumasok kami sa Architecture building at pumila para makasakay sa elevator, sobrang dami kasing gustong manood rin. Para talagang may concert dito at sigurado akong halo-halo na ang mga Universities dito.
"Hay, nasaan kaya si Lyn?" inis kong tanong ng maalala ko ang kaibigan namin.
"Relax, matanda na 'yon eh, positive lang. Maya- maya ay tatawag 'yon ulit," sabi niya sa'kin. Tumango lang ako bilang sagot.
"Hello girl Lyn, nasaan ka!" Nataranta naman kami nang makarating kami sa taas ng building ay tumawag si Lyn pero hindi naman sumasagot.
"Baka napano 'yon," sabi ko.
"Wag kang nega friend, okay lang siya," sagot niya tapos nakipagsiksikan talaga kami sa mga taong nandito na sumisigaw na at tumitili kahit wala pa ang vocalist na sinasabi nila.
"Chat ko lang ng marami," sabi ni Rea tapos tumango lang ako bilang sagot ulit. Ako rin ay nag chat tapos tumawag. Pero mukhang hindi na sinasagot ni Lyn ang mga tawag namin Sana ay okay lang siya. Nandito lang naman kami sa loob ng University kaya magiging maayos lang siya.
"Our vocalist is late but at least he made it!"
Parehas kaming sumigaw ni Rea nang may umakyat na sa stage pero sa hindi malamang dahilan ay bigla akong kinabahan. Sumisikp rin ang dibdib ko na parang mamaya ay mawawalan na ako ng hininga. Pero nagawa ko pa ring makisabay sa mga tili at mga sigawan ng mga kababaihan rito. Pero sino nga ba ang vocalist na halos lahat ng nandito ay siya lang yata ang hinihintay.
"Lyn!"
Lumingon ako kay Rea at napangiti naman ako nang makita ko si Lyn. Halata sa mukha niya na naiinis siya sa'min. Kami rin sa kanya kaya, bigla siyang nawala.
"Saan ka ba galing!" tanong ko at kunwaring naiinis talaga ako. Pero kanina pa talaga kami tawag ng tawag sa kanya hindi naman siya sumasagot pwera lang kanina.
"Kayo kaya yong nawala bigla," sagot niya, magsasalita na sana ako nang sinagot na siya ni Rea.
"Ikaw yong nawala pagkalingon namin sa likuran wala ka na."
"Ang pogi!" sigaw ko bigla para wala gusto ko lang baguhin ang topic. Nandito na naman na si Lyn kaya hindi na kailangan sigurong pag-usapan pa. Sumigaw ako ng pogi pero hindi ko gaanong makita ang nasa stage, masiyadong malayo kami. Pero natatanaw pa rin namin siya. Oo, gwapo nga pero malayo pa rin kami para sa'kin. Itong si Rea ay kinikilig na sa tabi ko kaya nakisabay na rin ako.
Natigilan ako sandali nang marinig ko ang boses na 'yon. Tumingin ulit ako sa stage, alam kong hindi ko matanaw ng malinaw ang kakanta pero ang boses niya. Hindi ko naman siya naiisip kaya bakit minsan parang naririnig ko siya. Wala na nga akong balita sa kanya pagkatapos niya akong iwan. Pagkatapos ng araw na 'yon tuluyan na siyang nawala, at hindi ko na alam ang nangyari sa kanya. Sa pamilya nila.
Pakiramdam ko ay tuluyan na yata akong manghihina pero pinipilit ko pa ring ngumiti. May pagbabago sa boses, mas malamig at mas masarap pakinggan sa tenga pero sigurado akong boses niya 'to. Kung hindi bakit ganito kalakas ang tibok ng puso ko. Bakit sumisikip at bakit parang hinihila ang mga paa ko pabalik ulit sa nakaraan.
Biglang nagbukas ang mga screens na malapit sa'min. Halos parang may bumara sa lalamunan ko para hindi na ako makatili o makasigaw. Siya nga. Gusto kong tumakbo at gusto ko siyang yakapin. May mga nagbago sa kanya, magandang pagbabago. Pero alam kong siya ang lalaking pipiliin kong gustuhin pa rin.
Kumusta na kaya siya, mukhang maayos naman siya. Hilig pa rin niya siguro kumanta. Ngayon, napakamarami na ng nakikinig sa kanya. Ang paghawak niya sa gitara halatang magkaibigan pa rin sila. Nagkakasundo pa rin ang kamay at ang gitara niya. Siguro, may iba na ring mga bagay o tao na nagpapasaya sa kanya ngayon, halata naman sa mga ngiti niya at sa mga mata niya na tumatanaw sa'min.
Naalala pa rin kaya niya ako, ang babaeng nagdala ng kamalasan sa buhay niya. Naalala pa rin kaya niya ako, 'yong pinagsamahan at mga sandaling ibinahagi namin sa isa't isa. 'Yong mga magaganda, o kung naalala niya ako bilang isang malandi na babae at walang kwenta.
Naalala mo pa rin kaya ako Wren? Makikilala mo pa kaya ako?
--

BINABASA MO ANG
Mr. Sneezy
Romance"Honey, you don't want me mad!" - Mr. Wren Kyle Almazan MISTER SERIES II photos (Canva's free photos/ elements) used are not mine. Credits to the rightful owners.