Wren

83 2 0
                                    

You'll find the grammar and the punctuation is OFF, please bare with that and READ AT YOUR OWN RISK.

---

"Laine.." pagtawag ng binata sa pangalan ng dalaga na kanyang pinagmamasdan sa labas ng isang mental hospital. Matagal na niya itong sinusundan simula nang bumalik ito sa Pilipinas. Hindi niya napigilan ang kanyang sarili na tignan ang kalagayan ng dalaga lalo na't marami siyang nalamang hindi maganda pagkatapos niyang iwan nito, ilang taon ang nakalipas.

"Laine," pagtawag niya ulit pero alam nitong hindi siya maririnig. Pumikit siya ng mariin at naalala ang kanyang ina... Ang nakaraan... na ayaw na niyang balikan.

"Ma bakit kailangan pa naming madamay!" sigaw niya sa kanyang ina na hindi siya marinig at nakatulala lang ito habang nakasilip sa bintana ng kanilang silid. Hinihintay ang asawa nito na magbalik sa kanila.

"Wag niyo naman akong idamay may sarili akong buhay! Kami ni kuya! Kung may problema kayo hindi na kami kasali don!" pero kahit anong pagsigaw niya ay hindi siya pinapansin nito.

"Hindi kami maghihiwalay ni Laine," sabi ng binata. Pero ang totoong nararamdaman nito ay gusto niya ng itigil ang relasyon, dahil hindi niya kaya ang sitwasyon. Ang lungkot at pag-iyak ni Laine na kanyang kasintahan dahil sa nanay nito. Hindi niya kaya ang problema, gusto niyang lumayo.

Dahil gusto niya masaya lang siya palagi, walang iniisip na kahit ano. Kahit pa sobrang minahal niya ang dalagang ito.

"Hindi!" bigla na lamang siyang nilingon ng kanyang ina at dinuro duro.

"Anak ng ahas 'yon! Hindi ko matatanggap na mapupunta lang sa anak ng isang ahas ang anak ko! Naiintindihan mo ba  'ko Wren!"

Pumikit siya ng mariin tapos sinapo ang kanyang noo.

"Mamili ka, magpapakamatay ako o iiwan niyo ko lahat!"

Natigilan ang binata sa sinabi ng kanyang ina at ilang beses niyang minura ang pangalan ng kanyang ama sa kanyang isipan. Gusto ng kanyang ina na lumuwas sila ng bansa para makapagsimula ulit kasama ang ama nitong trinaydor ang kanilang pamilya at pinipili ang kabit nito.

"Ma! Wren!"

Napalingon siya sa sumigaw ang kanyang kuya. Panganay sa pamilya.

"Si papa naaksidente!"

Parehas silang natigilan ng kanyang ina at agad na sinundan ang kanyang kuya. Nakarating sila sa hospital pero hindi na nila ito naabutan. Nakita pa ni Wren ang dala nitong mga gamit bago umalis sa bahay nila. Nabundol raw ito ng truck habang tumatawid.

"Walang hiya ka ang kapal ng mukha mo! Ang kapal kapal ng mukha mo! Hindi mo ako hinayaang saktan at maghiganti! Bumangon ka diyan!"

Hindi na niya alam kung ano ang iisipin niya. Pakiramdam niya ay mas mahirap pa ito kesa sa araw na nawala ang pinakamamahal niyang lolo at lola.

"Manloloko at malandi rin 'yang girlfriend mo," maarteng sabi ng kababanata niya na si Trishia habang inaabot sa kanya ang mga litrato. Litrato ng kanyang kasintahan na may kasamang iba.

Alam niya sa araw na 'yon na dapat kinausap niya muna ang dalaga. Dapat pinakinggan niya muna ito dahil alam rin niya na hindi magagawa 'to ni Laine. Pero mas pinili niyang magalit at iwan ang lahat.

"Wa.. wag kang umalis, sabihin mo muna sa'kin anong ginawa ko..."

Naalala pa niya ang boses ng dalaga habang nagmamakaawa sa kanya. Hindi niya gustong makita lahat ng minahal niya na umiiyak at nasasaktan niya pero hindi sapat 'yon para hindi siya umalis.

"Alam mong ayaw ko sa manloloko!" gusto niyang pigilan ang kanyang sarili dahil alam nitong natatakot ito sa kanya tuwing malamig o sumisigaw siya.

Mr. SneezyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon