30

55 1 0
                                    

"Sigurado ka bang pinapayagan mo'ko anak?" tanong ni mama habang kumakain kami. Tumingin ako sa kanya at ngumuso na parang bata. May pupuntahan raw sila ng kanyang mga katrabaho, parang bakasyon na rin nila. Wala namang problema sa'kin at isa pa deserve naman ni mama, pero hindi ko alam kung bakit hindi ako kampante.

"Mapipigilan ko po ba kayo?" nakangiti kong tanong. Namimiss ko si papa dahil tuwing summer palagi kaming umaalis at palagi kaming namamasyal. Hindi man kasing sosyal ng iba pero ang saya namin. Lahat ay nagbabago. 

"Salamat anak!" tumayo siya tapos niyakap ako. 

"Nga pala, saan rin naman ang lakad niyo?" tanong ni mama nang bumalik siya sa kanyang upuan. 

"Ahh, nakalimutan ko po kasi pero kasama ko po si Wren." hindi ko alam kung bakit palagi siyang natitigilan sandali tuwing binabanggit ko si Wren. Hindi ko rin alam kung baka ako lang ang nakakapansin o nagkakataon lang.

"Ganoon ba marami ba kayo?"

Tumango naman ako. Dahil halos imbitahan lahat ni Trishia tapos siya na bahala sa lahat ng gastos doon sa resort. 

"Opo ma," sagot ko.

"Mag-iingat ka lang palagi ah, mag-iiwan ako ng allowance at pocket money mo doon." nakangiti niyang sabi. 

"Thank you po ma," sagot ko. Ang saya saya ni mama tignan. Pero bakit kapag nakikita ko siyang nakangiti ay nasasaktan ako. Huminga ako ng malalim at kumain na ulit. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin masabi kay mama ang tungkol sa'min. Ang hirap palang hindi pa legal sa both side. 

Pagkatapos naming kumain ay tinulungan ko muna si mama sa paglilinis at pagliligpit. Ayos lang naman na late ako ngayon dahil wala naman kaming masiyadong gagawin may mga papel nalang kaming aayusin tapos summer na.

"Namimiss na ni mama ang mahaba mong buhok, type mo na ba ang short hair?" tanong ni mama habang sinusuklayan niya ako. Mamaya kasi raw ang alis niya tapos ako naman bukas. Nakakalungkot lang na maghiwalay kami ngayon ni mama sa bakasyon. Dati inuuna naming bumisita kay lolo at sa mga pinsan ko.

"Hindi po ba bagay?" tanong ko. Gustong gusto  ni Wren ang maiksi kong buhok. 

"Bagay syempre, ang ganda ng anak ko." tapos hinalikan niya ako sa ulo. 

Nagbihis ako at naghanap na naman ako ng magandang suotin ngayon kasi ayos lang hindi na kami mag-uniform. Kaya halos maubusan ako ng mga pwedeng suotin para maganda ako sa paningin ni Wren. 

"Hello bee?" Sinagot ko agad ang tawag ni Wren tapos bumaba na ako. Saktong tapos na ako magsuot ng sapatos.

"Pababa na," sabi ko. 

"Ma! alis na po kami ni Wren!" sigaw ko at nakita ko pa siya sa kusina na may inaasikaso. Ngumiti siya tapos tumango at kumaway. Hindi ko rin alam pero parang ayaw ni mama makita si Wren kaya nahihirapan akong sabihin sa kanya ang relasyon namin.

"Bee!" bumalik ang sigla ko pagkalabas ng bahay. Motor niya na ang ginagamit namin. Namiss ko 'yong bike. Sinuotan niya ako ng helmet na binili pa niya para sa'kin. 

"Ang tagal mo naman, kanina pa ako chat ng chat at text ng text," sabi niya na parang bata. Dahan-dahan naman akong sumakay sa likod niya.

"Sorry na nag-usap pa kasi kami ni mama," sagot ko. Tapos yumakap ako sa kanya ng mahigpit. 

"Saan ka ngayong summer Honey?" tanong ni Anika nang magkasalubong kami sa hallway. Agad rin kasi kaming naghiwalay ni Wren ng daan dahil may aayusin pa raw siya tapos tumawag rin kasi ang mommy niya. Pero syempre hindi kami naghihiwalay ng walang kulitan muna. 

Mr. SneezyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon