12

39 3 0
                                    

"May masakit ba sayo?" tanong niya nang makababa ako. Nailang naman ako nang parang may gusto siyang tignan sa'kin o parang sinusuri ang katawan ko. Hinawakan ko siya sa balikat at umatras.

"Ayos lang ako," sabi ko pero parang napilay talaga ang isa kong paa pero ayos lang. Napansin ko namang madumu na ang polo niya pati na rin sa'kin. Huminga ako ng malalim at tinignan ang noo niya kahit sinusuri pa niya ako.

"Sigurado ka bang walang masakit sayo?" tanong niya ulit at gusto ko na talagang umiyak. May dugo siya sa noo niya at sa may kamay.

"Kailangan nating gamutin 'yan," sabi ko at itinuro ang sugat niya sa noo. Gusto ko talaga dalhin siya sa hospital na malapit dahil hindi ko alam baka kung saan tumama ang noo niya.

"Mababaw lang  'to," sagot niya sa'kin.

"Dumudugo," sabi ko.

"Ayos lang ako. Pumasok ka na."

Umiling ako bilang sagot.

"Gamutin muna natin  'yan," sabi ko. Tumingin naman ako sa bahay baka late siguro si mama makakauwi dahil ang dilim pa sa loob.

"Malayo  'to sa mga sakit ng iba, ayos lang ako pumasok ka na."

Magsasalita pa sana ako nang bigla namang umulan. Agad akong tumakbo papunta sa loob namin.

"Wren!" pagtawag ko sa pangalan niya at nakita ko naman siyang sumunod sa'kin. Hinanap ko naman agad ang susi sa bag ko. Ipinarada niya ang bike niya sa ilalim ng malaking puno na nasa labas namin.

Hindi naman kami gaano nabasa dahil hindi rin naman malakas ang patak ng ulan. Mukhang titila nga agad. Pero napapasok ko siya.

"Wala bang tao sainyo ang dilim," sabi niya tapos binuksan ko nag cellphone ko at hinanap ang switch.

"Dito ka lang," sabi ko at dumiretcho ako sa taas. Nakita ko naman siyang umupo lang sa sofa at hinubad ang polo niya, may soot naman siyang white t-shirt.

Hinanap ko lang sa kwarto nila mama ang first aid kit. Nandoon rin kasi ang gamot at bulak na pwede sa sugat niya atsaka mga bandaids. Bumaba ako agad nang mahanap ko.

"Patingin," sabi ko nang makaupo ako sa tabi niya. Ngayon ko lang napansin na mababaw rin lang pala talaga ang sugat niya sa noo, mas malala yong nasa kamay niya.

Nilagyan ko muna ng gamot ang bulak at hinipan ko muna ang sugat niya bago ko dahan-dahang dinampi ang bulak sa noo niya. Wala naman siyang reaksyon habang ginagamot ko siya.

"Kailangan malinis natin 'to," sabi ko. Narinig ko naman siyang tumatawa ng mahina kaya tumigil ako.

"Anong nakakatawa?" tanong ko.

"Soot mo pa tin nag helmet medyo maluwag nga sayo 'no malaki pala ang ulo ko," sabi niya. Napagtanto ko naman na soot ko nga pa pala. Sino pa ba iisipin ang helmet pagkatapos kaming matumba. Siguro may mga adik talagang drivers minsan.

Tinanggal ko naman muna ang helmet tapos tinuloy ko na ang panggagamot ko kahit hindi ko naman alam ang ginagawa ko.

"Matagal na kayo dito?" tanong niya tapos hinipan ko muna ang noo niya bago sumagot.

"Oo, grade 6 ako nong lumipat kami dito," sagot ko.  "Kayo sainyo?"

"Ahh hindi ko maalala basta sobrang maliit pa ako non, na kay lolo at lola na ako," sagot niya at napatango naman ako tapos tinignan ko naman ang sugat niya sa braso.

"Sabihan mo ako kung masakit," sabi ko at binuhusan ko ng gamot ang braso niya. Katulad kanina ay wala akong narinig na reklamo. Pero hinipan ko pa rin.

Mr. SneezyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon