Nang makita kong nakatulog na sa tabi ko si Kaye ay agad akong bumangon. Tumayo ako dahan-dahan at naglakad. Kinuha ko lang ang jacket, wallet tapos cellphone ko. Hindi na naman ako makatulog dahil kakaisip ng kung anu-ano na hindi na dapat iniisip pa. Hinalikan ko sa noo si Kaye, dito na naman siya natulog sa'kin. Natutuwa naman ako dahil mas kampante akong matulog na may katabi.
Lumabas ako at madilim na sa bahay na'to. Lumakad ako ng dahan-dahan na hindi makagawa ng ingay. Nang makababa ako ay napahinga ako ng maluwag na wala akong nakikitang Edward ngayon. Lumabas ako at tumakbo palayo sa bahay. Anong oras na ng gabi ngayon lahat ay sigurado akong tulog na.
Sana lahat ay nakakatulog lang mahimbing. Kailan kaya ulit ako?
Dahil nasanay na rin ako mag-isang naglalakad ay may mga nalaman akong shorcuts dito sa'min. Kagaya ng papunta sa peryahan na ngayon ay sarado. Tuwing pasko lang sila nagbubukas o fiesta dito. Kahit nakakatakot na pumunta ay tumatambay pa rin ako doon. Mas komportable nga ako don kesa sa bahay namin.
Palagi akong umaakyat sa may gate o di kaya sa likuran para makapasok sa loob. Wala ng tao at kumapara dati, mas masaya ang peryahan na 'to. Ngayon parang ang lungkot niya na rin katulad ko. O malungkot lang ako kaya nadadamay ko ang ibang bagay na masaya naman.
Lumakad ako sa loob at dumiretcho ako sa ferris wheel. Umakyat ako at agad na umupo sa mababang pwesto. Ito ang pinakapaborito kong tambayan sa lahat. Marami na rin ang nagbago dito, marami na ring kulang na palaruan. Wala ring halos nagbabantay rito kaya malaya lang akong nakakapasok tapos lalabas. Sumandal ako tapos tumingin sa kalangitan. Naiisip ko kung isa ba diyan sa mga bituin ay si papa.
"Sorry pa, hindi na kita naiisip. Hindi na rin kita namimiss," sabi ko. Nang iwan na ako ng tuluyan ni mama ay hindi ko na sila magawang isipin. Minsan nga sinasabi ko na sana hindi nalang ako sa pamilyang 'to pinanganak. Kasi ang unfair, hindi ako malakas para mangyari ang lahat ng 'to sa'kin.
"Siguro, galit ka rin kay mama..dahil pinili niya ang lalaki niya kesa sa'kin. Sa huli iniwan pa rin siya. Hindi pala siya ang pipiliin habang buhay." Naramdaman ko ang pagtulo ng aking mga luha.
"Ang panget ko na pa, hindi mo na masasabi na ang ganda ganda ng anak mo. Pero alam niyo ba, ang galing ko ng humawak ng mga make up brush. Ang galing ko na ngang mag-blend ng mga kulay. Ngayon lang kita ulit kinausap pa, sorry kung hindi ka na namin madalaw ni mama. Kailangan na rin kasi ng tulong ni mama eh." Pinunasan ko ang aking luha at pumikit ng mariin. Galit ako sa kanilang dalawa dahil iniwan nila ako mag-isa.
Napadilat naman ako nang may narinig akong ingay sa labas pero hindi ko masiyado inisip. Walang ibang tao dito, ako lang. Sigurado ako dahil ilang beses ko na 'to nagawa. Kumunot ang aking noo nang biglang nawawala na sa paningin ko ang ilang bituin
"Ahh shit!" sigaw ko nang biglang umulan. Talaga bang uulan ngayon? Agad akong bumaba at lumabas. Tumakbo ako at humanap ng masisilungan. May nakita naman akong tent kaya agad akong tumakbo papunta doon.
"Salamat," sabi ko at natigilan ako dahil hindi lang boses ko ang narinig ko. Yinakap ko naman agad ang sarili ko. Pakiramdam ko ay may tao sa tabi ko. Pero walang ibang tao rito, baka magnanakaw o mas malala baka multo? Sinubukan kong pakalmahin agad ang sarili ko, pumikit ako sandali dahil baka mawala ito agad. Wag naman ngayon, pumunta ako dito pasa sa peace of mind ko.
"What are you doing here?"
Hindi. Hindi maaari. Hindi, sigurado ako. Kumunot ang aking noo pero nanatili akong nakatayo lang at hindi lumilingon. Napaangat lang ako ng tingin nang lumapit siya at pinalibot sa'kin ang jacket niya.
"Wren?"
Imposible baka guni-guni ko na naman o di kaya baliw na ako katulad ni mama. Imposible namang makakarating siya dito?
BINABASA MO ANG
Mr. Sneezy
Romance"Honey, you don't want me mad!" - Mr. Wren Kyle Almazan MISTER SERIES II photos (Canva's free photos/ elements) used are not mine. Credits to the rightful owners.