Pero sabi rin ni papa, kailangan matapang ka kung ikaw 'yong tipo ng tao na madali lang mahulog sa isang tao, dahil sila ang halos nasasaktan agad at iniiwan.
"Aray masakit!" reklamo ni Wren nang ibato ko sa kanya ang bola. Kahit dito sa p.e. class namin ay kinukulit niya ako. Hindi ko alam kung bakit ayaw ko siyang kausapin. Hindi rin ako nakisabay sa kanya kanina.
Tinignan ko naman siya tapos tumawa siya bigla. Alam ko namang hindu masakit ang pagkabato ko sa kanya.
"Hindi mo class 'to," sabi ko.
"Ay sorry ma'am," sabi niya tapos inirapan ko lang siya. Lumakad ako palayo pero sinusundan lang niya ako kaya lahat tuloy ay napapatingin sa'min.
"Bakit hindi ka sumabay sa'kin iniwan mo ako agad," sabi niya.
"Eh ikaw anong ginawa mo kahapon?" tanong ko tapos hinarap siya. Kumunot naman bigla ang noo niya.
"Namasyal kami nila mama." tapos kasama si Trishia. Sana lahat.
"Okay," sabi ko.
"Teka nga bakit ka ba galit?" tanong niya tapos hinawakan ako sa braso. Hinablot ko naman agad pero hinuli niya lang rin agad.
"Kasama mo si Trishia," sabi ko.
"Ha? sila mama lang kasama ko." natulala naman ako sandali.
"Sinungaling," sabi ko.
"Hindi ako marunong magsinungaling." tapos nakipagtitigan pa ako sa kanya at ako lang naman ang talo. Umiwas ako ng tingin. Paano naman ang picture nila?
"Sabi mo kahit anong oras pwede kitang tawagan," sabi ko. Bakit ba ako nagagalit sa maliit na bagay lang?
"Bakit tumawag ka ba?" tanong niya.
"Oo sabi mo kahit anong oras simula ngayon wag mo na akong sanayin sa mga bagay na mawawala o magsasawa ka rin lang naman." inis kong sabi.
"Teka, Laine ilang beses ka tumawag?" tanong niya.
"Nakailang tawag ako," sagot ko.
"Isang araw lang naman ako hindi nakasagot diba? Hiniram ni kuya ang cellphone ko kahapon," sabi niya.
"Wala ba cellphone kuya mo?" tanong ko. Bakit ba hindi ko mapigilang mairita. Hindi ko alam sa sarili ko. Naiinis ako.
"Hindi na mauulit," sabi niya. "May tinignan lang siyang game app na nilalaro ko tapos nakitawag rin siya dahil nasira phone niya at isa rin sa rason kung bakit kami namasyal nila mama."
"Kasama si Trishia?"
"Bakit mo sinasali si Trishia hindi ko siya kasama kahapon."
"Ano pala 'yong post niya?"
Natulala siya sandali at parang nag-isip pa bago ngumiti.
"Throback pic. 'yon." ako naman ang natulala sandali.
"Basta, ayoko ng sinasanay ako sa mga bagay na mawawala rin lang." tapos hinablot ko ang braso ko. Bakit ba ako ganito, hindi ko mapigilan. Dahil sa kanya may mga emosyon akong hindi ko maintindihan.
"Honey..." natigilan naman ako nang tawagin niya ako sa unang pangalan ko. Tumingin ako sa kanya at nakita ko siyang huminga ng malalim tapos naramdaman ko ang kamay niya sa likod ng ulo ko.
"Hindi ako mawawala. Hindi ibig sabihin na nakalimutan kita sandali at busy ang linya ko ay mawawala na ako sa'yo."
Tapos bigla niyang ipinagdikit niya ang noo namin.
"Magtampo ka lang pero wag mong sasabihing mawawala ako."
Sa mga sandaling ito ay makakalimutan ko siguro kung paano huminga.

BINABASA MO ANG
Mr. Sneezy
Romance"Honey, you don't want me mad!" - Mr. Wren Kyle Almazan MISTER SERIES II photos (Canva's free photos/ elements) used are not mine. Credits to the rightful owners.