52

63 2 0
                                    

Isinama ba niya ako dito para maging display lang, tignan ng mga ibang tao. Kanina pa ako nag-iisa sa table namin at habang siya ay masayang nakikipag-usap sa kanila. Wala namang may lumalapit sa'kin. Kagaya lang rin ng iba dito na nag-iisa at naghihintay siguro ng himala. Tinignan ko ang aking sarili sa salamin. Nakikita ko rin mula sa likuran ko sila Anika. Naalala pa kaya nila ako? Mukhang masasaya naman sila. Ako nalang siguro ang napag-iwanan. 

"Honey?" tumingin ako sa tumawag si Rose!

"Honey! Omg, how are you!" tapos umupo siya sa harapan ko. Nailang ako bigla dahil nga wala akong naging totoong kaibigan dito sa West Gold at kasama na rin siya.

"Ayos lang, ikaw?"

"Akala ko nga kanina hindi ikaw, you've change," sabi niya. Umiwas ako ng tingin. Baka ang ibig niyang sabihin ay pumanget ako.

"Sikat na sikat na talaga si Wren 'no, kumusta kayo?" tanong niya at tumingin ako kay Wren na may mga nagpapakuha na naman ng litrato kasama siya. 

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko. Bakit ba lahat ng tao dito ay parang mga walang ginawa sa'kin. Naiinis ako sa ngiti niya, ngiti ng peke kong kaibigan. Gusto ko ng umuwi. Wala naman siguro akong kwenta dito at wala ring kwenta ang event na 'to sa'kin.

"Excuse me," sabi ko tapos tumayo ako at nagkasalubong pa ang mga mata namin ni Wren nang tumayo ako. Bigla naman akong hinarangan nila Trishia. 

"Common girls, apologize na kawawa na siya eh," sabi ni Trishia sa maarteng paraan. Tumingin naman ako sa mga babae, sila ang mga alipin ni Trishia? Halos lahat sila ang mga nanakit sa'kin araw-araw. 

"Pero hindi kami humihingi ng tawag sa may lahing malalandi?" patanong na sagot ng isang alipin niya. Napangisi naman ako. Bakit hindi ba sila malalandi? ang pagkakaalala ko patay na patay si Trishia kay Wren kaya nga siya insecure sa'kin. 

"Girl, ano ka ba baka mabaliw rin 'yan katulad ng mom niya." tapos narinig ko silang tumawa. Ilang taon na ba kami at bakit ganito pa rin sila umasta, tumingin ako kay Rose na umiiwas ng tingin sa'kin. Hanggang ngayon katulad pa rin ng dati. Ayokong naririnig na isasali nila si mama lalo na kung kinukumpara ako. 

"Stop it guys." maarteng sabi ni Trishia tapos mabuti naman ay hindi sila nagtagal sa harapan ko tapos lumakad na palayo. Huminga ako ng malalim at sinubukang hindi umiyak. Nakakahiya naman kasi sa Unibersidad na 'to. Tumalikod ako tapos lumakad na palayo. 

Akala ko ay didiretcho ako sa gate pero ang ginawa ko ay pumunta ako sa dati naming tambayan ni Wren. Kung buhay pa ba ito o kung nasira na o di kaya pinaayos at binago. Pagkapunta ko roon ay parang nawala pa ako dahil may building na at iilang classrooms. Tapos mula dito ay nakikita ko ang lumang gate, maayos at maganda na rin ito. 

Nagbago siya mas hindi na siya nakakatakot katulad dati. 

"Why are you here?" Napalingon ako sa aking likuran. Sumunod pala siya. Tumalikod ako at pinagmasdan ang bagong building. 

"Wala lang," sagot ko. 

"Bored ka na?" tanong niya. Tumango naman ako agad bilang sagot. 

"Ako rin," sagot niya. Naramdaman ko siyang tumabi sa'kin at tumawa ako ng mahina.

"Ikaw rin eh mukhang masaya ka naman," sabi ko. "Nage-enjoy ka."

"Whatever," sagot niya.

"Whatever, parang bakla," sagot ko at tumingin sa kanya. Nakasalubong ko ang inis niyang mga titig pero ngumiti lang ako. 

"Tara?" tapos inabot niya bigla sa'kin ang kamay niya.

"Saan?" tanong ko. 

"Palayo dito," sagot niya.

Mr. SneezyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon