"Ba..bakit?" ilang segundo muna ang lumipas bago ako nakapagsalita. Kinakabahan kasi ako sa mga titig niya. Sobrang tahimik dito kaya parang ang tanging naririnig ko lang ay ang tibok ng puso ko at mabibigat na paghinga ko.
"Hindi ka ba natatakot?" tanong niya. Hindi ko alam kung saan ako titingin dahil ang seryoso niyang makatingin sa'kin. "Tayong dalawa lang nandito."
Tumawa naman ako ng peke para mabawasan ang ilang na nararamdaman ko. Bakit ba kasi malamig ang tono ng pananalita niya sa'kin.
"Bakit ba ang seryoso mo Wren?" tanong ko. Lumakad siya palapit sa'kin.
"Hindi ka natatakot na lalaki kasama mo?" tanong niya pabalik. Humakbang naman ako paatras nang palapit siya ng palapit sa'kin. Ngayon lang ako natakot sa mga titig niya, para siyang galit na hindi ko maintindihan.
"May problema ka ba?" tanong ko tapos huminto lang ako sa kaaatras nang mapasandal na ako sa isang malaking puno. "May nang-away ba sa'yo?"
"Hindi ka natatakot sa'kin?" tapos inilagay niya bigla ang isa niyang kamay sa gilid ng ulo ko. Ngayon ay parang nakakakulong ulit ako sa kanya. "Tuwing tayong dalawa lang..." sobrang lamig ng tono ng boses niya na parang mapapaso rin ako kapag magtagal ako dito.
"Hindi syempre," sagot ko. Dahil kaibigan naman niya ako at wala akong nakitang rason para matakot sa kanya. "Palagi na kitang nakakasama at nakakasabay wala naman akong rason para matakot sa'yo.."
"Kahit may gawin ako na hindi mo magugustuhan?" tanong niya at hindi na ako nakapagsalita tapos nakipagtitigan nalang ako sa mga mata niya. "Kahit gawin ko 'to?" bigla niya akong hinila palapit sa kanya at naramdaman ko ang malamig niyang hininga sa leeg ko agad akong napahawak sa dibdib niya tapos itinulak siya.
"Wren ano ba!" sigaw ko at tumalikod ako para sana tumakbo at lumayo pero hinila niya ulit ako palapit sa kanya at ginawa ko naman ang lahat para maitulak siya.
"Wren ano ba, bitawan mo'ko!" sigaw ko at hindi ko napigilang ang luha kong tumulo sa mga mata ko dahil nag-uumpisa na akong matakot sa kanya. Napaigtad ako nang bigla niya akong isinandal ulit sa puno.
"Bitawan mo ako ano bang nangyayari sa'yo!" sigaw ko at hindi ko napigilang kumawala agad ang hagulhol ko. Gusto ko siya pero hindi sa paraang ganito. Tumigil siya habang hawak pa rin ang magkabilang braso ko. Tinitigan niya ako sandali bago tumawa.
"Binibiro lang kita," sabi niya tapos natulala ako sandali. Dahan-dahan niyang binitawan ang brasko ko at humakbang paatras. Tumatawa pa rin siya. Ginawa niyang biro 'yon? Hindi ko napigilan ang kamay ko at sinampal siya.
"Hindi ka nakakatuwa Wren!" sigaw ko at tinalikuran siya tapos naglakad ako ng mabilis palayo sa kanya. Binibiro lang niya ako, akala ba niya lahat ng biro ay kaya kong tawanan lang? Hinayaan kong mahulog ang suit niya, ayoko ng lumingon sa likuran ko. Gusto ko nalang umuwi.
Bumalik ako sa party, dumiretcho ako sa hallway at naghanap ng banyo. Inayos ko ang mukha ko tapos naghilamos. Napasapo ako sa dibdib ko at pinipilit kong kumalma. Siguro ay uuwi nalang ako.
Pagkalabas ko ay agad akong lumakad papuntang gate. Mas kakalma ako kung makauwi ako sa bahay. Pero alam ko naman sa sarili ko na hindi magtatagal ang galit ko, kahit paman hindi ko talaga nagustuhan ang biro niya. Habang tumatawa siya parang iba siya sa Wren na nakilala ko.
Alam naman niya siguro na hindi nakakatuwa 'yon?
"Hey, need a ride?"
Pagkalabas ko sa gate ay may biglang sumunod na sasakyan sa'kin. Lumingon ako sa nagsalita at hindi ko maiwasang kumunot ang aking noo. Pamilyar ang mukha niya. Pamilyar siya sa'kin.
BINABASA MO ANG
Mr. Sneezy
Romance"Honey, you don't want me mad!" - Mr. Wren Kyle Almazan MISTER SERIES II photos (Canva's free photos/ elements) used are not mine. Credits to the rightful owners.