"Anak ngumiti ka naman, kahit ngayong araw lang." Tinignan ko si mama sa mata. Kakatapos lang rin akong ayusan. Ngayon lang ako sobrang nalungkot sa kaarawan ko. Ito pa naman ang pinakaimportante sa buhay ko, 18 na ako. Dito sa isang engrandeng hardin ng West Alvarez gaganapin ang aking debut. Nandito pa ako ngayon sa isang hotel na malapit sa hardin dahil maraming preperasyon. Mula sa aking buhok hanggang sa susuotin kong gown.
"Talagang natutuwa kayo sa ginagawa niyo ma?" tanong ko at lumibot ang tingin niya sa paligid. Lahat ay nakalabas na. Kami nalang ni mama ang nandito sa loob. Ilang araw ang lumipas ay ngayon birthday ko na, pero hindi pa rin ako pinagbigyan ni mama.
"Alam niyo bang pwede kayong makulong kung gugustuhin ni tita?" inis kong tanong.
"Ayan ang ganda ng anak ko, aantayin kita sa labas." nakangiti niyang sabi na parang walang narinig mula sa'kin. Hindi ko na alam ang gagawin ko kay mama. Palagi nalang ganito. Hindi ko na mabigyan ng halaga ang bawat sandali ng buhay ko dahil sa ginagawa niya.
"Ma nakikinig po ba kayo?" tanong ko at hinalikan lang niya ako sa pisngi tapos nauna siyang lumabas. Napasigaw ako at gusto kong sirain ang pagkaayos ng buhok ko. Hindi ko lang sana makita ang pagmumukha ng lalaking 'yon ulit.
"Tonight is a celebration of thanksgiving of the life God has given to our lovely celebrant. Let us put our hands together, as we welcome her as she stepped into a higher level of life. Everyone? Honey Laine Cuizon!"
Pumilit kong ngumiti habang inaalalayan ako ng mga pinsan kong lalaki na hindi ko mga close sa mahabang tela na ito papuntang stage. Napatingin naman ako sa mga pumapalakpak at kumukuha sa'kin ng litrato. Nandito ang mga taga-West Gold tapos ang mga kaibigan ko. Nakapunta silang lahat. Pero nasaan na ba si Wren sabi niya siya raw ang escort ko ngayon, pero dahil wala pa siya ay mga pinsan ko na muna ang umalalay sa'kin ngayon. Sana lang ay hindi sila nagkagulo at makapunta siya sa araw na 'to kasi alam kong magiging espesyal ulit sa pakiramdam kung makita ko siya.
Nakita ko naman ang aking mga tito at tita tapos si lolo at sa side nila mama. Malapit sila sa may stage. Nang makaupo ako sa aking maala prinsesang upuan ay nakita ko silang lahat ng malinaw ngayon. Marami pala ang dumalo.
"Here's Mrs. Halsey Cuizon to welcome all of us to their lovely princess 18th birthday!"
Pinagmasdan ko lang si mama habang nagsasalita. Hindi ko akalaing magagawa niayng engrande ang aking kaarawan. May alam ba sila tito at tita. Hinahayaan lang ba nila si mama? Gusto ko ng umuwi si papa sa'min. Gusto kong gisingin niya si mama. Pastel colors ang theme ng debut ko, wala naman akong alam sa designs at kung paano ito natapos, hinayaan ko na si mama.
"While we are having our dinner we will be serenaded by 3'oclock band!"
Nakisabay lang ako sa lahat na pumalakpak. Hindi pa ba darating si Wren. Kinakabahan ako baka napano siya sa daan o di kaya hindi siya nakalabas sa kanila. Nagkagulo na sila sa bahay hindi ko alam. Kapag hindi ko siya nakikita ko nakakausap ay kung anu-ano na iniisip ko.
"Like a pretty flower...that attracts butterflies.. Our 18 gentlemens who will represent the 18 roses. Now, our debutant will be surrounded by 18 handsome mens!"
Wala pa rin si Wren. Nakatanggap na ako ng ilang rosas ay wala pa rin siya.
"Now, the last dance is reserve to our debutants special someone." nakangiting sabi ng emcee habang nakatingin sa papel na kanyang hawak. Huminga ako ng malalimm tapos inilibot ko ang aking tingin sa paligid. Kinakabahan na rin ako lalo dahil wala kaming practice sa ganito nakailang tapak nga ako sa mga sapatos ng sumayaw sa'kin.
"Mr. Almazan!"
Hindi ko naman mapigilan ang aking ngiti nang unti-unti ko na siyang nakikita. Lumalakad sa gitna papunta sa'kin. Tumingin ako kay mama at binigyan lang siya ng isang ngiti kahit nakikita ko ang lungkot at gulat sa kanyang mga mata.
BINABASA MO ANG
Mr. Sneezy
Romance"Honey, you don't want me mad!" - Mr. Wren Kyle Almazan MISTER SERIES II photos (Canva's free photos/ elements) used are not mine. Credits to the rightful owners.