Umiwas siya sa yakap at binigyan na naman niya ako ng napakagandang ngiti. Tumingin ako sa paligid ay lahat halos nakatingin sa'min. Pero bakit pakiramdam ko ay kaming dalawa lang ang nandito at walang iba. Ngumiti ako at tumingin kay sa teddy bear na yakap niya ngayon gamit ang isa niyang kamay.
"Ito ang pinakakyut na natanggap ko ngayon," sabi niya at natawa naman ako ng mahina.
"Akala ko..hindi mo magugustuhan," sagot ko.
"Paano namang hindi bigay mo 'to eh," aniya. "Ano kaya ipapangalan ko sa kanya siguro Honey."
"Pangalan ko 'yan eh," sabi ko.
"Para naalala kita dito," sabi niya, Ngumuso naman ako, malayo naman mukha ko kay teddy pero oo, cute siya.
"Labas tayo?" pabulong niyang tanong. Tinaasan ko naman siya ng kilay.
"Huh? ngayon?" tanong ko tapos tumango siya.
"Birthday mo, hindi mo naman sila iiwan dito 'no?" tanong ko.
"Kaya nga birthday ko." walang gana niyang sabi tapos inabot bigla sa'kin si teddy.
"Pakihawak nga muna si Honey," sabi niya na parang bata. Kinuha ko naman si Honey tapos niyakap.
"Tara na habang busy pa si mama," bulong niya sa'kin tapos hinila ako bigla.
"Wren!"
Napalingon naman ako sa likuran namin, sumusunod si Trishia. Sinubukan ko namang pigilan si Wren pero tumawa lang siya tapos hinila niya na ako patakbo.
"Wren wait!"
Muntik pa akong mawalan ng balanse sa biglaan niyang pagtakbo tapos hinila lang niya ako. Seryoso ba siya? Party niya tapos lalabas kami? Sumunod lang ako sa kanya hanggang sa makalabas kami at nakasakay ng elevator.
"Pagalitan ka ng lolo at mama mo," sabi ko. "Pati papa mo pala tapos kuya mo, at mga bisita mo. Si Trishia."
"Shhh." sinenyasan lang niya ako na wag maingay. May kinapa naman siya sa bulsa niya at may kinuha siyang susi. "Regalo ni papa, kahapon."
"Talaga?" tanong ko. Para siyang batang makulit, ang Wren na nakilala ko. Sumunod lang ako sa kanya hanggang sa nakaabot kami ng parking lot.
"Ang taas," sabi ko at napatulala sa malaking motor kung saan siya huminto. Nauna siyang sumakay tapos pinaandar niya ito. Ang lakas ng ingay pero hindi masakit sa tenga, ang astig ngang pakinggan, bagay sa kulay at porma nito.
"Halika na," sabi niya.
"Seryoso ka ba? sa isang kamay mo lang?" gulat kong tanong. Ayokong sumakay baka maaksidente pa kami sa gagawin niya. Isa pa tumakas lang siya baka karmahin siya bigla.
"Wala ka bang tiwala kaya kitang i-drive gamit isang kamay lang," sabi niya at hindi ko alam kung bakit natigilan ako sa sinabi niya at nakalimutan ko na namang huminga. Umiling ako tapos umatras.
"Ayoko nga idadamay mo pa ako sa kalokohan mo." inis kong sabi tapos yinakap ng mahigpit si Teddy.
"Sakay na," sabi niya.
"Ayoko nga, bumaba ka na diyan!" sigaw ko.
"Bubuhatin kita, isa Laine!" pinanliitan ko siya ng mga mata.
"Gusto mo bang masaktan ulit?" tanong ko. Hindi pa nga siya magaling eh.
"Dali na ang praning mo," sabi niya tapos may sinuri sa motor. Inirapan ko siya tapos pumunta ako sa likuran niya. Kumapit ako sa balikat niya tapos dahan-dahang umakyat at umupo sa likuran niya. Wala na naman kaming helmet na soot.
BINABASA MO ANG
Mr. Sneezy
Romance"Honey, you don't want me mad!" - Mr. Wren Kyle Almazan MISTER SERIES II photos (Canva's free photos/ elements) used are not mine. Credits to the rightful owners.