"Hindi na Lily wag na," sagot ko at narinig ko ang mga sigawan nila kaya inilayo ko sa tenga ko ang cellphone. Pinipilit nila akong sumabay sa kanila papunta sa venue kung saan man ang birthday ni Wren. Hindi naman siguro ako invited dahil wala siyang sinabi, though, sabi ni Trishia sa post niya invited lahat ng student ng West Gold. Sa lahat ng kaklase ko ay si Lily ang nangungulit sa'kin wala kasi sila Anika may mga pinuntahan ngayong bakasyon at pasko.
"Magsisimba pa kami nila mama," sabi ko.
"Eh di after, seven p.m. pa naman samahan mo na ako marami naman tayo, wala kasi si Rose eh," sabi niya. Napabuntong hininga ako tapos tumingin sa mga pinsan ko. Hindi ko rin alam kung papayagan ako ni mama.
"Pag-iisipan ko," sabi ko.
"Oh sige sa downtown na tayo magkita!" tapos pinatay na niya ang tawag. Nakita ko rin sa chats ang pangungulit nila Anika kahit nasa ibang bansa sila. Mukhang excited ang lahat sa 18th birthday ni Wren. Mas matanda pala siya sa'kin.
Hinatid muna namin sa sakayan sila lolo tapos dumiretcho na kami ni mama sa simbahan. Habang nasa loob ng simbahan ay nakikita ko ang iba kumpleto ang pamilya, kasama nila ang papa nila. Namiss ko ulit si papa, hindi ko alam kung may araw ba na hindi ko siya naiisip o hindi ko namimiss si papa.
"Anak ayos ka lang ba? may masakit ba sayo?" Napalingon ako kay mama nang lumabas kami ng simbahan. Hinaplos niya ang aking buhok at niyakap ako.
"Namiss mo papa mo?" tanong niya at natulala ako sandali parang gusto ko na tuloy umiyak.
"Mama naman eh," sabi ko tapos narinig ko siyang tumawa.
"Namimiss mo rin po ba siya?" tanong ko at hinawakan niya ang aking kamay tapos sabay kaming naglakad. Tumango siya tapos inangat ang tingin sa langit.
"Oo," sagot ni mama.
"Mahal mo pa rin si papa kahit malayo na siya?" tanong ko. Tumingin siya sa'kin at ngumiti.
"Oo naman anak," sagot ni mama. Dahil doon ay parang nawala lahat ng inis na naramdaman ko kay mama. Parang isinasantabi ko na mga nakita, nabasa at naririnig ko. Siguro ay marami lang akong iniisip palagi.
"Gusto mo 'yon 'no?" tanong niya tapos itinuro ang nagbebenta ng mga lobo.
"Mama naman hindi na po ako bata," sabi ko.
"Hmm talaga ba? nako, may boyfriend ka na 'no?" tanong ni mama bigla.
"Si mama boyfriend agad?" pabalik ko ring tanong kay mama. Tumawa siya ng mahina tapos ginulo ang buhok.
"Namiss rin po kita ma," sabi ko at yinakap si mama.
"Anak, kung may crush ka o nanliligaw sabihin mo si mama," sabi ni mama tapos natawa lang ako. Crush ko po si Wren, okay lang ba na maging crush ko siya? Nahihiya naman ako sabihin kay mama 'no.
"Ma..."
"Oh?"
"Pwede po bang..."
"Ano 'yon?"
Natawa si mama at alam niya na na may hihilingin na naman ako.
"Pwede po ba akong pumunta sa birthday party po ni Wren? ngayon rin po kasi birthday niya," sabi ko at nahiya pa ako tapos kinakabahan dahil baka hindi ako payagan. Pero hindi ko minsan maiwasang mapatanong dahil alam ko naming iimbitahan nila tito at tita si mama, ayoko naman maging feeling pero close sila diba? nakita ko 'yon sa mga tawanan nila.
"Si Wren?" patanong na sagot ni mama. Hindi ko alam pero parang may naramdaman akong kakaiba.\
"Ma? sorry po," sabi ko agad dahil parang nalungkot si mama. Ngumiti naman siya tapos inabot ang aking pisngi.
BINABASA MO ANG
Mr. Sneezy
Romance"Honey, you don't want me mad!" - Mr. Wren Kyle Almazan MISTER SERIES II photos (Canva's free photos/ elements) used are not mine. Credits to the rightful owners.