32

54 1 0
                                        

Nakayakap lang ako sa braso ni Wren habang naglalakad kami at sinasalubong ng buhangin ang mga paa namin. Tapos kinukulit ko siya sa floral print niyang polo. 

"Hindi ba magtatampo lahat ng friends mo?" tanong ko. Kanina kasi may mga activities silang nakaplano na at kinukulit nila si Wren na sumali. Inangat ko ang aking tingin sa kanya tapos tumingin siya sa'kin at ngumiti.

"Magiging okay lang sila at isa pa tinatamad ako." parang bata niyang sabi. Kumunot naman ang noo ko nang matitigan ko ng maayos ang mukha niya parang may maliit siyang sugat sa gilid ng labi niya. Hinawakan ko ito at agad niyang inusog ang mukha niya.

"Ano 'yan?" tanong ko. Kinabahan naman ako agad dahil baka kung ano lang ginawa niya o napano siya.

"Wala lang," sagot niya. 

"May mga bagay talaga na hindi ko dapat kailangan malaman?" patanong kong sabi sa kanya tapos huminto kami sa paglalakad. Naramdaman ko naman ang pagsalubong ng maliliit na alon sa paa ko. 

"Wag mo'ko masiyadong isipin." nakangiti niyang sabi tapos hinila niya ako papunta sa harapan niya. 

"Wag mo rin akong masiyadong isipin, nag-aalala lang naman po ako." inis kong sabi tapos bigla niya akong hinila palapit sa kanya tapos hinalakan ako sa noo. 

"Thank you," pabulong niyang sabi sa tenga ko. 

"Alam mo parang nakita ko si mama," sabi ko tapos hinayaan ko siyang hawiin ang buhok ko na humaharang sa mga mata ko. Hinayaan ko rin siyang pagmasdan lang ako habang nagsasalita. Dati nahihiya ako ngayon gustong gusto ko 'yong sa'kin lang siya nakatingin.

"Parang nakita ko siya dito pero syempre alam kong hindi siya 'yon. Namiss ko lang siguro siya. Hindi ko kasi alam saan sila saktong pupunta." tapos ipinalibot ko ang aking kamay sa may batok niya. 

"Gusto ko na...sanang sabihin kay mama." nakita ko siyang natigilan sandali.  "Tungkol sa'tin. Sabi kasi ni mama kung magkaroon na akong boyfriend o manliligaw dapat kilala niya. Baka nga kung nandito pa si papa hindi ka niya papayagang sumabay sa'kin papuntang University tapos pauwi dahil lalaki ka."

"Bakit pa?" tanong niya at ako naman ang natigilan.

"Para legal tayo kay mama tapos sila tita at tito," sagot ko.

"Hindi na kailangan 'yon."

Ibinaba ko ang aking kamay tapos umiwas ng tingin at pinagmasdan ang mga alon.

"Ganon ba?" tanong ko.

"Oo, dapat enjoy lang tayo. Wag nating masiyadong seryosohin." natatawa niyang sabi. Wag masiyadong seryosohin, ang alin?

"Ang relasyon ba natin?" tanong ko tapos tumingin ulit sa kanya. Nakita ko siyang natulala sandali at hindi ko alam pero parang nasaktan ako sa sinabi niya. Diba kapag papasok ka sa isang relasyon dapat seryoso ka at may paninindigan, 'yon ang sinabi sa'kin ni papa.

"Mga bata pa tayo Laine marami pang pwedeng mangyari," sabi niya. 

"Anong pwedeng mangyari?" tanong ko. Kinakabahan ako baka ang ibig niyang sabihin ay marami pa kaming makikilalang ibang tao. Pwede kaming maghiwalay. Ang sabi sa'kin ni papa wag magmadali para ang taong pipiliin ko ay siya na rin ang makakasama ko habang buhay.

"Kahit ano," sagot niya at tumahimik ako.

"Alam mo kung maghihiwalay lang tayo, ngayon nalang." nakangiti kong sabi tapos tumakbo ako palayo. Baka totoo ang sabi niya mga bata pa nga kami, pero alam ko sa sarili ko na seryoso akong pumasok sa isang relasyon kasama siya. Wala akong naisip na iba o mga baka sakaling mangyari. Naiisip ko na nga agad na makakasama ko siya habang buhay, pero siguro nga bata pa rin lang ako hindi ko pa alam mga iniisip ko. 

Mr. SneezyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon