41

60 5 2
                                    

I dedicate this chapter to you!

Thank you for following and for patiently waiting!

Thank you so much for the support, reads, votes and comments. Highly appreciated. Stay safe and God bless!

--

Hindi ko makakalimutan ang ginawa mo. Ang pag-iwan mo sa'kin. Hindi ko makakalimutan ang lahat ng sakit. 

"Simula ngayon! walang lalapit sa kanya! Walang tutulong at walang makikipag-usap sa babaeng 'to!" hindi ko maintindihan kung bakit bigla siyang nagalit sa'kin. Sinigawan ako sa harap at lahat ng mga kaklase ko. Bigla siyang nagwala at nanira ng mga upuan. Walang kahit sino ang gustong lumapit sa kanya.

Kahit ako, hindi ako makalapit sa kanya habang dinuduro duro niya ako.

"Ano bang ginawa ko Wren! Tama na!" sigaw ko kahit ang totoo ay natatakot ako sa kanya. Lahat naman ay naging maayos pagkatapos ng 18th birthday ko. Akala ko ay kahit may nagawa ang mga magulang namin ay hindi rin maapektuhan ang relasyon at kung anong meron kami.

Pero may mga araw na hindi kami nagkausap at hindi kami nagkaintindihan. Hindi ko na siya malapitan at hindi ko na masabi sa kanya ang lahat. Unti-unti kaming nagkakaroon ng linya sa pagitan namin. Linyang nagpapalayo sa'min sa isa't isa.

"Umaarte ka pang hindi mo alam!" bigla siyang humarap sa'kin. Kitang kita ko ang galit sa kanyang mga mata. Nawala na ang mga ngiti, ang aming tawanan at ang saya.

Sinubukan kong abutin siya pero umaatras siya sa'kin 'yong tipong parang may nagawa ako o may nakakahawa akong sakit.

"Wag kang lalapit sa'kin!" sigaw niya. Tumingin ako sa mga taong nakatingin sa'kin ngayon. Lahat sila ay nandidiri sa'kin sa bagay na hindi ko na naman alam.

"Alam mo ang ginawa mo Laine!" tapos lumabas siya ng classroom. Hinabol ko siya pero may mga humarang sa'kin at hindi ako hinayaang makalapit sa kanya.

"Wren!" pero lumaban ako dahil gusto kong maliwanagan. Bakit biglang naging ganito at paano kami humantong sa ganito.

"Wren mag-usap muna tayo!" sigaw ko at pinilit ko siyang habulin.

"Bitawan niyo ako! Ano ba!" sigaw ko nang may mga humila sa'kin palayo kay Wren. Nagulat pa ako nang may mga nangbato sa'kin na kung anu-anong basura nila.

"Tumigil kayo!" sigaw ko. Naririnig ko ang mga tawanan nila at wala akong nakita kahit isang kaibigan na tumulong sa'kin. Sila Anika at Rose na bigla akong tinalikuran at hindi na kinausap. Mga kaklase kong hindi manlang ako magawang tulungan.

"Ano ba tama na!"

Hindi ko kaya mag-isa 'to. Hindi ko rin kayang mawala si Wren. Kailangan ko siyang habulin, baka kailangan lang namin mag-usap!

"Tumigil kayo!"

Niyakap ko ang aking sarili at tumingin sa sumigaw. Si Trishia, nakita kong tumaas ang isang kilay niya.

"Hayaan niyo siyang habulin si Wren. Wala na naman siyang magagawa," sabi niya at agad akong tumalikod tapos tumakbo nang wala ng humaharang sa'kin.

Mabuti nalang ay naabutan ko pa si Wren sa lumang gate bago pa siya makalabas. Hinawakan ko ang kanyang kamay at pinigilan siyang lumabas.

"Wa.. wag kang umalis, sabihin mo muna sa'kin anong ginawa ko..."

Napapikit ako nang bigla niyang hablutin ang kanyang kamay tapos humarap sa'kin.

"Hindi mo alam?" tanong niya at nararamdaman kong nagpipigil lang siyang saktan ako. Hindi siya ito, hindi siya ang Wren na nakakasama ko. Pero baka galit lang siya ngayon at mamaya ay hihingi rin ng tawad.

Mr. SneezyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon