2

82 5 0
                                    

Pumasok na ako sa loob at una kong nakita ay ang kusina nila. Maganda pala dito sa loob akala ko pati dito nakakatakot. Nakita ko namang tumatawa si mama habang may kausap na isang lalaki at babae na kasing edad lang siguro niya, pakiramdam ko mga kaklase ni mama dati o isa sa kanila?

"Ma." pagtawag ko kay mama at agad naman siyang napalingon sa'kin. Inabot niya ang kamay ko at hinila palapit sa kanya.

"Ito na pala ang anak namin," sabi ni mama at nagbigay galang naman agad ako sa kanila. 

"Malaki na siya!" nakangiting sabi ng babae. Pinaupo naman ako ni mama sa tabi niya. 

"Maganda rin katulad ng mama niya," sabi naman ng lalaki. Napangiwi ako at hinawi ang buhok ko na nakaharang sa mga mata ko. Nahihiya ako at naiilang dito. Tumingin naman ako sa isa pang lalaki, siguro ay anak nila.

"Allen, tawagin mo nga kapatid mo at kakain na tayo ng hapunan, talagang batang 'yon dumiretcho lang agad sa kwarto niya," sabi ng babae. Hinawakan naman bigla ako ni mama sa likod.

"Si tita Alana mo at tito Gwen," sabi ni mama.

"Kaklase ko ang mama at papa mo nong highschool." nakangiting sabi ni tito...Gwen. Hindi ko naman alam ang sasabihin ko kaya tumahimik lang ako at ngumingiti. 

"Kakabalik lang namin ulit dito last week," sabi ni Tito Gwen at nakita ko naman si Tita Alana na may niluluto pa, para namang may okasyon ngayon sa daming nakahanda sa lamesa. Nagugutom na tuloy ako. 

"Ito nga pala, speacialty ko!" sabi ni mama at inilagay sa lamesa ang isang box ng cupcake na gawa niya. 

"Masarap po yan," sabi ko at narinig ko silang tumawa ng mahina. 

"Wren lumabas ka na diyan!" natigilan naman ako sa pangalan na binanggit ni tita. Parang narinig ko na kasi. Napahawak naman ako sa batok ko at bumulong kay mama.

"Ma, nadamihan ko ba ang paglagay ng perfume?" tanong ko. Tinaasan naman ako ng kilay ni mama.

"Bakit?" tanong ni mama. Umiling ako agad at umayos ng upo. Pero para sa'kin mabango ang perfume ni mama kaya kahit ilang pabango na binibili ni mama para sa'kin hindi ko ginagamit. Natulala naman ako sandali dahil sa pagtawa ni mama, may piang-uusapan kasi sila ni tito na hindi ko maintindihan. Hindi ko maiwasang matulala dahil hindi ko pa nakita si mama tumawa ng ganito. Nakita ko na siyang tumawa pero iba ngayon...

"Wren!" sigaw ulit ni tita. "Kumain na tayo."

"Dalawa pala ang anak niyo," sabi ni mama.

"Ay oo itong si Allen college na tapos yong bunso senior high," sagot ni tita tapos umupo na rin siya. Napatingin ulit ako sa anak ni tita, dahil ang gwapo! Kanina ko pa napapansin pero syempre ayokong magpahalata lalo na kung ngumingiti ito tuwing napapalingon sa'kin. 

"Grade 11 naman itong anak ko," sabi ni mama.

"Katulad sila ni Wren! Medyo pasaway 'yon, saan ka ngayon nag-aaral iha?" tanong ni tita. 

"Ahh sa West Gold po," sagot ko.

"Hala, pwede kayong maging kaibigan ng anak ko, parehas rin kayo ng University." nakangiting sabi ni tita.

"Bakit ang tagal niyong nakabalik dito sa'tin?" tanong ni mama.

"Mahirap kasi sa ibang bansa at ngayong wala na sila nanay at tatay, kailangan nila kami," sagot ni tito.

"Ay hala, si Manong Henry at si Manang Susan?" gulat na tanong ni mama. "Sorry hindi ko alam." 

Mas lalo tuloy akong nailang dahil wala akong alam sa pinag-uusapan nila. Nakita ko namang hinaplos ni tita ang likuran ni tito. Namiss ko tuloy si papa, kaming tatlo na kumpleto pa. 

Mr. SneezyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon