Pumunta kami ng bonfire at tahimik lang ako. Hindi ko magawang makapagsalita dahil sa nakita at nalaman ko kanina. Pinatay ko ang aking cellphone para hindi ko mabasa ang mga messages ni mama at tawag na nag-aalala siya sa'kin.
"Tumawag pala si papa," sabi ni Wren tapos itinapat sa'kin ang phone. Tumango lang ako sa kanya dahil bakit parang ako ang mas natatakot sa ginagawa nilang dalawa. Nakita kong pinatay niya ang kanyang cellphone tapos pinagmasdan ang mga fire dancers tapos lumilibot sa bonfire. Inakbayan niya ako tapos ipinasandal niya ang ulo ko sa balikat niya.
"Magsalita ka naman Laine." pabulong niyang sabi.
"Wren." pagtawag ko sa pangalan niya.
"Hay, salamat bee." Napangiti naman ako sa sinabi niya.
"I love you," sabi ko.
"I love you too," sagot niya. Ang gumugulo sa'kin ngayon ay kung sasabihin ko ba sa kanya? Hindi pala ako nagkakamali nakita ko nga talaga si mama dito. Lumibot ang tingin ko sa paligid lalo na sa mga kaibigan niya. Alam ba nila o baka dahil sa sobrang takot ko ay kung anu-ano na ang iniisip ko.
"Nilalamig ka ba?" tanong niya tapos niyakap ako habang nakasandal pa rin ako sa kanya.
"Hindi ikaw?"
"Nandito ka," sagot niya. Tapos naramdaman ko ang paghalik halik niya sa ulo ko.
Sasabihin ko ba sa kanya o hindi. Mahirap talaga kalabanin ang sarili. Hindi ako makapagdesisyon ng maayos. Hindi ba sila nahihiya sa ginawa nila. Hindi ko inaasahang papatulan ni mama si Tito Gwen, alam niyang may pamilya na ito.
"Inuman raw mamaya Wren sama ka?" Umiwas ako sa yakap niya nang may nagsalita si Kent.
"Sa pub. ano?" nakangising tanong niya pero agad ring napawi nang lumipat niya ang tingin sa'kin.
"Isama mo na rin si Honey," sabi niya.
"Pwede ba?" tanong ni Wren tapos tumingin sa'kin.
"Hindi ko alam, ikaw?" patanong kong sagot. Tumawa siya ng mahina tapos umiling kay Kent.
"Enjoy nalang kayo," sabi niya tapos hinawakan ang kamay ko.
"Umiinom ka pala?" tanong ko.
"Oo, nong maliit nga kami pinatikim na sa'min ni lola ang pinakamasarap at paborito niyang wine," sagot niya. Tumango naman ako tapos ngumiti.
"Okay lang naman sumama ka, hindi kasi ako makakasabay sa mga ganyan," sagot ko.
"Hindi na, dito lang ako kung hindi ka naman kasama ron at isa pa matampuhin ka baka ano lang isipin mo." tapos ginulo niya ang aking buhok. "Bukas daan tayo sa sand bar nila."
"Oo gusto kong dumaan roon kanina." parang bata kong sabi
"Ikaw kasi hilig mo ng awayin ako tignan mo tuloy mga mata mo," sabi niya tapos bigla naman akong napapikit nang halikan niya ang magkabila kong mga mata.
"Ako pa ngayon ikaw nga nauuna," sabi ko. Ngumiti lang siya tapos sumandal sa'kin. Hindi ko na muna inisip si mama tapos pinagmasdan ang mga apoy na sumasabay sa tugtog at sayaw. Ang ganda lang pagmasdan. Nakita ko naman ang iba kong mga kaklase na sumabay sa mga dancers tapos naghihiyawan ang iba. Hindi ko na muna iisipin si mama pero nararamdaman ko pa rin ang sakit sa puso ko sa nakita ko.
"Umiiyak ka na naman?" bigla siyang umupo ng maayos tapos inabot ang aking pisngi at dahan-dahan niya akong iniharap sa kanya. Pinunasan niya ang aking mga luha gamit ang kanyang daliri. Hindi ko napansin ang pagtulo ng mga luha ko ulit.
"Wala masakit lang mga mata ko," sabi ko.
"Laine, may iba bang problema?" tanong niya at hindi ko maiwasang kabahan ulit dahil sa tanong niya. Gusto ko ng umuwi tapos gusto ko na ring pauwiin si mama. Hindi dapat niya ginagawa ito. Kahit iba nalang wag si Tito Gwen.

BINABASA MO ANG
Mr. Sneezy
Romance"Honey, you don't want me mad!" - Mr. Wren Kyle Almazan MISTER SERIES II photos (Canva's free photos/ elements) used are not mine. Credits to the rightful owners.