54

71 4 0
                                    

"Patawarin niyo ho ako, kung nakalimutan ko po kayo." kahit nahihirapan akong magsalita kahit hindi ko man maibigkas ng maayos ang aking mga sinasabi ay alam kong naririnig ako ni papa God. Alam kong nasa tabi ko siya, palagi kahit wala na ang mga taong mahahalaga sa'kin. Kahit man inalis sa'kin lahat. Nakalimutan ko na hindi niya ako papabayaan at nakalimutan kong isipin na lahat may rason. Siguro at maaari na hindi ko nakalimutan ang mga 'yon dahil ang totoo ay tinalikuran ko siya. Naniniwala ako na hindi ko deserve na mangyari 'to sa'kin. 

"Patawarin niyo ho ako." sana ay naririnig pa niya ako at naririnig pa niya ang mga gustong sabihin ng puso ko. Ilang araw lang ako dito sa hospital napagtanto kong ayaw ko palang mamatay. Dahil masama at masakit man ang nangyari sa'kin. Alam kong may kagandahan pa rin sa mundo na hindi ko pa nakikita at gusto kong makita.

"Gusto ko pa hong mabuhay," bulong ko habang nakatingin sa altar. Nakalimutan kong tumakbo sa kanya. Palagi kong nadadaanan ang simbahan sa'min pero nilalampasan ko lang. Nakalimutan ko ang mga tinuro nila mama at papa dahil sa galit. 

"Maraming salamat po na gising pa po ako," sabi ko at hindi ko napigilan ang aking ngiti. Akala ko ay tuluyan na akong lalamunin at kakainin ng dilim. Ayoko palang sumama, ayoko pang mawala. Marami pa pala akong gustong gawin.

"Mahal ko pa rin si mama at miss na miss ko na po siya, sorry po kung hindi ko siya nagagawang dalawin," sabi ko at hindi ko na napigilan ang aking hagulhol. Anong desisyon man ang mga ginawa nila at pinili nilang mawala sa'kin, ayos lang pala dahil hindi naman talaga ako napabayaan. May bahay pa rin akong inuuwian. May mga taong kahit alam kong iba ang intensyon pero at least nandiyan sila. Si Kaye na palaging nakangiti kahit hindi siya nakaranas ng pagmamahal kumpara sa'kin. "Maraming salamat po." hindi ko man makita ngayon ang liwanag siguro baka bukas. Kaya ayoko na hong magmadaling mamatay. Gusto ko pang mabuhay. 

"Gustong gusto ko na pong maging teacher." Natatawa ako sa'king sarili. Dahil marami akong pangarap na nabuo sa gitna ng dilim na pinasok ko. Lahat ng 'yon ay pwede ko pa palang gawin. 

"At--ate.." Lumingon ako sa likuran ko si Kaye. Makakalabas na rin ako ng hospital, sa wakas. Nabuhay pa ako. Pero alam kong hindi pa ako magaling at kailangan ko ng tulong, pero mag-uumpisa ang lahat ng 'yon sa'kin. 

"Ate." Inabot niya bigla ang cellphone sa'kin at natulala ako sandali bago ko punasan ang aking luha. 

"Bakit mo siya chinat?" gulat kong tanong. Hindi ko akalaing magpapadala siya ng mensahe kay Wren! Pumunta ba siya dito sa hospital? Paano? Naalala ko bigla ang gabi na ini-stalk at kwinento ko lahat kay Kaye. Pero napansin niya talaga ang messages ni Kaye?  Hindi naman sa nag-iisip ako ng mga mababa sa'min, pero malayo na talaga kumpara sa'min. Sikat at malabong mapansin niya si Kaye.  

"May bumisita pala sa'yo kahapon, kaso hindi ka pa nagigising. Mga kaibigan mo rin nong gabi bumisita." Tumingin ako kay mama. Ngayon wala na akong galit pero hindi ko sila hahayaang ibenta ang bahay. Isa pa ilegal ang ginagawa nila. Kung paano man ang proseso kailangan kong lumaban kahit konti lang ang kaalaman ko. Amin ang bahay na'yon pinaghirapan ni papa.

"Salamat po tita," sagot ko. "Sino po pala bumisita kahapon?"

"Boyfriend mo siguro na hindi sinasabi sa'kin," sagot ni tita at natigilan ako sandali. Bakit umaasa ako na sana si Wren ang bumisita sa'kin.

"Hindi ko gusto ang batang 'yon, bastos magsalita at parang inaaway pa ako," sabi ni tita tapos hinablot si Kaye bigla. "Halika na anak, kailangan mong magpahinga pa muna."

Sumunod ako sa kanila at nakita ko si tito.

"Puro problema, kung alam ko lang na katulad ka lang ng kapatid ko." inis niyang sabi bago kami maglakad lahat.

Mr. SneezyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon