33

39 1 0
                                    

"Bagay ba sa'kin?" nakangiting tanong ni Rose habang umiikot siya. Tumango naman at sumang-ayon kaming lahat. Ang ganda ng dress niya syempre pati rin kaming lahat ay nagpalit para sa bonfire ngayong gabi. 

"Anong nangyari sayo Honey namumugto mga mata mo." natatawang sabi ni Rose nang lumapit siya sa'kin tapos nakisalo sa'kin ng salamin. Dahil lang sa away namin kanina ni Wren ay namugto ang mga mata ko. Hindi ko na nga gustong isipin pa ang topic na 'yon. Sinuklayan ko lang ang buhok ko tapos hinintay ko silang matapos na mag-ayos. 

"Try mo magmake up Honey, gusto mo ayusan kita?" tanong ni Lily. Umiling naman ako agad bilang sagot. Hindi naman ako mahilig at isa pa ayaw ni Wren sa may mga make up. Isang beses nga nagsuot ako ng lipstick hindi niya nagustuhan. 

"Iba talaga just keeping it natural," sabi ng isa naming kasama dito sa room. Ngumiti lang ako sa kanila tapos tinignan ulit ang sarili ko sa salamin. Nang matapos sila ay lumabas na kami at nasa labas na pala si Wren tapos may kasama siyang isa na boyfriend pala ng kasama namin. 

"Mauna kami!" sigaw ni Rose tapos kumaway lang ako sa knila. Naiwan kami ni Wren tapos 'yong kasama namin at ang boyfriend niya. Natulala naman ako sandali nang bigla silang maghalikan sa harapan namin tapos lumakad na palayo na magkahawak kamay. 

"Laine." Lumingon ako kay Wren tapos agad akong humakbang paatras ng inilapit niya ang kanyang mukha sa'kin. 

"Tara na." natatawa niyang sabi tapos hinawakan ang kamay ko. 

"Gusto mo bang dumaan muna sa garden gusto mong mapapicture don diba?" nakangiting tanong niya sa'kin. Tapos kinurot niya ang pisngi ko.

"Hindi ka na ba galit?" parang bata niyang tanong sa'kin tapos sumakay na kami ng elevator.

"Oo gusto ko," sagot ko tapos yumakap ako sa braso niya. "Pero inaantok ako Wren."

"Ako rin," sabi niya. Nang lumabas kami ng hotel ay naglakad kami agad papunta sa garden nila rito. Okay na sana kaso biglang dumating si Trishia. 

"Pwede ba akong sumama sainyo saan kayo papunta?" tanong ni Trishia nang makalapit siya sa'min. Tumingin naman ako kay Wren na nakatingin sa kanya. Baka nagagandahan na siya sa babaeng 'to.

"Wala ka bang ibang pwedeng samahan?" tanong ni Wren. "Baka maging istorbo ka lang sa'min Trishia." 

Napaawang ang labi ko sa sinabi ni Wren.  Nakita ko namang ngumuso si Trishia.

"Ganon ba?" tanong niya tapos tumingin sa'kin. Halatang masama ang tingin niya sa'kin. Napabuntong hininga ako.

"Sumama ka kung gusto mo," sabi ko tapos hinila na si Wren palapit sa'kin at palakad. 

"Takbuhan natin?" pabulong na tanong sa'kin ni Wren.

"Wag na," sagot ko tapos nginitian siya. Bahala siyang maging sunod sunuran sa likuran namin. Alam naman niyang dalawa lang kami talagang makikisingit pa siya. Pagkarating namin sa garden ay sa sobrang ganda ay nakisuyo kami kay Trishia na kunan kami ng picture. Tutal sumama naman siya dito sa'min.

"Salamat Trishia." nakangiti kong sabi tapos inabot naman niya sa'kin pabalik ang phone ko. Tinignan ko agad ang cellphone ko. Malabo lahat. 

"Ang panget naman," sabi ko.

"Wag mo akong sisihin, sisihin mo ang phone mo. Low quality, at isa pa gabi na." mataray at maarte niyang sabi. Inirapan ko naman siya.

"Sa'kin nalang Trishia, isa pa." Inabot naman ni Wren ang phone niya. Natuwa naman ako tapos nagpose ulit kasama si Wren. Marami na talaga kaming hindi makakalimutan na memories kaya kung maghiwalay kami ay hindi ko na alam.

Mr. SneezyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon