Sinamahan kami ni tita sa taas para sa kwarto na pwede naming matulugan ni mama. Pati dito sa taas ay may sofa sila at napakarami rin ng pinto. Baka mawala na naman ako mamaya. Natuwa naman ako nang maramdaman kong ang lambot ng higaan.
"Ayos lang ba kayo dito?" tanong ni Tita.
"Naku Alana, salamat sainyo," sagot ni mama. Nakita ko namang ngumiti si tita.
"Oh sige maiwan ko na kayo ah, kung kulang pa sainyo ang kumot nasa cabinet lang." tapos lumakad na palabas si tita. Humiga naman ako agad sa tabi ni mama. Ngayon lang ulit kami magkakasama ni mama matulog. Dahil iba naman ang kwarto ko sa bahay, nang tumungtong ako ng junior high pinaayos nila ang isang bakanteng kwarto para sa'kin.
"Ma, namiss kita," sabi ko kay mama at tumawa siya ng mahina.
"Naku itong dalaga ko, baby pa rin," sabi ni mama. tapos niyakap ako. Hindi ko alam pero nalulungkot talaga ako kapag malayo ako sa bahay o hindi ako doon matutulog.
"Miss ko na rin si papa," sabi ko.
"Honey..."pagtawag ni mama sa pangalan ko. Alam ko namang ayaw na ni mama na binabanggit ko si papa, dahil mas lalo lang siyang nalulungkot.
"Sorry po," sagot ko.
"Matulog ka na, maaga tayo bukas dahil uuwi pa tayo. Sana humina na o tumila ang ulan," sabi ni mama. Tapos tumango naman ako at hunila ang kumot. Malamig.
Ipinikit ko naman ang mga mata ko at pinilit na makatulog. Tuwing uulan sa gabi naalala ko lang kung paano nawala si papa.
"Gumising ka na diyan Honey!" narinig ko ang sigaw ni mama kaya napilitan akong buksan ang mga mata ko. Naging masarap rin pala ang tulog ko. Nag-inat ako at tinignan ang sarili ko sa salamin. Inayos ko lang ang aking mahabang buhok tapos sumunod na kay mama.
"Banyo lang po ako," sabi ko kay mama at tumango lang si mama tapos nauna na siyang bumaba. Dumiretcho muna ako sa banyo nila, hinanap ko pa muna.
Naghilamos lang ako tapos lumabas na rin ako at bumaba na. Pagkarating ko sa sala ay hinanap ko si mama agad. Nakita ko naman siya sa kusina kausap sila tita. Pupunta na sana ako doon nang may narinig akong tugtog ng gitara.
Napatingin ako sa mga pinto, saan nanggagaling ang tugtog? Ngumuso ako at napaisip kung isa ba sa anak nila tita ay marunong maggitara. Pero baka guni-guni ko lang hindi kasi ako sigurado sa naririnig ko dahil parang malayo ako sa kung nasaan ang tugtog.
"Good morning po tita, tito!" pagbati ko nang makalapit ako sa kusina. Tapos umupo sa tabi ni mama.
"Good morning iha, naku mabuti ka pa binati kami." natatawang sabi ni tita at nahiya tuloy ako.
"Nasaan na sila Allen at Wren tulog pa ba? aba, may mga pasok sila," sabi naman ni tito.
"Naku si Allen hindi pa umuuwi, si Wren hindi ko alam ano pa ginagawa alam mo namang hindi kumakain sa umaga 'yon pero mabuti naman at hindi na siya mainit," sagot ni tita tapos umupo na rin siya. Inasikaso naman ako ni mama.
"Talagang mga anak ko pasaway," sabi ni tito.
"Ganoon talaga minsan ang mga kabataan," sagot ni mama. Tapos sabay-sabay na kaming kumain. Kaming apat lang wala ang mga anak nila.
"Matagal rin kaming nawalay sa kanila kaya hindi ko pa alam kung paano sila iintindihin, anong klaseng ugali meron sila.." sabi ni tita. Oo nga pala narinig ko kagabi na nagtrabaho sila sa ibang bansa. "Nasanay rin kasi sila sa lolo at lola nila."
Namiss ko tuloy sila nanay at tatay sa probinsya. Kailan kaya kami makakabalik doon para bumisita? miss ko na mga pinsan ko. Tapos sa side naman ni papa, si lolo nalang, close rin ako sa kanya.

BINABASA MO ANG
Mr. Sneezy
Romantik"Honey, you don't want me mad!" - Mr. Wren Kyle Almazan MISTER SERIES II photos (Canva's free photos/ elements) used are not mine. Credits to the rightful owners.