36

42 1 0
                                    

Ilang araw ang lumipas simula nang makauwi kami galing sa resort. Sabi ko kay Wren na ilagay nalang natin sa ibang araw ang plano namin, dahil talagang hinihintay ko si mama na dumating para tanungin siya. Sabihin lahat ng gumugulo sa isipan ko. 

Wren bee:

I love you. bored. 

Honey bee:

ako rin :3 i miss you

Wren bee:

Asan i love you too ko? :3

Honey bee:

I love you too 

Wren bee:

yehey!

Honey bee:

asan i miss you too ko?

Wren bee:

i miss you too, pwede ka bang lumabas mamaya?

Honey bee: 

Opo! 

Pinatay ko naman ang cellphone ko nang bumukas ang aming pinto. Si mama nandito na. Marami siyang bitbit kaya tumayo ako para tulungan siya. Nakikita ko rin siyang nakangiti. Nauna akong makauwi sa kanya, iniisip ko kung saan pa sila ni Tito Gwen nagpunta.

"Marami po kayong dala ah," sabi ko tapos lahat ay inilagay ko lang muna sa sala namin.

"Ay oo anak, nako may mga pasalubong rin ako sa'yo sigurado akong magugustuhan mo," sabi niya tapos umupo sa sofa. Pumunta naman ako ng kusina para kunan ng tubig si mama. Pagkasilip ko sa bintana ay may isang sasakyan pero paalis na rin ito. Bumalik ako kay mama tapos inabutan siya ng tubig.

"Salamat anak, kumusta naman ang lakad niyo?" tanong niya.

"Maayos naman ma," sagot ko. Nakita kong marami nga siyang pasalubong nadala. Hindi gaano kalakihan ang sweldo ni mama at hindi ko pa siya nakitang bumili ng ganito karami kahit nang nandito pa si papa. 

"Sino nga po ulit mga kaibigan niyong kasama?" tanong ko tapos nakita ko siyang natigilan. 

"Ahh sila --" hindi ko siya pinatapos na magsinungaling.

"Ma, tigilan niyo na po 'to," sabi ko. Kumunot ang noo ni mama sa'kin pero ngumiti rin agad.

"Anong ibig mong sabihin anak?" tanong ni mama.

"Alam niyo na po ang ibig kong sabihin ma, layuan niyo po siya." tapos ay umakyat ako ng hagdan.

"Honey! Honey!" pagtawag ni mama ng pangalan ko at naramdaman ko ang pagsunod niya sa'kin hanggang sa kwarto ko pero hindi ko siya pinansin. 

"Anong ibig mong sabihin anak, sino ang lalayuan ko?" tanong niya tapos humarap ako sa kanya.

"Ma wag niyo na pong itago sa'kin. Kahit sino nalang po wag lang siya, hindi rin matutuwa si papa," sabi ko tapos napailing-iling. Sobrang disappointed ako kay mama, wala akong karapatan dahil oo marami siyang ginawa para sa'kin pero hindi ko mapapalagpas itong ginawa ni mama.

"Anak.."

"Ma, may asawa po at mga anak ang pinatulan niyo, kung ayaw niyo hong makinig sa'kin lumabas na po kayo ng kwarto. Hindi ko siya gusto ma. Makikinig ka naman sa'kin ma diba dahil anak mo'ko. Alam mo rin naman siguro ang mararamdaman ng pamilya niya." nakita kong umiwas ng tingin si mama tapos pumikit ng mariin. 

"Hindi mo naiintindihan anak.." 

"Wala akong dapat intindihin ma, may pamilya na ang tao kaya dapat layuan mo. Umiwas po kayo sa gulo ma." pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko. Ano pa ang dapat kong intindihin? 

Mr. SneezyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon