"Anak ikaw na ba 'yan?" hindi ko napigilan ang aking luha nang magsalita si mama. Sabi ng mga nag-aalaga sa kanya dito hindi raw siiya nagsasalita, hindi makausap. Ngayon lang na nakita niya ako. Hindi ko akalaing mapupunta dito si mama pagkatapos sa bilibid dito naman. Kailangan ni mama ng tulong dahil nawala na rin siya sa tamang pag-iisip. Nawalan siya ng trabaho, iniwan siya ng sinasabi niyang mahal niya at nakulong. Sino ang hindi mababaliw?
"Ang anak ko oh! Ang anak ko!" pagsisigaw ni mama habang hinahawakan ako sa braso at pinapakilala sa lahat. Mga kapatid ni papa ang tumulong sa kanya, maswerte pa naman si mama sa mga tinalikuran siya dahil kahit papaano ay naawa sila kay mama.
"Anak ko!" bigla niya akong yinakap ng mahigpit. Sa totoo lang ay ayokong pumunta dito pero pinilit ako ni mama. Pinilit ako ni Tita na bisitahin ang totoo kong mama. Ang gulo na ng buhay ko, hindi ko na alam kung ano ang realidad.
"Dito ka na ba titira, kasama ko?" natutuwa niyang sabi. Bigla niyang inabot ang aking pisngi at pinunasan ang luha ko.
"Bakit ka naiyak? wag ka iyak!" nakangiti niyang sabi. Huminga ako ng malalim at umuling tapos itinaboy ang kamay niya.
"Gusto lang ho ni tita na makita ko kayo," sabi ko pero alam kong hindi niya ako maiintindihan.
"Anak, laro tayo! Laro tayo kasama papa mo," sabi niya. Hinayaan ko lang si mama at nanatili lamang ako sa tabi niya hanggang sa matapos ang oras ko dito sa hospital. Gusto ko nangang matapos agad ang visit hours ko. Ayokong makita si mama na naging ganito. Hindi kami dapat andito. Hindi kami dapat ganito.
2nd year college na ako at nandito pa rin siya. Kawawa hindi manlang makabangon.
"Ano nga ulit ang klase na pag-ibig 'yon ma?" tanong ko habang hinahaplos ang kanyang buhok. Hinihintay ko lang siya ngayon na makatulog. "Ngayon, ikaw lang ang naging kawawa."
Ang daya na si mama lang ang nasasaktan ngayon. Bigla siyang nagising at umupo sa pagkakahiga.
"Alam mo si Gwen, crush ko 'yon nong high school," sabi niya tapos kinukusot pa niya ang kanyang mga mata.
"Ma matulog na ho kayo," sabi ko.
"Sabi niya ako papakasalan niya, pero ayaw ng mga magulang niya sa'kin." Naalala ko tuloy ang unang araw na bumisita kami sa pamilang Almazan. Sana hindi nalang nangyari 'yon. Sana nga hindi na rin sila nagkakilala.
"Kaya nagpakasal siya sa iba, ang daya dahil hinintay ko siya.." natutuwa niyang sabi. Hindi ko siya maintindihan kung bakit nagagawa pa rin niyang ngumiti. Oo nga pala wala na siya sa tamang pag-iisip.
"Pero bumalik siya sabi niya mamahalin at ipaglalaban niya ako," sabi niya tapos yinayakap ang unan.
"Babalik siya... babalik.." nakakalungkot lang na hindi niya na magawang ikwento sa'kin si papa. Puro nalang tito Gwen. Hinintay ko ulit siyang makatulog tapos ay umalis na ako.
"Wag mo nga akong hawakan!" sigaw ko kay Edward nang hablutin niya ang aking braso. Kahit nga malayo pa siya sa'kin ay nasusuka at nandidiri na ako. Nakita ko lang siyang ngumisi tapos umiling-iling. Hindi ko alam kung bakit sa kanya pa ako pinasabay ni tita. Nakakainis.
"Sasakay lang ako ng taxi pabalik," sabi ko pero hinawakan niya ang kamay ko. Tinitigan ko siya agad ng masama. "Bitawan mo'ko!"
"Wag kangang sumigaw haha akala mo naman may gagawin akong masama sayo, ang bilin sa'kin iuuwi kita." natawa ako ng mahina at itinulak siya.
"Wala ba?" inis kong tanong at lumakad ng mabilis palayo sa kanya.
"Bahala ka!" rinig kong sigaw niya. Umirap lang ako at tinignan ang cellphone ko. "Kapag hindi ka umuwi patay ka sa tatay mo!" hindi ko lang siya pinansin kahit ilang beses siyang sumigaw ng sumigaw para tawagin ako. Ayokong sumabay sa mga taong kagaya niya.
BINABASA MO ANG
Mr. Sneezy
Romance"Honey, you don't want me mad!" - Mr. Wren Kyle Almazan MISTER SERIES II photos (Canva's free photos/ elements) used are not mine. Credits to the rightful owners.