56

96 4 0
                                    

"Laine masakit!" sigaw niya sa'kin at wala akong pakealam kung ilang tao ang dumaan daan dito sa'min at makakita sa'min! Anong karapatan niya para dalhin ako sa ganitong hospital! Hindi ko rin alam na mangengealam siya sa'kin! Ilang ulit ko siyang sinuntok at pinalo. Wala akong pakealam sa mga sasabihin niya.

"Laine ano ba!" sigaw niya at hinuli ang aking mga kamay tapos niyakap. Hindi ko maiwasang tumingin sa ibang taong dumadaan at tumitingin sa'kin. Sa kinikilos at pinapakita ko parang mas malala pa ako sa kanila. Akala ko ay titigilan na niya ako, pagkatapos sa grocerries at sa pagbisita kay mama. Akala ko hanggang don lang 'yon. Humingi siya ng tawad sa'min ni mama at wala na siguro akong mahihiling pa kaya bakit niya ginagawa sa'kin 'to.

"You needed help..and I can't help you by myself, Laine," bulong niya sa'king tenga. Umiling ako at itinulak siya pero nahuli niya agad ang isang kamay ko.

"You needed this," sabi niya. Tinitigan ko siya sandali. Umiling ako.

"Hindi ako nababaliw Wren," sagot ko.

"Hindi 'yan ang gusto kong sabihin sa'yo Laine. Hindi lahat ng nandito ay baliw, hindi lahat ng pumupunta dito ay kawawa. Nandito lang tayo para humingi ng tulong at gabay. You needed that peace in your mind." 

Pumikit ako ng mariin at hinablot ang kamay ko.

"Ayoko Wren, mas masisiraan ako ng bait kung ipipilit mo sa'kin 'to..Hindi ko kailangan ng tulong sa kahit anong doktor o psychologist dito! Hindi ko kailangan ng counseling o therapy!" sigaw ko. "Bakit hindi mo muna ako tanungin bago mo ako dalhin dito! Ayoko ng binibigla ako Wren!"

Hindi ko kailangan ng lahat ng 'to. 

"Im sorry, let's go home.." tapos hinawakan niya ulit ang aking kamay at sabay kaming lumabas ng building. Nakahinga na ako ng maluwag nang tuluyan na kaming nkalabas at nasa harapan na kami ng sasakyan niya.

"Gusto kong puntahan si mama," sabi ko. Hindi ko nga alam maliban dito, bakit hindi pa niya ako nilalayuan. Marami siyang inaayos sa'kin kasama na ang bahay namin. Minsan nahuhuli kong nasa labas pa ang sasakyan niya habang matutulog na ako sa bahay namin. 

"Wala ka bang importanteng gagawin?" tanong ko nang makapasok na kami at ulit ay inayos niya ang seat belt ko para sa'kin.

"Mas importante ka," sagot niya. Sana nagkamali lang ako ng dinig. Maingay rin kasi ang kalsada. Sana nga mali ako ng iniisip at 'yon lang dapat ang isipin ko na palagi akong mali, para hindi ako umaasa.

"Sa University niyo? sa course mo?" tanong ko ulit. Pinaandar niya muna ang sasakyan bago ako sinagot.

"Don't worry, Im doing good in my studies." 

"Baka lang kasi..nakakaistorbo ako," sagot ko sinabi niya. Hindi ko rin naman kasi pipilitin ang sarili ko lalo na isa akong malas diba? kahit ano man ang sabihin niya ngayon. Malas pa rin naman ako diba? Pero pipilitin ko namang lumaban kahit wala ng tumulong sa'kin. Dahil rin sa kanya hindi pa ako nakakahanap ng trabaho. Kailangan makahanap ako bago ulit magbukas ang pasukan.

"You're not, believe me," sabi niya at itinuon ko na ang aking pansin sa daan.

"Pwede mo na akong iwan ng tuluyan pagkahatid mo sa'kin kay mama," sabi ko ng hindi tumitingin sa kanya. Hindi ko rin naman kasi siya makausap ng matino pagdating sa mga ganito. Ayokong kaawaan niya ako pang habang buhay. 

"Im not going to do that. Not again, Laine. Just please..." Tumingin ako sa kanya at nakita ko ang pagpikit niya ng mariin sandali.

"Ginugulo mo lang kasi isipan ko ngayon Wren..masasanay na naman ako." Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil pisil ito. Tapos hindi na siya nagsalita. Para ngang wala siyang narinig. HIndi kasi natin masabi ang panahon eh. Paano ba talaga ang mga susunod na araw. Makakaya ko ba? makakaya ko ba ulit mag-isa?

Mr. SneezyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon