51

65 3 0
                                    

"Napapansin mo ba si Lyn parang nawawala nalang bigla," sabi ni Rea habang kumakain kami ng banana cue papunta sa tambayan namin dito sa University. 

"Eh palagi naman 'yon nawawala tuwing vacant natin kasi nga diba may work siya?" sagot ko naman. Magaan ang pakiramdam ko ngayon dahil naalala ko ang yakap niya sa'kin. Para akong lumulutang ulit sa tuwa. Pero alam ko namang hindi magtatagal 'to. Masasaktan o iiyak na naman ako mamaya. 

"Sabagay, pero basta napapansin ko lang haha." 

"Chesmosa ka kasi!" sigaw ko tapos nagtulakan lang kami. Habang naglalakad ay nagkwekwento rin siya tungkol kay Wren. 'Yong mga viral videos nito, kung gaano siya kasikat pero wala ang sinasalihan na kahit anong agency kahit sa tito nito. Bakit kaya gusto naman talaga niya maging singer pero naalala ko rin na gusto niya maging Architect. Naalala ko pa talaga lahat. 

"Kapag wala si Lyn, nahihirapan talaga tayo," sabi ni Rea nang makaupo na kami sa pwesto namin dito sa tambayan. 

"Nandito lang pala kayo!" napatingin kami sa sumigaw si Jackson lang pala.

"Wala si Lyn ngayon," sabi ko tapos nakita ko siyang ngumuso. 

"Sinasagot ka na ba?" natatawang tanong ni Rea.

"Study first muna raw eh," sagot niya. 

"Sus, wag kayo magpadala sa ganyan, kung jojowain eh di jowain na!" sigaw ni Rea habang natatawa. 

"Hindi nga kayo nagkatuluyan ni George eh!" sigaw ko sa kanya tapos kinuha ang phone ko sa bag. Naalala kong hiningi pala niya ang number ko dahil may isang message na siya. Pinapaalala lang niya ang kasunduan namin. Magkikita kami sa West Gold. Hindi ko alam kung kaya ko bang balikan ang napakasakit na lugar na 'yon. Pero siguro matagal na rin naman nangyari 'yon kaya, baka wala na. Alaala na rin lang ang lahat ng sakit.

"Eh ano naman?" nakangising tanong ni Rea. 

"Jackson tulungan mo nalang kami sa assignments!" sigaw ko kay Jackson tapos nakita ko lang siyang napakamot sa ulo pero tinulungan niya kami. Bagay talaga sila ni Lyn, parehas magaling sa klase. Mas magaling nga lang ang kaibigan namin kaso busy palagi. Kaya malabo ring magkalove life 'yon. 


Pagkatapos ng klase ay naghiwalay na kami agad ni Rea dahil kailangan ko na rin kasing umuwi agad. Magpapalit lang naman ako tapos susunduin na rin ako ni Wren. Hindi ko pa nga alam ang susuotin ko pero marami naman akong dress na hindi ko na sinusuot. Hindi ko alam kung babagay pa ba sa'kin. 

"Ate!" sinalubong ako ni Kaye sa may pinto tapos yinakap niya ako.

"Uma--li--lis pa--pa..la-layo!" sabi niya tapos tumango lang ako. Siguro may seminar 'yon sakto rin dahil marami akong lakad ngayon. 

"Si mama?" tanong ko sa kanya. 

"Ku--kusi--na..hi--hintay!"

Ginulo ko naman ang buhok ni Kaye. 

"Gumagaling ka na magsalita," sabi ko tapos hinalikan siya sa noo. Nakasalubong rin namin si Edward, ngumisi lang siya tapos lumakad palayo sa'min. Mabuti naman hindi niya ako kinausap. Nakakairita talaga ang pagmumukha niya!

"Ma, alis po pala ako ngayon," sabi ko kay mama nang makapasok ako sa kusina.

"Saan naman?" tanong ni mama habang nagluluto siya. Naalala ko tuloy si mama. 'Yong mga cupcakes niya ngayon wala na. 

"Kasama lang po kaibigan ko, susunduin niya po ako maya-maya," sagot ko.

"Sino namang kaibigan baka boyfriend mo na ah," sabi ni mama. Ngumiti lang ako tapos umiling.

Mr. SneezyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon