26

45 1 0
                                    

After class ay hinintay ko siya sa labas ng building. Baka late raw sila makalabas dahil may pop quiz sila. Naalala ko sabi ni papa, hindi ko raw dapat hayaan na ako ang paghintayin. Natawa ako ng mahina, dahil naalala ko dati kung late sa date namin si papa ay todo hingi siya ng tawad at suyo sa'min ni mama. Namiss ko lang ang mga sandaling 'yon. Bata palang ako ay pinuno na ako ng pagmamahal nila mama at papa. 

"Ho..Honey?" tumingin ako sa biglang lumapit at tinawag ang pangalan ko. Ngumiti naman ako tapos binaling ang atensyon ko sa hawak niyang rose na nakabalot sa isang makulat na papel. 

"Happy Valentines Honey, sana ay tanggapin mo," sabi niya tapos yumuko pa siya habang inaabot sa'kin ang rosas. Tinanggap ko naman agad, iilang chocolates nga lang ang nadala ko sa'kin dahil sa sobrang rami ay 'yong iba hinayaan ko na ang mga kaklase kong kunin nila. Alam kong bigay sa'kin pero hindi ko sila kayang dalhin lahat. 'Yong iba naman ay doon ka lang muna itinago. Baka bukas ko na rin dalhin ang iba.

"Salamat po," sabi ko.  Senior high student rin siya dahil sa uniform na soot niya. Akala ko ay aalis na siya nang bigla siyang nagsalita ulit.

"Pwede ba kitang ilabas?" tapos naririnig ko ang panginginig ng tono ng kanyang boses. Natigilan ako sandali. "Kung hindi, ayos lang talaga." 

"Sorry po," sabi ko. Ngumiti lang siya tapos lumakad na palayo. Huminga ako ng malalim tapos napatulala sa rosas. Naalala ko si papa, hinahayaan niya kami ni mama pumili ng bulaklak na gusto namin. Nakakamiss talaga si papa. Hinawi ko ang aking buhok na biglang humarang sa mukha ko dahil sa hangin na biglang dumaan. 

"Laine!" napangiti naman ako sa boses na narinig ko. Kumakaway pa siya gamit ang notebook niya. Lumakad naman ako tapos siya tumakbo palapit sa'kin.

"Salamat sa paghintay, sorry rin." natatawa niyang sabi. "Alam mo na kailangan ko ng mag-aral ng mabuti." 

"Mabuti 'yan," sabi ko. Tumigil naman siya tapos biglang tumingin sa mga bitbit ko. Biglang kumunot ang noo niya bago ibinalik ang tingin ulit sa'kin. 

"Ano 'yan?" tanong niya. 

"Ahh mga bigay nila sa'kin," sagot ko. Syempre gusto ko rin siya bahagian ng mga tsokolate mukhang masasarap pa naman. 

"Ohh, iba lang talaga ang may regalong natatanggap," sabi niya.

"Iba rin lang talaga ang may nagpapapicture," sabi ko naman. Umirap lang siya sa'kin tapos bigla niya akong hinila at inakbayan. Sabay na kaming lumakad tapos iniwas niya ang kamay niya sa pagakbay sa'kin tapos hinawakan ang kamay ko. 

"Wren!"

Tumigil kami sa paglalakad tapos lumingon sa likuran. Humigpit agad ang pagkahawak ni Wren sa kamay ko tapos pinagsiklop niya ito. Si Trishia nakangiti ito tapos lumalakad palapit sa'min. Naiirita ako sa mukha niya, sa totoo lang. Ano kaya ang kailangan niya ngayon? 

"Tara!" sigaw bigla ni Wren tapos bigla niya akong hinila pasabay sa pagtakbo. Hindi ko mapigilang lingunin si Trishia.

"Wren wait!" 

Tinignan ko si Wren. Tinatakbuhan na naman niya si Trishia. Naiinis ako kay Trishia pero ang rude naman ng ginagawa niya. Pero hindi ko mapigilan na sumabay sa mga tawa niya. Para tuloy kaming hinahabol na dalawa. 

"Dahan-dahan!" sigaw ko nang malapit na kami sa tambayan baka kasi mawalan kami ng balanse parehas hawak pa naman niya ang kamay ko. Huminto kami sa tapat ng tambayan niya. Sinapo ko agad ang aking dibdib dahil hiningal ako roon. 

"Bakit mo kasi siya tinatakbuhan, hindi mo kausapin?" tanong ko sa kanya nang mahabol ko na ang hininga ko. Ngumiti lang siya sa'kin tapos umiling.

Mr. SneezyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon