55

65 4 0
                                    

"Wren!" pagsigaw ko ng pangalan niya at gusto kong alalayan si Edward pero naalala ko na deserve lang niya ang suntok na 'yon. Pero bakit nandito si Wren? Tinitigan ko siya at masama ang tingin niya kay Edward sa hindi malaman na dahilan. 

"Anong problema mo gago ka!" sigaw ni Edward at agad akong pumagitna sa kanila. Itinulak ko naman si Wren para lang makuha ang atensyon niya. Tumingin siya sa'kin at naalala ko na hindi ako naglagay ng make up. Agad akong umiwas ng tingin sa kanya.

"Ikaw sino ka at anong ginagawa mo dito!" sigaw niya pabalik kay Edward. Nakita ko ang pagtaas ng sulok ng labi ni Edward bago ito sumagot.

"Tito niya ako bakit ha!" agad kong tinulak si Edward nang lumakad siya palapit kay Wren. Nakikita kong gusto niyang gumanti ng suntok kay Wren. Nabawasan na nga ng stress sa bahay tapos sumunod naman silang dalawa. Napapikti ako ng mariin tapos napasapo sa aking noo.

"Lumabas ka na Edward, nakuha mo na ang mga gamit mo," sabi ko. 

Tinitigan niya ako ng masama bigla.

"Lalabas na ako kung lalabas rin 'yan," sagot niya sa'kin. Huminga ako ng malalim.

"Bahay ko 'to Edward, lumabas ka na." inis kong sabi. Tumango tango siya at padabog na lumabas ng bahay. Huminga ako ng maluwag at tumingin sa labas. Nagkasalubong pa ang aming mga mata bago siya lumakad palayo. Lumingon naman ako kay Wren.

"Anong kailangan mo?" tanong ko at hinihiling na sana lumabas na siya. Nahihiya ako sa mukha ko. Hindi niya ako pwedeng makitang ganito. Hindi niya pwedeng makita ang mga peklat sa mukha ko! Ayoko rin sanang makita niyang lumuluha ako. Ilang beses na akong naging kawawa sa harapan niya. 

"Umalis ka na," sabi ko nang hindi siya sumagot. Pinipilit ko ang aking lakas para maitulak siya palabas. Ayoko na ring lumabas ngayon gusto ko nalang manatili dito mag-isa sa bahay. "Umalis ka na sabi, kung wala ka naman palang pakay dito!" 

"I'm here for you," sabi niya pero hindi ko 'yon pinakinggan.

"Umalis ka na Wren, masama ang pakiramdam ko," sabi ko.

"Eh di mas lalo akong hindi aalis," sabi niya na parang bata. Pero hindi ako sigurado kung sinadya lang niya na gawing bata ang tono ng boses niya. Umirap ako at pinunasan ang luha ko at napasigaw sandali. Tumakbo ako paakyat at naramdaman kong sumunod siya agad sa'kin. Binilisan ko na ang aking takbo para lang makarating sa kwarto ko at pagsarhan siya ng pinto pero agad rin niya akong naabutan.

"Ano ba!" sigaw ko. "Nakakatakot ka.." 

Natulala siya sandali sa sinabi ko tapos umatras palabas ng kwarto ko pero nanatili lang siya doon habang nakatingin siya sa'kin. Umiwas ako ng tingin. Ano na naman ngayon. Ano na naman kailangan niya. Nagsisimula na ako ulit ngayon.

"Gago ka anong ginagawa mo!" Umangat ang tingin ko kay Wren at napasinghap ako sa gulat nang sinuntok siya ni Wren. Agad akong lumabas at pinigilan si Edward. Ang akala ko ay umalis ka na.

"Diba sabi ko umalis ka na!" sigaw ko.

"Anong ginagawa niya dito! Kahit ano pa pangalan niya wala siyang karapatang umakyat at tumayo sa harapan ng kwarto ng babae, kahit boyfriend mo pa yan!" pasigaw niyang pagsagot sa'kin. Napapikit ako ng mariin tapos tinulak siya.

"Ano ba!" sigaw ko at napahilamos siya sa mukha niya.

"Damn you!" sigaw ni Wren sa likuran ko agad ko siyang pinigilan na makaganti.

"Gusto ko lang mag-grocerry!" sigaw ko at hindi ko na napigilan ang hagulhol no. "Kakalabas ko lang sa hospital at wala si Kaye sa bahay ngayon, ano ba kayo tantanan niyo ako!"

Mr. SneezyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon