46

55 2 0
                                    

Mabuti nalang ay hindi na pumilit si Rea na habulin pa namin si Wren. Halatang crush niya agad si Wren. Sino ba namang hindi? Umuwi na kami pagkatapos, wala nga akong ibang hiniling kung hindi ang umuwi na dahil napagod bigla ang katawan ko nang makita siya.

"Nakakapagod sakit ng paa ko pero sobrang enjoy!" sabi ko tapos tumulong sa paglapag ng mahihigaan namin ni Lyn. Hindi kasi kami kakasya sa higaan ni Rea.

"Nawala pa to' oh sabihin mo nga sa'min baka nauna kang nag-boy hunting!" sabi ni Rea tapos natawa ako nang paluin niya si Lyn sa braso ng pabiro.

"Nangiiwan kayo eh," sagot ni Lyn.

"Nga pala nag-enjoy tayo pero wala naman tayong nahingan ng number o social accounts manlang," sabi ni Rea habang nakanguso tapos binuksan ang cellphone niya.

Ang gusto ko lang ngayon ay matulog na. Minsan lang ako makatulog ng maayos kaya sulitin ko na.

"Search ko yong banda na huling nag-perform, ang pogi kasi talaga ng vocalist, kung pwede nangang tumalon papuntang stage eh," parang naiiyak na sabi ni Rea. Napailing-iling lang ako, crush pa rin kaya niya kung kwentuhan ko siya.

"Balik tayo don ah, alam niyo na magpapansin naman tayo paminsan minsan," sabi ko naman. Pero ayoko na talagang bumalik roon.

"Hindi na ako babalik don noh," sagot ni Lyn. Salamat naman meron akong makakasama na ayaw ng pumunta doon.

"Alam mo nakakainis kang ka-bonding talaga," inis na sabi ni Rea tapos nagtawanan kami. Gusto ko lang sumabay kay Rea dahil siguro na-attached na rin ako sa kanya. Parang nakatagpo ako ng kaibigan o kung kaibigan nga talaga.

"May tanong pala ako," sabi naman ni Lyn.

"Paano kung..." kumunot naman ang aking noo dahil parang nahihirapan siyang magsalita.

"Kung?" ani ko tapos tumingin siya sa'kin.

"Nahanap ko na!" sigaw bigla ni Rea tapos itinapat sa'min ang cellphone niya. Natulala naman ako sandali, si Wren. Iba na pala ang account niya. Million followers.

"Oh tignan niyo, tignan niyo ang pogi talaga!" sumabay ako sa pagtili kay Rea pero sumisikip talaga ang puso ko.

"Oh sige balik tayo sa tanong mo Lyn," sabi niya tapos itinuon na namin ulit ang pansin kay Lyn. Peto hindi ko alam kung mapapakinggan ko pa siya dahil sobrang masikip na ang dibdib ko.

"Ahh paano kung may isang lalaki humalik sayo anong gagawin mo?" tanong niya tapos tumingin kay Rea. Siguro kasi maraming ka-fling si Rea.

"Depende kung sinong lalaki,"  sagot ko.

"Paano kung nagbigayan palang kayo ng mga pangalan tapos bigla ka na agad hinalikan," saad niya.

"Hmm ako siguro sasampalin ko!" sigaw ni Rea, napairap naman ako tapos itinulak siya ng mahina. .

"Pero kung crush mo okay lang?" natatawa kong tanong.

"Ahh ano nga kasi Depende charot! Pero hindi pwede yon 'no, lalo na kung out of nowhere biglang manghahalik diba nakakatakot yon?" saad ni Rea. Tumango naman ako, at bigla akong kinabahan dahil naalala ko ang sinapit ko kay Edward.

Kung ako ang tatanungin, pwede na silang mamatay.

"Pero pag pogi yan wag ako Rea!" inis na sigaw na sigaw ko tapos bigla namang hinila ni Rea ang buhok ko. Masakit, agad kong hinaplos ang ulo ko.

"Well kung nagustuhan mo naman dahil lang sa pogi siya tapos wala kang ginawa akala mo okay lang, ibig sabihin malandi ka." Natatawang sabi ni Rea.

Mr. SneezyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon