28

38 3 0
                                    

Naging kami ni Wren. Para sa'kin ang bilis ng pangyayari pero ito ang pinakagusto kong mga sandali. Palagi kaming magkahawak kami tuwing naglalakad, alam kong dati pa naman pero simula nang gabing 'yon, iba na sa pakiramdam. Sa mga sumunod na araw parang mas palapit na ako ng palapit sa kanya. Ayoko na ngang umalis sa tabi niya pero alam kong hindi naman pwede sa bawat oras ay pwede ko siyang makasama. 

Ang dating puso ko na palaging mabilis at malakas ang tibok kapag nakikita o nakakasama siya ngayon pwede na siyang mahimatay araw-araw. Boyfriend ko na si Wren, may boyfriend na ako! Pero naiisip ko naman si mama, hindi niya pa alam. 

"Anong iniisip mo bee?" nagising ako kakatulala nang marinig ko ang boses niya. Napangiti naman ako agad at tinignan siya sa mga mata. Bakit ba sobrang cute niya, lalo na ngayon mas lalo siyang naging cute sa paningin. 

"Wala bee wag mo'kong pansinin," sagot ko. Ngumuso naman siya bigla tapos hinawakan ang dalawa kong kamay. Hindi ko alam kung bakit maraming tao dito sa loob ng cafeteria pero pakiramdam ko ay kaming dalawa lang ang nandito. 

"Kanina ka pa tulala," sabi niya at umiwas naman ako ng tingin. Hindi ko napansin 'yon. Iniisip ko lang talaga si mama kung paano ko sasabihin sa kanya 'to? Hindi pa naman kami ngayon masiyadong nagkakausap.

"Kumain ka muna bee, mamaya na yan." rinig kong sabi niya tapos tumango naman ako. Bigla naman niya akong sinubuan. Nagugulat pa rin talaga ako minsan pero ngayon pwede ng kumalma ang puso ko.

"Naku ano ba naman 'yan mga bee haha, patapos na ang pebrero!" parehas kaming napalingon sa nagsalita, si Goergina. Nandito pala ang mga kaibigan niya sa harapan namin. Nahiya tuloy ako sa kanila, hindi ko na rin kasi sila napansin. Simula nang naging kami ay pinakilala niya ako sa mga kaibigan niya tapos minsan iniimbitahan nila kaming kumain para raw mas makilala pa nila ako. Simula Junior high kasi magkakilala na raw silang lima. Nakikita ko naman sila minsan na kasama ni Wren. Apat silang lalaki tapos isang babae. Mababait naman sila at hindi naman ako na-out of place sa kanila.

"Bukas wag nating imbitahan mga 'yan kumain!" sigaw naman bigla ni Harry. Tumawa lang kami sa sinabi niya. 

"Sana all." naiiyak na sabi ni Kent. Napailing-iling lang ako sa kanilang lahat. Hindi talaga maiwasang tuksuin nila kami palagi. Pinakilala ko rin si Wren sa mga kaklase ko kahit alam ko namang hindi na kailangan dahil sikat na siya pero syempre iba na ngayon, girlfriend na niya ako. 

"So, nagkiss na ba kayo?" tinaasan ko ng kilay si Bubby dahil sa tanong niya. Nahihiya tuloy ako sa tabi ni Wren. Narinig ko lang tumawa si Wren tapos binato siya ng tissue sa mukha.

"Ano ka ba bagong lovers palang sila 'no," sabi naman ni Goergina tapos nginitian ako. Kumalat na rin sa buong University ang relasyon namin. Ang bilis ngang kumalat eh, may mga ayaw at may mga natuwa pero bakit ba ako magkakaroon ng pake sa opinyon nila. Kinakabahan ako kay mama, dahil kumalat na sa University baka umabot na rin sa kanya. 

Pagkatapos naming kumain ay yumakap ako agad sa braso ni Wren pagkatayo palang niya.

"Hindi naman 'yan mawawala!" rinig kong sabi ni Bubby. 

"Gusto mo ba sumama mamaya?" tanong naman ni Wren. 

"Ha? saan?" tanong ko.

"Secret," bulong niya sa tenga ko. Pinalo ko naman siya sa braso. 

"Nagtatanong ka tapos secret?" inis kong tanong tapos narinig ko lang siyang tumawa at niyakap ako.

"Ihatid na kita sa class mo," sabi niya.

"Bakit?" tanong ko tapos nag-umpisa na kaming maglakad. 

"Anong bakit?" tanong niya pabalik sa'kin. 

Mr. SneezyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon