"That's good! Sana ngayon last course mo na 'yan," sabi ni tito habang kumakain kami. Sinasabihan niya ang demonyong nasa harapan namin. Ilang beses kong ginustong sabihin kay tito pero hindi ko magawa. Ilang beses kong sinabi kay tita ay hindi siya naniwala.
"Anak alam kong mahirap intindihin ang tito mo pero hindi niya magagawa 'yon." ang palagi niyang sinasabi.
Kaya sige, wala namang dapat sisihin na iba. Ako lang. Sige kasalanan ko na rin 'yon. Hahayaan ko nalang dahil nawawalan na ako ng boses. Patagal ng patagal ay hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko.
Ang mas mahirap ay hindi ko alam kung naawa talaga ako sa sarili ko. Gusto ko ba talaga ng tulong o gusto ko ba talaga maging masaya. Hindi ko na matukoy ang nararamdaman ko at hindi ko na kilala ang sarili ko.
"Oy, pakilala mo naman ako sa tito mo. Ang pogi eh," sabi sa'kin ng bagong kapitbahay namin na bigla aking hinila palapit sa kanya. Dalawa silang kinikilig kay tito Edward na inaayos ang ilaw sa may gate namin.
"Wag niyo siyang kilalanin, demonyo ho siya," sagot ko at lumakad na palayo baka malate pa ako sa ikatlong araw ko bilang first year college student. Bachelor of secondary education major in Mathematics. Pinakuha sa'kin ni tito.
Mga pangarap nila kay Kaye ay ipinasa nila sa'kin. Wala papa talagang nagmamahal o nagmamalasakit sa'kin ng totoo. Lahat ng mga pangarap na hindi nila natupad at hindi nila naipasa kay Kaye ay sa'kin nila ipinasa.
Wala na akong pakealam ngayon, ayos lang rin naman sa'kin. Gusto ko naman talaga maging guro. Ang ayoko ay ang pagkontrol ni tito pero wala na rin akong pakealam sa kanya.
Pinakuha niya ako ng exam sa isang University na puno ng mga matatalino. Public University pero always may top notcher at nangunguna sa results ng board exams. University of East.
Malayo sa'min pero kinakaya kong gumising ng maaga para dito. Ayaw naman ni tito na kumuha ako ng boarding house. Jeep lang naman papunta sa East Alvarez pero ilang sakayan rin.
"Honey!" Napapikit naman ako ng mariin nang may biglang sumakay sa likuran ko.
"Oy best friend na tayo diba nag-chat ako girl sabi ko antayin mo ako sa gate!" si Rea lang pala. Kahapon ko lang nakilala pero best friend agad ang turing sa'kin ang kulit nga sa chat.
"Sorry nakalimutan ko," sagot ko.
"Ano ka ba wag mong kinakalimutan ang importanteng tao," sabi niya tapos lumibot pa sa harapan ko. Parang sinasabi rin niya na siya ang importanteng taong 'yon. Sa unang araw ko palang sa klase ay siya na 'yong madaldal at sobrang makulit. Hindi ko maiwasang maalala si Wren, pakiramdam ko nga magiging kaibigan lahat ni Rea.
"Bakit ako ang best friend?" tanong ko.
"Kasi gusto ko lang, feel ko kasi magkakasundo tayo! Swear!" natatawa niyang sabi tapos yumakap siya sa aking braso. "May isa pa tayong best friend!" tapos bigla niya akong hinila. Hinayaan ko lang naman siya.
Isa pa ayokong maging malungkot dito sa labas. Kahit sa labas manlang sa bahay at sa lugar namin ay maging masaya ako. Ayokong balikan ang nakaraan dahil tapos na 'yon. Gusto kong magkaroon ng bagong simula dito sa East kahit alam kong uuwi pa rin ako sa'min. Gusto ko simulan ang bawat araw ko na masaya kahit sa gabi alam kong takot at malulungkot pa rin ako.
"Evelyn!" bigla niyang sigaw at dahil malapit siya sa'kin pakiramdam ko ay sisirain niya ang tenga ko. Natulala naman ako sandali sa babaeng lumingon sa'min at ngumiti. Ang ganda niya. Natural ang ganda niya.
"Ito si Honey, Honey si Evelyn. Sabi kasi nila masaya raw kapag tatlo, magiging maswerte raw ang daloy ng buhay para sa'tin!" natutuwang sabi ni Rea tapos pumapalakpak pa. Nakipagkamayan naman ako kay Evelyn?
BINABASA MO ANG
Mr. Sneezy
Romance"Honey, you don't want me mad!" - Mr. Wren Kyle Almazan MISTER SERIES II photos (Canva's free photos/ elements) used are not mine. Credits to the rightful owners.