Maraming mga kaibigan ko dati ang dumating. Akala ko ay kakalimutan nila ang birthday ko pero present sila. Kakagaling nga lang namin ni mama sa simbahan tapos naghihintay na pala sila sa labas. Nahuli ko pa sila tita na may inaayos sa likod ng bahay namin.
Natuwa naman ako sa mini stage nila. Mas lalo kong namiss si papa, dahil nandito sila tito at tita na mga kapatid ni papa. Close rin kasi ako sa kanila. Dalawa lang sila na kapatid ni papa, hindi nila naisama si lolo dahil hindi raw kayang bumiyahe.
"Happy birthday pamangkin!" nakangiting bati sa'kin ni tita. Nagulat rin ako sandali dahil nandito rin ang isang kapatid ni mama na close ko rin pero minsanan ko pang talaga makita.
"Happy birthday Honey!" bati ng mga kaibigan ko.
"Naku Honey asikasuhin mo lang muna mga kaibigan mo sa loob kami na dito! Birthday mo!" nakangiting sabi ni tito. Tapos hinayaan ko sila, patapos na rin naman kasi sila. May mga balloons pa sa paligid, nakakatuwa.
"Kumusta na kayo?" tanong ko nang makabalik ako sa loob ng bahay. Naamoy ko rin ang luto ni mama at ni tita mula rito. Nagugutom na tuloy ako.
"Ito nakakapagod hindi pa nga isang buwan parang ayoko ng mag-aral!" sagot ni Kate isa sa mga pinakaclose ko sa lahat.
"Ikaw ba kumusta ka?" tanong naman ni Ana.
"Nakakapagod rin pero lumalaban," sagot ko.
"Mas lalo kang gumanda Honey!" tapos pinaglaruan nila ang buhok ko.
"Tigilan niyo ako!" natatawa kong sabi. Tapos nakipagchikahan lang muna ako sa kanila at nakipagkulitan. Namiss ko sila sobra, basta magkakasama kami ang ingay namin. Naalala ko dati dito kami sa bahay halos tumambay after class. Malapit rin lang kasi school ko dati dito sa'min.
"Alam mo ba si Kate at si Henry sila na naku!" sabi naman ni Ana tapos lahat sila nagtilian. Pati rin ako kinilig.
"Talaga?" natatawa kong tanong. Tapos marami ng naglabasan na may mga boyfriend na sila.
"Tayo Honey kailan kaya?" tanong naman ni Roxane sa'kin. Ngumuso ako at umiling.
"Mga bata pa naman tayo hayaan natin sila." natatawa kong sabi.
"Maaga pa kaya maghihiwalay rin kayo!" sigaw ni Roxanne. Tumigil ako nang tawagin ako ni tito sa labas. Magkamukha sila ni papa kaya akala ko tuloy umuwi si papa.
"Mga classmates mo raw dati!" tapos napatingin naman ako sa mga dumating. Hala, halos lahat sila. Akala ko binalewala lang nila ang invitation ko sa group chat namin eh.
"Tuloy kayo!" sabi ko tapos halos mapuno ang bahay namin. Hindi pa kasi tapos sila tita baka wala pa silang maupuan sa labas.
"Mga manliligaw diyan ni Honey ano mga regalo niyo?" tanong naman ni Kate hinila ko naman siya agad. Ayoko ngang harapin ang mga nanligaw sa'kin dati eh.
"Si Jan pupunta ba? Siya lang hinihintay ko eh," sabi naman ni Ana.
"Akala ko ba may boyfriend ka na isa pa si Honey liligawan non hindi ikaw," sabi naman ni Roxane.
"Nandito naman kami!" sigaw ng ibang boys.
"Mabuti sana kung mga pogi kayo!" sigaw ni Ana.
"Oy grabe siya!" tapos kinulit tuloy siya ng mga boys dahil sa biro niya. Napapailing-iling nalang ako parang masisira bahay namin sa lakas ng mga boses.
"Excuse me, bibihisan ko na muna ang birthday girl." bigla namang lumapit si mama sa'kin.
"Mauna na kayong pumili ng pwesto niyo sa labas!" sabi ni mama at halos magunahan sila dahil wala na talaga silang mga hiya dito sa'min.
BINABASA MO ANG
Mr. Sneezy
Romance"Honey, you don't want me mad!" - Mr. Wren Kyle Almazan MISTER SERIES II photos (Canva's free photos/ elements) used are not mine. Credits to the rightful owners.