Ilang buwan ang lumipas ay nagbukas na ulit ang pasukan. Naging malungkot at masaya ang summer vacation. Malungkot dahil sa mga nalaman ko kay mama at sa hindi namin pagkakaintindihan. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya maintindihan kung bakit hindi niya ako magawang piliin. Ano bang klaseng pagmamahal ang meron nila ni tito Gwen. Anong kwenta ang pagmamahal kung may masasaktan silang iba. Naging masaya rin dahil marami akong mga alaala na kasama si Wren, marami kaming napuntahan at marami kaming naipong mga litrato na binabalik balikan ko tuwing sasapit ang napakamalungkot na gabi.
"Bee mauna ka na muna ah, mag-iingat please." napangiti naman ako nang marinig ko agad ang boses ni Wren kahit sa tawag lang.
"Ikaw rin ah?"
Tapos pinatay ko na ang tawag at bumaba na ako. Hindi kami gaano nag-uusap ni mama. Pero minsan nagpapansinan kami kung baon ang pag-uusapan o kung may kailangan akong bilhin para sa University. Ayoko na ngang humingi sana pero wala akong nahanap na part time job nitong summer, gala rin lang kasi kami ng gala ni Wren. Baka mamayang gabi ay subukan ko sa 24hours West Store. Parang nabasa ko kasi na kailangan nila ng part timers.
"Anak, may baon ka pa ba?" Lumingon naman ako kay mama nang hinabol niya ako sa may pintuan. At least tinatawag pa niya akong anak.
"Meron pa po, alis na ako."
"Teka, hindi ka pa kumakain naghanda ako at nagluto ng paborito mong adobo--" hindi ko pinatapos si mama sa pagsasalita sa pamamagitan nang paglabas sa bahay. Alam kong wala na akong respeto kay mama at nasasaktan ko siya, pero hangga't hindi niya sinasabi na wala na sila ni Tito Gwen ay hindi ko siya papansinin.
Nagtatalo nga itong puso at isipan ko, parang buong gala rin namin ni Wren ay puro ako pag-aalala sa sitwasyon namin ni mama. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba kay Wren ang nalalaman ko. Ano ang magiging reaksyon niya o kung dati ay alam na niya? Parehas lang ba kami nanahimik.
Nakarating ako sa University tapos dumiretcho ako agad sa gym para sa unang subject ko ngayon. Pagkapasok ko ay ang unang nakita ko ay si Tita Alana tapos kausap niya ang principal namin. Natulala rin ako sandali nang makita kong nandito na si Wren at katabi nito si Trishia.
Napalingon naman ako sa likuran nila ay nandoon na ang mga classmates ko. Lalakad na sana ako at hindi ko hahayaang manalo ang selos sa'kin ngayon baka importante ang pinag-uusapan nila. Bigla akong tinawag ni Wren.
"Bee!"
Napangiti naman ako nang tumakbo siya palapit sa'kin tapos agad niyang pinansin ang buhok ko.
"Mahaba na ulit," sabi niya.
"Samahan mo'ko magpagupit?" tanong ko naman. Hindi ko na kasi mayaya si mama.
"Ako na maggugupit sa'yo." natatawa niyang sabi.
"Wala akong tiwala sa'yo," sabi ko tapos natigilan ako nang mapansin kong nakatingin sa'min si tita Alana. Bigla kong naalala ang ginawa ni mama at ni tito Gwen. Kinabahan ako sa mga titig niya. Isa pa alam kong wala pa silang alam sa relasyon namin, siguro.
"Oh bye tita!" nakita ko ang paghalik ni Trishia sa pisngi ni tita tapos yumakap siya sa braso ng kanyang lolo.
"Let's go lolo, kailangan niyo pang kausapin si teacher Henry." maarteng sabi ni Trishia tapos lumakad na sila palayo sa'min. Mabuti nalang hindi pa dumarating ang teacher namin. Nag-uumpisa na kasi ang ibang class.
"Wren pwede ko bang makausap si Honey?" nakangiting tanong ni Tita kay Wren nang lumapit siya sa'min. Halos manghina ang buong katawan ko. Ako ang pinakanatatakot sa ginaggawa ni mama. The fact na hindi rin ako nagsusumbong ay baka sabihin nila na kinokonsente ko si mama.

BINABASA MO ANG
Mr. Sneezy
Romantizm"Honey, you don't want me mad!" - Mr. Wren Kyle Almazan MISTER SERIES II photos (Canva's free photos/ elements) used are not mine. Credits to the rightful owners.