Chapter 70- Last Day

3 0 0
                                    

Chapter 70- Last Day

*clap-clap-clap*

Nagpalakpakan kami nung umakyat si Mark sa stage bilang valedictorian.

Ang galing!! Nakakaproud dahil kaibigan namin ang valedictorian ngayon.:))

Nung una nga ayaw pang tumayo ni Mark kasi nahihiya sya,ewan ko kung bakit nahihiya si Mark,pero nung si Minn na ang nagsalita,wala na,tumayo na agad.

Kasama rin pala kami sa bibigyan ng certificate,dahil sa pagsali namin sa Battle of the Bands.

Maghapon din kaming nagpractice. Yung iba nga umuwi na,kasi paulit ulit nga lang naman. Hahaha. Katatamad ano?xD

After ng practice,nagyaya sila Gienn na libutin ang buong school.

Una naming pinuntahan ang garden.

"Lugar kung saan nalaman namin ang pagtingin ni Mavy kay Lhen. Hahahaha."-Gienn

Napatingin naman kaming lahat kay Mavy habang tumatawa.
"Throwback ganon?"-Mavy
"Hahahaha. Oo nga,grabe. Hindi ko akalain may pusong lalaki pala si Mavy."-Minn

"Ay naku.┐('д`)┌"-Mavy
"Kayo talaga. Wag ganyan! Nasasaktan si Mavy! Hahaha."-Xianne
"Baliw."-Mavy

Naglakad na si Mavy papalayo sa garden,kaya sinundan namin sya.

"Bitter padin. Tsk."-Minn
"Tigilan nyo na nga si Mavy."

Sunod naman naming pinuntahan ang rooftop.

"Mamimiss ko to!!"
"Oo nga. Sana may rooftop din sa papasukan kong school."-Ronald

Naupo muna kami saglit dun at pinagmasdan ang buong school.

Mamimiss ko talaga to. Pati na rin tong mga kaibigan ko. Lahat ng alaala. Hayy

Nakakaiyak pala talaga kapag magkakahiwa-hiwalay na kayong magkakaibigan.

Pagkatapos naming magpahinga,napagpasyahan na naming umuwi.

Hinatid na rin ako ni Ronald sa dorm.

"Lhen,aalis na ako."-Ronald
"Sige,ingat ka."

Pagkaalis ni Ronald,sinara ko agad yung pinto. Nilapag sa lamesa ang bag ko,at tiningnan ang kwarto ko.

Halos isang taon din. Halos isang taon akong nakatira dito,nung una kasama si Minn.

Hindi ko akalain na makakaya kong mabuhay mag-isa,na malayo sa pamilya. Ako mag-isa ang nagluluto,naglalaba,naglilinis nito.

(T_T)

Mamimiss ko rin to.

"Lhen?? Lhen yung cellphone ko pala nasa------Oh?? Bakit??"

Napatingin kasi ako kay Ronald nung bigla syang pumasok,kaya hindi ko muna napunasan yung luha ko.

"Bakit??"-sya
"( TДT)"-ako

Niyakap ko naman sya bigla. Lahat sila mamimiss ko. Lahat sila.
"Lhen."-Ronald
"Mamimiss ko kayo... Mamimiss kita."

Naramdaman ko naman yung paghigpit ng yakap nya sakin.

"Tama na. Palagi naman tayong magkikita e."
"Pero hindi na kita mayayakap ng ganito."
"Gusto mo bang sa probinsya ako mag-aral?"

Umiling naman ako."Walang kasama si tita."

Tumingin naman ako sa kanya kaya pinunasan nya yung luha ko.

"Wag kang mag-alala Lhen,kahit magkalayo tayong dalawa,ikaw lang talaga yung mamahalin ko. Hindi ako titingin sa iba. Okay?"

Alam kong walang kasiguraduhan ang mga sinabi nya. Maraming magaganda dyan,maraming mababait,pero dahil may tiwala ako sa kanya

"Mahal kita."

Ang "BATA" Ko!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon