Chapter 36-"WAG!!"

41 1 0
                                    

Chapter 36-“WAG!!”

(Minn’s POV)

Maaga lang kaming umuwi galing kela Nick. Para kasing wala namang mangyayari sa practice kung pinagpatuloy pa namin. Wala sa mood si Gienn, si Nick naman matamlay, kaya napagpasyahan na umuwi nalang.

“Pero kawawa si Gienn no?”-Lhen

Napabuntong hininga nalang ako.

Sa totoo nga lang muntik na rin akong maiyak kanina habang nagsasabi si Gienn ng problema nya. T^T Para kasing parehas lang kami ng kalagayan.

Oo nga’t hindi ko bestfriend si Mark, pero parehas naman kami ni Gienn na hindi masabi sa taong mahal namin na mahal namin sila.

Waaahhh!!! Nakakaloka talaga!(>__<)

“Kawawa rin naman si Nick.”-Ronald

Oo, nandito talaga si Ronald sa dorm. (=__=) Maaga pa naman daw. Tsk. Pero sa totoo lang gusto nya raw talaga makasama muna si Lhen, hinitak daw kasi sya ni Mavy kanina kaya nabawasan yung oras nila ni Lhen. Baliw e.

“Hindi, mas kawawa si Gienn, kasi syempre umasa sya na magkakagusto rin sa kanya si Nick.”-Lhen

Lumapit naman si Ronald kay Lhen. Nakaupo kasi kami ngayon sa maliit na sofa, tapat ng tv.

“Ganun din naman si Nick ah? Ang kaso hindi nya lang masabi kasi ang akala nya, bestfriend lang ang turing sa kanya ni Gienn.”-Ronald

Pumunta naman ako sa gitna nilang dalawa.

“Minn naman! Dun ka nalang! Katabi ko pa si Lhen e.”-Ronald

“May reklamo ka? Lumayas ka dito. Tsk.”

“Kaw naman Minn! Di ka mabiro.(-__-)”-Ronald

Umayos muna ako ng upo at inakbayan ko silang dalawa.

“Kayong dalawa, makapag-sabi sabi kayo kala nyo mga expert na kayo pagdating dyan ah. Tss. Para sakin, parehas lang silang kawawa dahil hindi nila maamin na mahal nila ang isa’t isa.”-Minn

Totoo naman diba??

Tahimik lang yung dalawa na nakikinig sakin.

“Hayy. Mahirap talaga yung ganyan. Dama ko nga si Gienn e.”

“Bakit naman?”-Lhen

“Ahh. Siguro kay Mark no?”-Ronald

Tumango naman ako.

“Sa tingin nyo, kailangan ko na bang sumuko?”

“WAG!!”-silang dalawa

Napatakip naman ako agad sa tenga ko.

“Kailangan talaga nakasigaw?? Tsk. Mababasag eardrums ko sa inyo.”

Umayos naman silang dalawa ng upo. Ay mali, si Lhen lang pala, si Ronald kasi, tumayo muna.

“Nu ka ba! Bakit pati ikaw susuko kay Mark?”-Lhen

“LHEN! MAY KANIN BA KAYO??”-Ronald

(=_________=)

Hindi naman sya pinansin ni Lhen kasi talagang sakin lang sya nakatingin, hinihintay lang yata yung sagot ko.

Pero napaisip din ako, bakit nga ba ako susuko??

Kasi hindi ko rin alam kung may gusto rin sakin si Mark? Pero pano kung sabihin ko sa kanya? Ano kayang mangyayari? May magbabago kaya?

Napahawak nalang ako sa noo ko. Bakit pa ba kasi nauso tong love na to? Mas sumasakit pa yung ulo ko rito kesa sa mga exams na binibigay ng mga teachers namin e.

“LHEN!!! WALA BA KAYONG HOTDOG-----------“-Ronald

“PWEDE BA RONALD?? PURO KA TANONG DYAN! MAGHANAP KA KAYA!”-Lhen

“*pout* Sabi ko nga.”-Ronald

Mabuti pa tong dalawang to, kahit na hindi pa nag-aaminan alam kong alam na nila na gusto nila ang isat isa. Kahit hindi nila sabihin, obvious naman kaya wala ng problema.

“Uy Minn, natulala ka na dyan.”-Lhen

Umayos ulit ako ng upo. Ang likot ko ano po?:D

“Sa tingin mo Lhen, bakit hindi ko kailangang sumuko?” pagkatapos kong tanungin yun, tumingin ako sa kanya. Seryoso lang din syang nakatingin sakin.

Siguro kung nasa bahay lang ako namin, nabigyan na ako ng advice ni ate, pero hanggat nandito ako sa dorm, nandito naman si Lhen para tulungan ako.

“Hindi mo pa naman kasi sinusubukan susuko ka na agad? Bakit hindi mo i-try na umamin kay Mark?”-Lhen

“Teka, bakit ako yung aamin e baba----------“

“E ano ngayon kung babae ka? Bakit lalaki lang ba yung pwedeng mag-confess ng feelings nila? Pano naman kung masyadong torpe yung lalaking yun para umamin? Hihintayin mo pa rin sya? Ewan ko nalang kung hanggang kailan kayo maghihintayan.”-Lhen

Napatango naman ako at napaisip na rin.

Kung makapagsalita si Lhen akala mo talaga ang dami ng experience. Sa totoo nga lang wala akong alam sa lovelife ng bruhang yan e, pwera ngayon ah. Pero yung dati, hindi ko alam kung nagkaboyfriend na ba sya or what.

Pero tama rin naman si Lhen. Pano kung natotorpe lang si Mark? At paano rin kung hindi maging maganda yung kalabasan ng pag-amin ko?(Ouch naman yun)

Bigla namang tumabi sa kanya si Ronald na may hawak na Presto, palagi kasing bumibili ng ganyan si Lhen, favorite nya kasi.

“Oy! Bat kumuha ka nyan!”-Lhen

At nagiging madamot talaga sya pagdating dyan.(=________=)

“E nagugutom na kasi ako.”-Ronald

“Nagugutom ka na pala edi sana umuwi kana la-------mmmmmmmm!”-Lhen

Bigla kasi syang sinubuan ni Ronald ng Presto, kaya yun, binatukan sya ni Lhen.

“Aray naman!(-__-) E kasi pinapauwi mo agad ako. Ayoko pang umuwi, dito muna ako.”-Ronald

At napailing nalang si Lhen habang kinakain yung Presto na sinubo sa kanya ni Ro-----------TEKA NGA!!

Ano ako? NARRATOR? Duh~ Kailangan kong mag-isip kung kailan ko aaminin kay Mark tong feelings ko. Tss.

Ang &quot;BATA&quot; Ko!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon