Chapter 40- First day of Intrams
(Lhen’s POV)
INTRAMS NA!!! \(^O^)/ Whooh!
“Nasan na ba kasi sila Gienn at Ronald? Malapit ng mag-umpisa yung parada oh.”-Minn
Tama. May parada talaga kami ngayon. At nandito kami sa tapat ng school bago mag-umpisa yung parada.
Halos hindi na nga ako nakatulog kagabi sa sobrang excitement.(^oo^) Hihi.
At kanina ko parin tinetext si Ronald kung nasan na sya. Nakuu talaga.
“O, andito na si Gienn.”-Nick
Kasama namin sila Nick at Mark ngayon. Pwede naman kasi kahit halo-halo na yung mga estudyante, basta ang mahalaga makapagparada kami, tsaka mamaya pa naman yung attendance sa room.(=__=) Ewan ba, Intrams na Intrams pero talagang may Attendance.
At maya-maya lang din, dumating na si Ronald.
“Sa wakaaaass!! Dumating na rin sya.”-Minn
“Namiss mo naman ako agad.:D”-Ronald
“Mukha mo! Teka, bakit naka-backpack ka pa? Dami yatang laman?”-Minn
Oo nga, dala nya pa yung bag nya na ginagamit nya pamasok.
“As usual Minn, puro pagkain na naman yan.”-Mavy
“Stalker talaga kita e. Pano mo nalaman?”-Ronald
“Kapal ng mukha mo! Halata naman e nakalitaw pa yang piattos.”-Mavy
Napangiti nalang ako at umiling. Kahit kailan talaga.
Lumapit naman sya sakin tapos hinawakan yung ulo ko.
“Namiss kita.;)”-sya
At feeling ko naman, parang uminit yung pisngi ko sa sinabi nya.
“Baliw.”-ako
“Oy, magsisimula na raw yung parada!”-Princess
Umayos naman na kami bago nagsimulang maglakad.
Katabi ko ngayon si Ronald at Mavy, tapos magkatabi naman sila Gienn at Minn, sila Mark at Nick nasa likuran namin habang nauuna sila Xianne at Princess.
“Malayo ba yung lalakarin natin?”-sabay tingin ko kay Mavy
“Ahmm, m-------“
“Medyo,pero kaya mo naman yan.”
(=__=)
Napatingin tuloy ako kay Ronald.
“Hindi naman ikaw yung kinakausap ko e.”
“Oo nga.”-Mavy
“Ay hindi ba ako? Sorry.:) Haha.”-Ronald
Tsk. Sorry daw, pero halata namang sinadya nya.
Nagsisimula nang uminit, kaya ilalabas ko na sana yung payong ko nung biglang maglabas si Mavy.
“Wow astig! San mo nabili yang payong mo?”
“Sa comic alley.:)”-Mavy
Mga naruto chibi kasi yung naka-design dun. Ang cute. Hahaha.
Pinayungan nya naman ako, tapos nagulat ako nung biglang humawak sa braso ko si Ronald.
“E bakit ako hindi mo pinapayungan??”-Ronald
“Ay nandyan ka pala. Sorry!:)”-Mavy
Loko loko rin tong si Mavy minsan e.:D
BINABASA MO ANG
Ang "BATA" Ko!!
Teen Fiction*Buhay Highschool? Sabi nila dito mo na raw mararanasan lahat. Yung mga masasayang araw kasama ng mga kaibigan mo, kahit may problema mang dumating, malalagpasan nyo agad yun. Pero sa tingin ko, ang pinakamasayang naranasan ko sa buhay ko, ay ang n...