Chapter 46- The Battle
(Lhen’s POV)
“Aaah! Sa wakas! Kayo na ni Nick.”-Princess
Niyakap naman naming si Gienn. Nakakatuwa talaga. Haha.
Sinagot na agad ni Gienn si Nick. Tutal matagal na silang magkakilala at mahal nila ang isat isa, para saan pa ang panliligaw?:D
“O yung chocolates ko, wag nyong kalimutan.”-Minn
“Cherifer nalang para tumangkad ka.”-Nick
“Ganyan? Porke sinagot ka na ni Gienn lolokohin mo na ako?=__=”-Minn
Napakasaya talaga sa pakiramdam kapag nakikita mong masaya ang mga kaibigan mo.:)
**
Nagpractice na kami pagkatapos nun. Naka-3 practice kami bago kami pinakain ni Tita.
Pahinga lang ng konti, tapos practice ulit. Bukas na kasi yung laban, kaya kailangan naming magpractice ng bongga.
Nung mga 9 na, napag-pasyahan na naming umuwi. Gusto pa nga kaming ihatid ni Ronald kaso hindi na ako pumayag. Gabi na kasi, mahirap na.
Pagkauwi naming sa dorm, naglinis nalang kami ng katawan at humiga na.
“Goodnight Lhen.”-Minn
“Goodnight.” Pero bago ako matulog, may natanggap akong text galling kay Ronald.
From: Payat.:)
~Goodnight taba. Pahinga kana, goodluck satin bukas.:) Wag kang iinom ng malamig na tubig ha? Baka malatin ka. Hart hart.<3
Ang bading talagang magtext nito. Hart hart daw? Hahaha.
To: Payat.:)
~Goodnight din.:) Kitakits bukas.:*
************
Alas-singko ng hapon ang usapan namin na magkita kita sa school. Hindi kasi kami pumasok ng umaga para makapag-ready ngayon.
“Goodluck sa inyo Lhen.”-Camila
“Salamat.:)”
“Oy! Suportahan nyo kami ah!”-Ronald
“Syempre naman!!”-sila
Isa pa yan sa nakakapagpalakas ng loob ko. Talagang pinaparamdam nila yung suporta nila samin. Hindi lang ng mga kaklase namin, kundi yung iba pa naming schoolmates.
Pero siguro mamaya, kakabahan na ako.>__< Waahh! Wag naman sana.
“O, eto na si Mark.”-Xianne
Ihahatid nya kasi kami sa Westridge.
“Ready na kayo?”-Mark
“Oo naman!”-kami
“Tara na.”-Mark
Sabay sabay na kaming naglakad papunta sa Westridge, malapit lang naman sa school namin.
“Ang ganda mo talaga Lhen.”-Ronald
Napatingin naman ako sa kanya saglit, tapos nakita ko syang namumula. Napangiti nalang tuloy ako at napayuko. Naka-shorts lang kasi ako, hindi naman yung maikli, yung sakto lang para makagalaw ako ng maayos. Gusto nga sana ni Minn na mag-palda ako, kaso nung nalaman ni Ronald.
“Manahimik ka Minn! Madaming tao mamaya. Tsaka medyo mataas yung stage. P-pano kung makitaan si Lhen don? Tsaka hindi sya makakagalaw ng maayos kaya hindi pwede.”
Ang sungit nya nga kanina e. Grabe, akala ko magagalit na sya pero buti nalang hindi.
Naka-tshirt lang din ako na white, tapos yung design nya gitara. Pinahiram lang sakin ni Gienn to. Yung sa buhok ko naman, kinulot ni Minn,nilagyan nya rin ako ng clip para matago yung bangs ko. Konting make-up then push na. Nagrubbershoes nalang ako na nahiram ko naman kay Princess. Hindi naman kasi ako prepared sa mga ganitong bagay kaya nanghiram nalang ako.
BINABASA MO ANG
Ang "BATA" Ko!!
أدب المراهقين*Buhay Highschool? Sabi nila dito mo na raw mararanasan lahat. Yung mga masasayang araw kasama ng mga kaibigan mo, kahit may problema mang dumating, malalagpasan nyo agad yun. Pero sa tingin ko, ang pinakamasayang naranasan ko sa buhay ko, ay ang n...