Chapter 71- Graduation DayTumingin muna ako sa salamin.
Heto na. Eto na yung last day ko bilang highschool. Last day ko na to para makasama ang mga kaibigan ko. Last day ko na rin to para masuot ang uniform ko.
"Lhen,okay ka na ba?"-mama
Tumingin naman ako kay mama at tumango. "Opo. Tara?"
---------Congratulations Batch 2014-2015
"Malaki rin pala ang school nyo Lhen."-kuya
Kasama ko ngayon sila kuya at mama. Pumunta sila dito para samahan ako ngayong graduation ko.
Marami na rin ang nakapila para sa martsa mamaya. Hindi ko pa sinusuot yung toga ko,mainit kasi.
Pinicture-an na rin ako kanina ni kuya. Kanina pa nga ako punas ng punas ng pawis ko e. Mabuti na lang light make-up lang ang nilagay ni mama.
"Lhen!!"
Napatingin naman ako sa tumawag sakin. Si Minn,kasama ang daddy nya at ate nya.
Ngayon ko palang makikita ng personal ang daddy at ate nya. At tama nga sya,ang ganda ng ate nya.
"Sya ba si Lhen?"-ate ni Minn
Ngumiti naman ako sa kanya at nagmano sa daddy ni Minn. "Magandang umaga po."
"Magandang umaga rin. Congratulations,and thank you for taking good care of my daughter."
"Wala po yun."Nagbatian din sila mama at ang daddy ni Minn.
"Ang cute naman ng buhok mo."-ako
"Ah,oo nga e,kinulot ako ni ate kanina."-Minn
"Ay naku Lhen,pahirapan pa bago gumising yan. Buti na nga lang hindi kami na-late."-ate ni Minn
"Duh! Ikaw kaya ang matagal mag-make up dyan. Oh! Yan ba yung kuya mo? Pogi pala."-Minn
"Ay oo. Hehe."Maya maya,dumating na rin sila Ronald at Princess.
"Lhen!!!"-Tita
Nagulat nalang ako nung bigla akong yakapin ni Tita.
"H-hello po."-ako
Tumingin naman sakin si Tita at inayos ang buhok ko,tapos nilagyan nya ako nung kwintas na may mga bulaklak."Ang ganda mo talaga. Nasan na ang mama mo?"Hinitak ko naman si mama para makita ni Tita. Nagmano rin si Ronald kay mama,pati sa daddy ni Minn.
"Goodmorning po."-Ronald
"Kaawaan ka ng Diyos."-mama
"Ay,hello. Ako nga pala ang mama ni Ronald.:)"-TitaNagkwentuhan muna sila Tita at mama. Si Ronald naman,tumabi sakin.
"Congrats satin.:)"-Ronald
Ngumiti naman ako." After pala nito,uuwi na kami."
"Ha? Bakit naman ngayon agad? Hindi ba pwedeng next week na?"-Ronald
"E may hinanda raw yung mga tita ko dun sa Bataan na handaan."
"Ganun ba."-Ronald
"Sumama ka kung gusto mo."-kuya
"T-talaga??"-Ronald
"Oo,tutal kilala ka naman na dun. Isama mo na rin ang mama mo."-kuyaTumakbo naman agad si Ronald kay tita.
"Ma! After nito sama tayo kela Lhen sa probinsya"
"Ha?"-Tita
"Ay oo pala,may kaunting handaan dun sa amin."-Mama"Daddy,sama tayo."-Minn
"Sure,pero uuwi rin tayo sa hapon."
"Okay!! Lhen! Sama kami!!"-Minn
"Kami rin!!"Napatingin naman kami kela Princess,Gienn,Mavy,Xianne,Nick at Mark.
"Kuya,sila nga pala yung mga naging kasama ko. Mga kaibigan ko."
Hinawakan naman ako sa balikat ni kuya.
"Masaya ako na nakatagpo ka ng mga tunay na kaibigan."
----------Pagkatapos ng graduation,dumiretso agad kami sa dorm at napag-usapang magkita kita nalang sa terminal ng bus.
Nailigpit narin naman ni mama yung mga gamit ko kahapon kaya konting ayos nalang.
Buhay highschool. Isa sa mga hindi ko malilimutan na parte ng buhay ko.
*tok-tok*
"Lhen?"
"O,akala ko ba sa terminal magkikita kita? Bakit nandito si Ronald?"-mama
Binuksan naman ni kuya ang pintuan,at tumambad samin sila Ronald at Tita.
Isa rin sa mga naging dahilan kung bakit lalong sumaya ang highschool life ko.
At eto ay dahil sa kanya.
Si Ronald. Ang lalaking minahal ako sa kabila ng lahat. Ang lalaking tinanggap ako bilang ako.
Ang lalaking minahal ako ng buong buo.Si Ronald na hindi ko akalaing magiging bata ko.
"Pasensya na,nagmamadali tong si Ronald e."-Tita
Napangiti naman ako at tumingin kela mama.
"Tara na! Alis na tayo!"
Napatingin naman kaming dalawa ni Ronald kay kuya.
BINABASA MO ANG
Ang "BATA" Ko!!
Ficção Adolescente*Buhay Highschool? Sabi nila dito mo na raw mararanasan lahat. Yung mga masasayang araw kasama ng mga kaibigan mo, kahit may problema mang dumating, malalagpasan nyo agad yun. Pero sa tingin ko, ang pinakamasayang naranasan ko sa buhay ko, ay ang n...