Chapter 57- Heaven By your side
(Ronald’s POV)
Sobrang lapad ng ngiti ko habang naglalakad ako papunta sa room. Excited akong pumasok ngayon. Ano kayang mangyayari ngayong araw? E kung mag-date nalang kaya kami ni Lhen? O kaya ilibre ko nalang sila. Hindi kasi makakapagluto ngayon si mama dahil aalis sya.
Sana maging masaya tong birthday ko!(^___^)
“Happy birthday Ronald!”
“Salamat.:)”
Teka, sino nga pala yun? Ahh nevermind na nga. Siguro nakita nya sa facebook na birthday ko ngayon.
Pagpasok ko ng room, hinanap agad ng magaganda kong mata ang napakagandang girlfriend ko. At nung nakita ko sya, tumakbo na ako papalapit sa kanya.
“GOODMORNING!”
Halos malaglag yung hawak nyang aklat dahil sa gulat. Hahaha. Ang cute cute nya talaga.^////^
“Ronald naman e!”-Lhen
Tutal wala pa naman si Minn, umupo muna ako sa tabi nya.
“May ano Ronald? Bat ang saya saya mo na naman?”-Gienn
“Malamang maraming nakain ngayong umaga.”-Mavy
Sinimangutan ko lang silang dalawa tapos tumingin na ako ulit kay Lhen. Tingnan mo to, tinatawanan na naman ako.
Pero teka, yayayain ko nga pala syang makipag-date.
“Lhen, dat------------“
“GOODMORNING MGA MAGAGANDA’T POGI! ^___^”-Minn
(=_______=)
Tulad ng ginawa ko kanina, tumakbo rin sya papalapit sa amin at hinihitak ako papatayo. Kahit kailan talaga tong liit na to.
“O Minn! Akala ko male-late ka ngayon e.”-Lhen
At dahil nga sobrang daldal nitong liit na to, hindi ko na nasabi kay Lhen ang sasabihin ko. Hayy. Mamaya nalang siguro.
Pero bakit hindi nila ako binabati? Hindi ba nila alam na birthday ko? Kahit sila Micka, binate lang nila ako ng ‘goodmorning’ pero wala yung ‘happy birthday’. Baka nakalimutan lang siguro nila.
Nakinig nalang ako sa kwentuhan nilang dalawa. Halatang miss na miss nila yung isa’t isa. Ang daming kwento ni Minn e.
Akala ko mga 10 minutes lang silang magkekwentuhan, pero nakumpleto na kami’t lahat, dumating na yung teacher namin, hindi pa rin sila tapos. Ganyan ba talaga kayong mga babae?(-_____-‘’)
Bumalik na ako sa pwesto ko at baka mapagalitan pa ako ni Mam Valdez. E kung itext ko nalang kaya si Lhen?
Kinuha ko muna yung cellphone ko at patagong tinext si Lhen.
To: Lhen Ko<3
~Lhen! Date tayo mamaya?:) Kain na rin tayo, birthday ko e.
*sent
Siguro may regalo sakin si Lhen. Ay naku! Mamaya ko na nga muna iisipin kung saan kami pupunta.
----
Lunch break na, pero bakit hindi parin nila ako binabati? Nakalimutan ba nila?
“Grabeng Trigo yun! Feeling ko nilayasan ako ng utak ko. Ang hirap!”-Minn
“True friend! Pati Physics! Sus!”-Gienn
Nakatingin naman ako kay Lhen na tinatawanan lang sila Minn. Isang subject nalang yung test namin bukas, karamihan kasi ng mga teachers, nagbigay na ng test ngayon. Tsaka sa Trigo lang ako nahirapan, kahinaan ko kaya yun.(=________=)
BINABASA MO ANG
Ang "BATA" Ko!!
Fiksi Remaja*Buhay Highschool? Sabi nila dito mo na raw mararanasan lahat. Yung mga masasayang araw kasama ng mga kaibigan mo, kahit may problema mang dumating, malalagpasan nyo agad yun. Pero sa tingin ko, ang pinakamasayang naranasan ko sa buhay ko, ay ang n...