Chapter 44-"Bitter ka lang!!."

32 1 0
                                    

Chapter 44-“Bitter ka lang!!.”

(Mavy’s POV)

“Ayoko na Gienn! Suko na ako!”-Minn

“Ako rin! Ano? Sabay na tayo?”-Gienn

Napa-iling nalang ako sa dalawang to. Parang mga baliw e.

Pagkatapos kasi ng nangyari kanina sa booth,(yung kela Xianne at Princess), hinitak nalang ako bigla nitong dalawang to dito sa rooftop.

At ngayon nga, magkahawak pa silang kamay habang nag-uusap kung tatalon ba sila o hindi.(=__=)

“Tulungan ko kayo? Gusto nyo?” napatingin naman silang dalawa sakin.

“Ikaw makapagsalita ka parang hindi ka rin naiinggit kela Princess.”-Minn

“Hindi talaga.”-ako

Tama, kaya ganyan sila kasi nakakainggit daw sila Princess at Lhen, may mga lovelife na rin daw kasi. Sinabi ko pa ngang wala pang lovelife si Lhen kasi hindi nya pa naman sinasagot si Ronald, alam nyo ang sabi sakin?

“Bitter ka lang!!”

Hah! Ako bitter? Hindi ah!

“Nakakainis naman kasi.” At sa wakas, umupo na rin silang dalawa sa harap ko.

“Para kayong mga shunga! Promise!”-ako

“Duh~ Hindi naman maiiwasan na maging ganto kami no! Nakakainggit kaya.”-Minn

“Tama.”

Baliw din kasi tong dalawang to, mga pakipot pa e halata naman na gusto rin nila sila Mark at Nick. Naghihintayan silang apat kung sino yung unang aamin. Hay naku.

“Edi kausapin nyo sila! Sinasabihan nyo ako ng bitter e kayo nga yung mga bitter dyan.”-ako

Nag-indian seat naman si Minn habang si Gienn naman ay tinaas yung isang paa nya, tapos dun nya pinatong sa may tuhod nya yung kaliwang braso nya. Gets?

“Panu ko naman sya kakausapin kung sya na mismo yung lumalayo?”-Gienn

“Pano ko sya kakausapin kung nahihiya sya sakin?”-Minn

Nagulo ko nalang bigla yung buhok ko. Maloloka ako sa dalawang to.

“Pwede ba? Wag nyo na akong idamay sa mga ka-dramahan nyo. Babalik na ako sa booth. Okay?”-ako

Tatayo na sana ako kaso naunahan ako ng dalawang to. Hitakin daw ba ako bigla? Muntik na tuloy akong mapahiga.

“Aray naman!!”

“Wag kasi! Dito ka lang.”-Minn

“Oo nga, kaw na nga lang yung nakakaintindi samin tapos.*sob* *sob*”-Gienn

“Hindi ko kayo naiintindihan.(-_-)”

“Whoa! Hindi raw! E nabasted ka nga kay Lhen! Hahaha.”-Minn

Tiningnan ko naman sya ng masama. Pinapaalala na naman yun e.

Oo masakit, kasi unang beses kong magkagusto sa babae tapos ganun pa, pero inisip ko na rin kasi yung kapakanan ni Lhen, alam ko naman kasi na hindi sya sakin sasaya kaya nagpaubaya nalang ako.

Pero uulitin ko, masakit talaga.

“Speechless po. Haha.”-Gienn

“Batukan ko kayo e.”-ako

Lumapit naman sakin si Minn at inakbayan ako,kaso inalis ko rin agad, pero binalik nya ulit. Tsk,ang kulit.

“Ang arte neto!! Pero anyway, may kilala ako na bagay sayo, yun nalang ligawan mo.”-Minn

Napatingin naman ako kay Minn.” Sino?”

Ngumiti lang sya sakin ng nakakaloko bago magsalita.

“Si Micka!! HAHAHAHA------Ouch.>__<”

“Loka loka!Haha.”-Gienn

Hay naku, bakit ba ako nagkaroon ng mga ganitong kaibigan??(=_________=)

Ang &quot;BATA&quot; Ko!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon