Chapter 52- That picture
(Ronald’s POV)
Maaga lang akong pumasok ngayon, sabi kasi sakin ni Mark kailangan daw akong kausapin ni Tita, yung principal ng school namin. Kinabahan nga ako bigla, pero sabi naman ni Mark, hindi naman daw yata problema yung pag-uusapan namin.
Tinext ko na rin si Lhen na maaga akong papasok ngayon. Pustahan maaga rin yun papasok, excited Makita ako. Hahaha
Naalala ko na naman yung kahapon. Akala ko nung una magagalit sakin si Lhen dahil hindi ko agad nasabi sa kanya yung tungkol kay papa, pero mabuti nalang na naintindihan nya. Sasabihin ko naman yun sa kanya, pero hindi pa sana kahapon, e kaso ayun nga, si mama kasi.(>__<)
Tsaka kahapon, talagang naramdaman ko na hindi ako iiwan ni Lhen. Nangako sya sakin e, at alam kong tutuparin nya yun.
“Oh Ronald, ang aga mo yata?”-Tita
Napatingin naman ako agad kay Titan a may bitbit na maraming bag, kaya tinulungan ko na sya.
“Ahh, goodmorning po. Sabi po kasi sakin ni Mark gusto nyo raw po akong makausap.”
“Oo, tara, pumasok ka sa office ko.”
Pagkapasok namin sa office nya, nilapag ko na sa maliit na sofa yung bag nya.
“Sige, maupo ka dito.” Sabay turo sa upuan malapit sa center desk nya.
Umupo naman ako at ganun din sya. Medyo kinakabahan ako. Natatakot din kasi ako kay Tita e, medyo masungit. Buti nalang sila Kuya Art at Ate Joy hindi gaanong namana.
“Ano po ba yung sasabihin nyo?”
-----------
Pagkalabas na pagkalabas ko ng office, hindi parin ako makapaniwala sa narinig ko. Para akong nakalutang. Parang nilayasan ako ng kaluluwa ko.
Habang papunta ako sa room, nakasalubong ko pa yung grupo nila Micka, pero hindi ko sila pinansin. Nakatulala lang ako habang naglalakad.
Nung nakarating na ako sa room namin, tinawag agad ako ni Lhen.
“Ronald!”-Lhen
Napatingin naman ako agad sa kanya, tapos naglakad ako papunta sa kanya at umupo sa katabing upuan nya. Wala pa naman si Gienn kaya ayos lang.
“Oh, anong nangyari sayo? May problema ba?”-Lhen
“Oo nga, mukha kang shunga Ronald.”-Minn
Nakatingin lang ako kay Lhen, na halatang nag-aalala sa itsura ko. Hindi parin talaga ako makapaniwala.
(Flashback)
“Nabalitaan ko kasi na sumali kayo sa Battle of the bands na ginanap sa Westridge.”-Tita
“Opo, kaso pang-2nd lang kami.”
“Yun nga, pero kahit ganun, marami paring sumuporta sa inyo. At marami kaming natanggap na request na kung pwede, kuhanin namin ang banda nyo at mag-perform sa mga activities natin dito sa school.”
Napa-ayos naman ako bigla sa pagkaka-upo ko.
“T-talaga po??”
BINABASA MO ANG
Ang "BATA" Ko!!
Teen Fiction*Buhay Highschool? Sabi nila dito mo na raw mararanasan lahat. Yung mga masasayang araw kasama ng mga kaibigan mo, kahit may problema mang dumating, malalagpasan nyo agad yun. Pero sa tingin ko, ang pinakamasayang naranasan ko sa buhay ko, ay ang n...