Epilogue
''Lhen!! Bumaba kana riyan at kakain na!!"
"Opo!!"Pinatay ko muna ang laptop ko at nag-inat inat ng kaunti.
Sa wakas!! Natapos ko rin!!
Nung okay na,bumaba na ko para makakain ng hapunan. Naabutan ko na nga sila papa,mama,ate at kuya na nakaupo na at handa nang kumain.
"Lhen,bilis mo nga at nagugutom na ako."-ate
Dahil nakita ko na ang pagkunot ng noo ni ate,binilisan ko na ang pagbaba at pumunta na sa tabi ni kuya.
"Ano ba ang ginagawa mo sa harap ng laptop at maghapon ka na lang yata nagtatype?"-mama
"May tinapos lang po."
Ang sarap talaga sa feeling kapag nakatapos ka ng isang story.
Tsaka sa story ko na lang talaga naibubuhos ang kilig ko. Lahat ng mga gusto kong maranasan.
Sa loob ng storyang yun,ako ang bahala kung ano ang dapat,o hindi dapat mangyari. Ako ang may hawak ng lahat.
Pero sa totoong buhay,hindi ko magawa ang mga bagay na gusto kong gawin. Duwag kasi ako. Mahina.
Sana magkaroon din ako ng mga kaibigan tulad ng sa kwento. Sana magkaroon din ako ng katulad ni Ronald na tatanggapin ako kahit sino o ano pa ako.
Pero hanggang Wattpad lang yun. Hindi lahat ng mga nangyayari sa isang storya,nangyayari sa totoong buhay.
"Lhen,kumain ka na ng kumain dyan."-papa
At ngayon,kailangan ko nang mabuhay ng normal. Kailangan ko nang isipin na hindi mangyayari sakin ang mga sinulat ko.
Ngayon palang magsisimula ang storya ko.
-------The End------
Author's Note:
Owkey! Alam kong hindi ito ang expected nyong finale,pero hindi kasi ako gaanong mahilig sa mga happy endings. Sino ba naman kasing matutuwa sa endings? Diba?So bale ang storyang Ang "Bata" Ko! ay isa lamang gawang storya ng isang babae na nagngangalan ding Lhen. Yung next story nito,yun na talaga ang totoong nangyayari o mangyayari kay Lhen.
Ang kasunod nitong story ay i-uupload ko nalang kapag hindi na ako gaanong busy. Summer job,you know.
Kaway kaway!! Ingat and Godbless.:)))
Thank you.:)
March 26,2015
BINABASA MO ANG
Ang "BATA" Ko!!
Novela Juvenil*Buhay Highschool? Sabi nila dito mo na raw mararanasan lahat. Yung mga masasayang araw kasama ng mga kaibigan mo, kahit may problema mang dumating, malalagpasan nyo agad yun. Pero sa tingin ko, ang pinakamasayang naranasan ko sa buhay ko, ay ang n...